Unang dinala ni Brendan ang magkasintahang Allison at Carter sa isang clothing store. "Sige, guys, mamili na kayo. Hihintayin ko na lang kayo rito," wika ni Brendan. Sumunod naman ang dalawa. Pumasok sila sa isang stall ng damit at namili. T-shirt at pants lang ang kinuha ni Allison dahil doon siya komportable. Kaagad niyang isinuot ang isa para makahinga naman siya sa fitted na dress na suot niya. "Is this okay?" tanong ni Carter sa kanya habang ipinapakita ang isang black shirt. "Oo maganda. Isukat mo sa fitting room," wika ni Allison. "Sige. Susubukan ko na rin itong iba," tugon ni Carter. Nagtungo na ito sa fitting room. Hindi nagtagal at nainip si Brendan sa paghihintay sa dalawa. Nagpasya siyang pumasok sa stall. Sinalubong siya ng isang saleslady. "Hi, Sir!" wika nito. May d

