CARTER woke up to the sound of his alarm clock. He lives alone in his condo unit, so there’s no one he can rely on but himself. He got up to make himself breakfast.
While his family owns a successful garment shipping business, he chose to pursue his passion for modeling. After he finished college, he tried his luck in a fitness agency. And with his physic and good looks, it wasn’t hard for him to land a job. He has been working for almost five years as a fitness model.
Last year, he also launched his YouTube channel, where he shares some of his workout and adventure vlogs. He now has a decent million followers and growing.
He was eating his breakfast when his phone rang. He picked it up and pressed the answer button. It was Kevin- his friend and gym buddy. “What’s up, bro?” he said.
“Any good news for me?” asks Kevin. Ang tinutukoy nito ay ang progress ng ginawa nitong pagsubok sa isang casting call.
“Relax bro, you’ll get it. You just have to wait and before you know it, may matatanggap ka ng tawag. Just relax, okay?” He sipped his favorite glass of coffee. “I know you’re becoming frustrated, but don’t stress yourself out.”
Wala siyang narinig na tugon mula sa kabilang linya. Isang buwan na ring naghihintay si Kevin ng tawag mula sa mga casting calls na pinuntahan nila. Tinutulungan niya ito upang mas mapadali ang pagpasok sa karera ng pagmomodelo. Kailan lang ito nagpakita ng interes sa larangang ito at nilapitan siya nito bilang siya ang mayroong karanasan.
Napagdaanan niya ang pinagdadaanan ng kaibigan ngayon, kaya’t alam niya ang pakiramdam ng maghintay.
“I’ll be there before one o’clock, okay? We can’t skip leg day,” says Carter.
He wants to keep Kevin as motivated as possible. They hit the gym at least five times a week. Binabantayan din nila ang kanilang mga kinakain. Kailangan i-maintain nila buong taon ang kanilang body fat levels. They need to keep their body in shape because it’s their biggest investment. They have to look good always. Ang mga kagaya nila ay walang on and off season. Kailangan lagi silang fit dahil ano mang oras ay pwedeng kumatok ang oportunidad sa kanilang pintuan.
Pagkatapos magawa lahat ng kanyang morning routine ay umalis na siya upang magtungo sa bahay nina Kevin. Malapit lang sa bahay nito ang gym. Pagkalabas ng village ay halos walking distance na lang papunta roon.
Pagpasok niya ng bahay nina Kevin ay kaagad niyang nakita ang makulit na batang si Marky at ang tutor nitong si Abbey. Nginitian niya ang dalaga.
Hindi naman mapakali si Abbey. Sa tuwing makikita niya si Carter ay nawawala ang kanyang focus. Kahit nga litrato pa lang nito ay halos mawala na siya sa katinuan, ano pa ngayong nakikita niya ito nang malapitan at halos abot kamay na niya?
Noong una ay sa commercials, magazines, at billboard niya lang nakikita si Carter. Hanggang ngayon ay ikinatutuwa niya pa rin kapag nasa-stock ang traffic sa EDSA sa mismong tapat ng Billboard nito para mapagsawa niya ang kanyang sarili sa pagtitig sa perpekto nitong kabuuan.
Alam niyang maraming babae ang karibal niya kay Carter, ngunit hindi lahat kagaya niyang may pagkakataong mapansin nito. Gagawin niya ang lahat mapansin lang siya ni Carter bilang isang babaeng pwede nitong ibigin.
“Hi Carter,” nahihiyang bati niya sa binata.
“Hi!” nakangiting bati rin ng binata sa kanya. Napansin niya ang dalang magazine ni Abbey. “You want me to sign that? Do you have a ballpen?”
Kinilig naman kaagad si Abbey. Ang bait talaga ni Carter! Hindi pa nga siya nagsasabi ay ito na mismo ang nag-alok ng kanyang sadya. Excited na inabot niya sa binata ang magazine at ballpen. “Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob na humingi ng signature mo,” aniya. “Naka-subscribe rin ako sa channel mo. I am your number one fan,” dugtong pa niya.
“Talaga? Wow!” wika naman ni Carter. “Thank you so much!”
“Sana mag-artista ka rin para mas madalas na kitang makita sa TV.”
Bahagyang natawa si Carter. Umiling ito. “No chance,” anito. “Hanggang ads lang ako dahil wala akong talento sa pag-arte. As a matter of fact, wala nga akong ka-talent talent kundi ang mag-project sa harap ng camera at maglakad paroo’t pabalik sa harap ng maraming tao.”
“Ang humble mo naman,” wika ng dalaga.
“No, I’m just stating a fact. I cringe just imagining myself acting.” He smiled.
Lalo iyong nagpabilis ng t***k ng puso ni Abbey. Pakiramdam ng dalaga ay sinisipsip ng ngiti nito ang lakas niya sa kanyang mga tuhod at ano mang sandali ay babagsak siya sa kanyang kinatatayuan. Naisip niya, sasaluhin kaya siya ni Carter kung sakaling mangyari iyon? Bakit hindi niya subukan?
Pasadya sana niyang ibabagsak ang sarili ngunit bigla na lamang tumalikod si Carter nang tawagin ni Kevin.
“Let’s go, bro!” wika ni Kevin. Pupunta na ang mga ito sa gym.
Inis na inis ang kalooban ni Abbey dahil sa naudlot na pagsalo sana sa kanya ni Carter. Bumalik siya sa pagtuturo kay Marky.
“Dude, I think Abbey likes you,” wika ni Kevin pagkalabas nila ng bahay.
“Ow? You think so?” ani Carter.
“Just notice how much she blushes when you’re around.”
“Well, she said she’s a fan. So, I thought it was just a normal reaction from her,” tugon ni Carter.
“Don’t you find her attractive?”
Napangiti si Carter. “Well, she is attractive. No doubt about that. She’s not just my type.”
Bumuga ng hangin si Kevin. “I’m relieved, bro,” anito.
“Relieved, why?” Napangiti si Carter nang makuha ang ibig sabihin nito. “You like her!”
“Yes. I like her a lot. Kahit ikaw ang gusto niya, dahil hindi mo naman siya gusto ay malaking relief sa akin iyon. Huwag ka lang magbabago ng isip.”
Natawa si Carter. “She’s yours, man. You have nothing to worry ‘bout me.” Tinapik niya ang balikat ng kaibigan at saka sila tuluyang pumasok ng gym.
Hindi ang kagaya ni Abbey ang tipo niyang babae. Ang tipo niyang babae ay iyong hindi nai-intimidate sa kahit na sinong lalaki. Iyong palaban at malakas ang personalidad. Hindi pa siya nakakatagpo ng ganoong klaseng babae kaya hanggang ngayon ay single pa siya.
Pagkatapos nilang mag-workout ay tumuloy sila sa paborito nilang restaurant para sa kanilang post workout meal.
Habang kumakain ay napansin niya ang isang babaeng mag-isa lamang sa sulok ng restaurant. Napatingin siya sa kanyang likuran nang mapansin niya ang matalim na tingin nito. Wala namang ibang tao sa kanyang likuran kaya sa kanya nga nakapukol ang mga mata nito. He smiled at her, but her facial reaction didn’t change.
Ibinalik na lang niya ang atensyon sa kinakain. Maya’t maya ay sinusulyapan niya ang babae. Maganda ang kulay ng balat nito- morena at makinis. Bilugan naman ang mga mata nito, katamtaman ang tangos ng ilong at may nakakaakit na mga labi. Ang buhok naman nito ay tuwid at itim na sa tingin niya ay abot hanggang baywang.
Hindi niya mapigilang mapangiti.
Napalingon si Kevin sa direksyon kung saan panay ang sulyap ni Carter. “That girl’s stare looks like she’s going to wait for you outside and slit your throat,” bulong nito.
“Baka hindi sinipot ng ka-date,” natatawang hula ni Carter.
“Baka ikaw iyong ka-date na hindi sumipot kaya ganyan ang tingin sa iyo,” biro ni Kevin.
“I wish!” Carter smirked.
Natawa si Kevin. “So that girl is your type, isn’t she? Mga amazona pala ang tipo mo.”
“She got me with that stare, bro. Wala pang babaeng nangahas tumingin sa akin nang ganyan. That makes her special. Whoever he is that upset her, I’ll willingly punch him in the face if she’d ask me to.”
Humagalpak ng tawa si Kevin. Umiiling iling ito. “Dito ka pa talaga tinamaan ng pana ni kupido,” anito.
“Seriously bro, I think may atraso nga ata ako sa kanya,” wika ni Carter. “Hindi niya ako nilulubayan ng tingin, e. It’s so weird!”
“Baka isa sa mga chicks mo na hindi mo lang na-re-recognize,” pabirong wika ni Kevin. “Sigurado ka hindi siya isa sa mga babaeng naka-one night stand mo?”
“What?” Natawa ang binata. “You gotta be kidding me! I’m not into flings. Alam mong seryosong relasyon ang gusto ko.”
He never had a relationship. He doesn’t want to unless he’s sure with the girl. Yes, he’s that rare hopeless romantic guy.
“Relax, bro! I know, okay? I know,” tugon ni Kevin. “But you must admit to me that your life is boring, isn’t it?”
Mabilis na umiling si Carter. “If you mean not having many girls to hook up with, you’re wrong,” he answered. “My life is not dull. It’s more of making myself ready for that woman who I will marry someday. I will be that man who is proud to tell my wife that I never loved anyone other than her. In that way, I’ll make her feel that she’s the most special woman in the entire universe.”
“That’s for sure,” Kevin agrees.
Bumalik ang tingin ni Carter sa babaeng iyon. She starts to make him feel uncomfortable. What with this woman?
Pagkatapos kumain ay dideretso na siya sa kanyang condo. Gagawa siya ng bagong content para sa fitness community.
Pagkalabas nila ng restaurant ay napansin ni Carter na tumayo rin ang wirdong babae. May plano nga yata itong hindi maganda sa kanya, ngunit ipinagkibit balikat niya ang isiping iyon sapagkat ayaw niyang maging judgemental.
Napahinto sila sa paglalakad nang marinig nila ang pagtawag ng babae sa buong pangalan niya. Carter Davis.
He gulped. Is he in trouble?