Faith
We convoyed. Ako ang nanguna sa pagpunta sa lumang bahay. It has to be done. Para na rin malipatan ko ito’t makapinabangan.
I smirked bitterly. Baka isa lang na naman ito sa mga plano kong hindi ko mapanindigan.
Pagka-park ko sa harap ng gate, isinuot ko ulit ang wayfarer ko at mabilis akong bumaba para igiya siya sa loob. Agad kong nakita si Banjo na nagpapahinga sa veranda sa baba. Sinalubong niya kami para buksan ang gate.
“Madam! Buti nagawi ka rito. Akala ko sosolohin ko ‘tong mansyon mo ngayong araw eh.” Nakakalokong biro niya sa akin.
I smiled at him mockingly. “Funny ka, ‘no?”
He giggled. Bumaling siya sa kasama ko. “Boss Engineer! Kumusta po?” masayang bati niya rito.
Nangunot ang noo ko. Aba! Kung makabati naman ang isang ‘to. Alam kong nagtrabaho siya sa kanya noon pero sa dinami-daming workers na nahawakan ang lalaking ito, sigurado akong hindi niya na matandaan kung sino ang mga iyon.
Pero tumaas lang ang kilay ko nang makita kong tinapik niya ang balikat nito. “Ayos lang, Jo. Pumunta ako rito para i-check ‘tong bagong proyekto.”
Wow. First name basis pa.
“Ako nga po ang nagmungkahi sa kanya na puntahan ka dahil alam kong magaling kayo, eh!” pagmamalaki niyang sabi.
I scoffed sarcastically. Narinig iyon ng dalawang nag-uusap sa harap ko. I cleared my throat and show them the way.
Nilibot niya ang buong bahay. Inumpisahan niya sa ground floor. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagiging mapagmasid. Minsan, hinahawakan niya ang dingding at pinagmamasdang mabuti ang bawat sulok nito. Kapag may tanong siya tungkol sa nangyari sa bahay, laging ‘hindi ko alam’ ang sagot ko.
Mula sa kusina ay iginiya ko siya sa second floor. Nakasunod lang ako sa kanya. Dinig na dinig ko ang bawat lagatik ng baiting ng hagdan na yar isa kahoy kapag naaapakan niya. This man is tall and huge. Kaya pinaalalahanan ko siyang mag-ingat.
“Marupok na ‘yan. Mag-ingat ka’t baka biglang lumusot ang mga binti mo diyan. Hindi ka pa naman namin kayang pagtulungan ni Banjo.” Malamig na sabi ko.
He chuckled. “Lagi ka na lang talaga may nasasabi.” He coolly said.
Inikot niya rin ang buong second floor. Gawa sa matibay na tabla ang sahig nito. Maging ang mga partition ng kwarto ay yari sa magandang klase ng kahoy. Pero dahil sa katandaan at kapabayaan na rin, unti-unti na itong sinira ng anay.
Hinuli namin ang sementadong veranda. Binuksan ko ang double door na yari rin sa kahoy. Ang pabilog na disenyo veranda ang isa sa nagbibigay ng highlights sa buong kabahayan. Lalo na ang pabilog na poste nito na napakadetalyado ng disenyo. Sa bawat poste ay may maliliit na leong nakasabit sa itaas na bahagi bago marating ang kisame na yari sa bato.
“Ano’ng inisyal na gusto mong mangyari sa mansyon mo?” kritikal na tanong niya sa akin.
I looked away. Inalala ang mga naunang plano. “Gusto kong ipreserba niyo ang dating disenyo ng bahay.”
Tumangu-tango siya. “Ano pa?”
Nag-isip ako ulit. Ano ba naman ‘to. Noong una ang dami kong naiisip ipagawa sa mansyon na ‘to. Ngayong nandito na ang gagawa, saka pa ako na blackout.
“Uh…” Inilinga-linga ko ang paligid. Lumapit ako sa barandilya at pinagmasdan ang paligid. “Ayun.” Turo ko sa gitnang bahagi ng bakuran. “Pwedeng palagyan ng fountain yan?”
Lumapit siya sa akin ng bahagya. “Pwede. Magpapahanda ako sa architect ng mga disenyo. Mamimili ka na lang.”
Tumangu-tango ako. “Kailan?”
He smirked. “Nagmamadali ka yatang ipaayos ‘to? Ano ba’ng balak mo sa bahay na ito?”
Kumuha ako ng sigarilyo sa metal case ko at nilabas ang black metal lighter ko. Inipit ko iyon sa aking labi bago sindihan. Hinayaan ko lang siyang panoorin ako. Pinagningas ko muna iyon bago humithit at saka ibinuga ang usok sa ere.
“You smoke?” I offered.
Hindi nawala ang ngisi sa mga labi niya. Itinaas niya ng bahagya ang kamay niya at saka umiling. “No, thanks.”
Itinukod ko ang dalawang kamay sa barandilya. Tinanaw ang magandang view mula sa itaas. “Bubuhayin ko lang ‘tong lugar na ‘to.”
Itinukod niya rin ang magkabilang siko niya roon. But unlike me, he’s not facing the scenery. He’s facing the house. Dinungaw niya lang ako habang nagsasalita.
“Nabili mo ba ‘tong lugar na ‘to?” usisa niya.
Tinaktak ko ang stick ng sigarilyo para matanggal ang upos no’n at saka muling humithit ng usok. “Hindi. Ipinamana sa akin ni Papa bago siya…” pinagdikit ko ang mga palad ko na parang nagdadasal at saka itinuro ang langit. Nagtaas ako ng kilay. “Kuha mo?”
His lips parted and his forehead creased. Tumango siya na parang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
I smiled and shook my head.
“Ano’ng pangalan mo, kung ganoon?” muling tanong niya.
Nilingon ko siya. “Hindi ko pa ba nasasabi sa’yo?”
Umiling siya. “Hindi kita tatanungin kung nasabi mo nga.”
I sneered in irritation. Pilosopo. Pero ang isang ‘to. Nangiti pa sa reaksyon ko.
“Faith.” Simpleng sagot ko.
“Full name?” hirit niya.
I rolled my eyes. “Faith. Bernadette. Ines. Arconado.” Madiin at malamig na sabi ko. “Okay na?”
Napanganga siya matapos kong masabi ang buong pangalan ko. Nakita kong tumuwid siya sa pagkakatayo at mataman akong pinagmasdan.
“Arconado ang apelyido mo?” paninigurado niya.
Nagkamot ako ng sentido. “Ano bang mayroon sa apelyido ko’t gulat na gulat kayo kapag naririnig niyo ‘yon? May lahi bang mangkukulam ang mga ninuno ko?” I laughed at my own joke.
Hindi siya nakaimik. Nanatili siyang tahimik sa tabi ko.
Idiniin ko sa semento ang natirang upos ng sigarilyo at pinitik iyon sa ere.
“Ikaw ba? Ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa kanya.
“Philip Emmanuel…Cabañero De Guia.” Marahan niyang sabi.
I pouted. Biglang may naalala. “Cabañero rin daw ang may-ari no’ng hotel na tinutuluyan ko…” I said casually. When I realized something, I faced him with my hands crossed. “Huwag mong sabihing…”
“Oo. Sa amin ang hotel and resort na iyon. Ako lang ang nagma-manage dahil…wala na si Mama at mahina na rin Papa ko.” he explained languidly.
Kumibot ang gilid ng labi ko. I shrugged my shoulders. “Kailan ulit tayo magkikita?” pag-iiba ko ng usapan.
Mainit na ang sikat ng araw. Balak ko nang pauwiin si Banjo, tutal ay Linggo naman ngayon. Bukas na lang siya ulit maglilinis. Isa pa, gusto ko ring mag-relax muna. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa hangover dulot ng ininom kong alak kagabi.
“You can just drop by to my office anytime.” Kaswal niyang sagot.
“Can I get your number, then?” ani ko.
He smiled evilly. “Sure. Let me.”
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Nang mapatingin ako sa screen, nakita kong may tumatawag roon.
“Uh, excuse me. I need to take this call.” Paalam ko sa kausap.
Iniwan ko siya roon para makalayo ng bahagya. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at sinagot ang tawag na iyon.
“Kuya Onyx…” ani ko. Mababa lang ang boses ko pero kalmado naman kahit papaano.
“Ano, Bernadette? Kailan ka uuwi?” sarkastikong tanong niya.
Sinulyapan ko si Philip. Nakatingin lang siya sa akin.
“Mamaya na tayo mag-usap, Kuya. May ka-meeting ako.” I blandly said.
“Hah! Nagsusunog ka lang ng pera diyan! Ayusin mo na nga ‘yang sarili mo! It’s been years, Berns. Hindi ka pa ba tapos sa paninira mo sa buhay mo?” galit na sabi niya.
“Tsk. Oo na, oo na.” badtrip.
Kahit nagsasalita pa siya, pinutol ko na ang linya. Alam ko naman kung saan hahantong ang pag-uusap na ‘yon. Kaya minsan, ayoko na silang kausapin, eh.
Isinuksok ko ang cellphone at nilapitan si Philip.
“Tapos ka na ba sa pagi-inspect?” I asked.
Mataman lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang mga titig niya. Blangko ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin at…well…wala akong pakealam talaga kung ano’ng iniisip niya.
Gusto ko lang malaman kung ano’ng sagot niya.
“I’ll just have a quick tour around the house. And… I’ll get your number, Ms. Arconado. Para kapag natapos na ang disenyo at ang estimates, I can set a meeting again for you.” Aniya. Mula sa pocket ng kanyang maong jeans ay kinuha niya roon ang kanyang cellphone. He handed it to me.
“Alright.” Kinuha ko ang cellphone niya at saka tinipa ang number ko.
Kinausap ko si Banjo habang nililibot niya ang buong kabahayan sa labas. Ibinigay ko sa kanya ang sweldo niya para sa araw na iyon kasama ang pangkain dahil mukhang hindi pa nag-lunch ang isang ‘to.
“Ang galante mo naman, Madam. Pero salamat na rin ah?” aniya.
Isinuksok ko ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon ko at saka minsan tumango. “Pahinga ka na. Bukas mapapalaban ka ulit.” Nakangising sagot ko.
“Sige, Madam. Uwi na ako.” Nangingiting sabi niya. Lumipat ang tingin niya sa likuran ko. “Boss Engineer! Mauuna na ako.” At saka kumaway.
Tinanaw ko ang pag-alis ni Banjo roon. Dito na lang muna siguro ako. Nababagot na ako sa hotel. Wala namang ibang magawa ro’n kundi mag-inom, mag-yosi, at manood ng TV. Okay sana ang mag-swimming pero hindi ako nagdala ng swimsuit o bikini.
Naupo ako sa duyan na nilagay nila Banjo at ng ama niya. Gawa iyon sa rattan at pinagdugtong lang sa magkabilang puno ng narra. Okay pala rito, presko sa tanghali kahit medyo mainit. Dito muna ako mamamalagi. Hindi pa naman ako gutom kaya pwede pa akong maglagi rito kahit ilang oras pa.
“Tapos ka na?” tanong ko sa kasama.
Bumaling siya sa akin at saka nangiti. “Tara na?” yaya niya sa akin.
Nangunot ang noo ko. Ano bang akala niya? Aalis akong kasama niya?
“Dito lang ako.” Tipid kong sagot sa kanya.
Luminga-linga siya bago muling bumaling sa’kin. “Mag-isa ka lang dito.”
Nagkibit-balikat ako. “I know.”
“Wala kang kasama.” Mariin na sagot niya sa akin.
“I can see that.”
He sighed. “Have you eaten?”
Umiling ako. “Hindi ako gutom. Kung tapos ka na at may gagawin pa, pwede ka nang mauna. Dito muna ako.”
Nagbuga siya ng hangin. Kapagkuwa’y hinila ang pahabang bangko na yari sa malapad na table at naupo ro’n.
“Samahan na lang kita kung gano’n.”
Tumawa ako nang may panunuya na kalaunan, nauwi rin sa nakakaaliw na halakhak.
“Bahala ka, Engineer De Guia. Mag-aksaya ka ng panahon dito, wala akong pakealam.” Naiiling na sabi ko at saka humalakhak ulit.
He smirked and only stared at me. “I won’t mind wasting my time here.” At saka marahang ginalaw ang duyan ko.