CHAPTER 5

1823 Words
Faith   Pinabayaan ko siyang samahan ako ro’n habang nagpapalipas ako ng bagot. Alam ko namang hindi rin siya magtatagal dito dahil hindi ko naman siya pinapansin. Busy ako sa pag-iisip kung ano’ng susunod kong gagawin.   Nagawa ko pa ngang makaidlip dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Naroon pa rin siya bago ko ipinikit ang mga mata ko. Kaya lang, hindi pa yata ako nagtatagal sa pagkakatulog, naramdaman ko ang mahihinang tapik sa braso ko.   “Faith…Faith.” Gising ko.   I groaned. Iwinasiwas ko pa ang kamay niya dahil hindi pa ako nararamdaman ang lalim ng tulog ko. I want to sleep more. Damn it!   “Ano…” anas ko.   “Faith, dumidilim ang langit. Mukhang uulan.” Aniya. Ba’t nandito pa ‘to?   “Tsk. Go on. I don’t f*****g care.” Sagot ko.   My eyes are still close. Nawala na ang pagtapik-tapik niya sa akin kaya inayos kong muli ang pagkakahiga ko sa duyan at sinubukan ko ulit kunin ang tulog ko.   I can only hear muttered a soft curse. Pwede niya na akong iwan kung tutuusin pero napakakulit. I don’t need his presence here. I only need his expertise to renovate my house.   Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang gaan ng pakiramdam. Para akong nakalutang sa ere. Dumilat ako and there, I saw Earl, standing just near the bench.   Mabilis akong kumilos. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa duyan at saka nagmamadali siyang pinuntahan. He sported his usual white polo shirt paired with a khaki pants and leather shoes. Ang linis niyang tingnan. Katulad pa rin ng dati.   “I miss you!” nakangiting sabi ko at saka siya niyakap ng mahigpit.   He chuckled. “You’ve been stubborn these past few days, Faith. What happened?”   Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka siya tiningala. Mas matangkad siya sa akin. hanggang balikat niya lamang ako.   “I miss you so.” Ani ko na tila nagsusumbong sa kanya.   He smiled and caressed my face. Dinama ko ang hawak niya. It’s cold but I don’t mind.   “I won’t stay long, darling.” Aniya.   Agad na nanikip ang dibdib sa narinig. Bigla akong nag-panic. Kakakita ko lang sa kanya, iiwan niya na ako agad?   “Then, I’ll go with you!” nag-iba ang tono ng boses ko. It sounds demanding, at the same time worrisome.   Sa kabang nararamdaman na baka mawala siya agad sa paningin ko, I became desperate. Umiyak na ako sa harapan niya. Kung kailangan kong magmakaawa para hindi niya ako iwan, o para kahit magtagal lang siya sa harapan ko, gagawin ko. Wala akong pakialam kung ano’ng iisipin niya.   “Faith, you know you can’t---”   “No!” mataas ang boses kong sumalungat sa kanyang sagot.   Natigilan siya sa inasal ko. Malamig na titig lamang ang iginawad niya sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil baka hindi niya ako lalo pagbigyan sa gusto kong mangyari. I have to behave. I have to be a good girl. Kaya pinalis ko ang luha ko sa aking mga pisngi at kahit nanginginig ang mga labi ko, ngumiti ako sa kanya.   My smiles are full of hopes for him.   “E-Earl, sweetheart…” inabot ko ang kanyang kamay. It’s cold. I can sense his disapproval but he let me hold his hand. I gulped and tried to be more careful with my words.   I gulped. Hard. “Take me with you…” I almost whispered. Nanginginig ang mga kamay ko sa paghawak niya. Pinipigilan ko ang sariling huwag magpaapekto sa bugso ng damdamin ko.   “Please…” I pleaded.   He sighed. Muling namuo ang mga luha sa mata ko nang makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. He won’t let. Ayaw niya.   “I can’t do that.” Umiling-iling siya at saka tumungo.   Nainis ako sa pagtanggi niya! Binalot ako ng iritasyon dahil ilang beses niya na itong ginawa sa akin. Sa inis ko, hinampas ko nang minsan ang kanyang dibdib.   “Why can’t you do that?!” sigaw ko! “Earl! Gusto lang kitang makasama! Why won’t you allow me to be with you?!” mariin at punung-puno ng frustration ang boses ko.   I cried hard. Hinampas kong muli ang dibdib niya. Hindi siya natinag. Hinayaan niya lang akong maglabas ng sama ng loob dahil sa pagtanggi niya.   I covered my face drenched with my own tears. Iyak ako ng iyak. Yumuyugyog na ang balikat ko dahil sa lakas ng pag-iyak ko. I can only feel his cold stares towards me. I don’t want to see him leaving me again but… I can’t ignore to look at him until I can’t see him no more.   Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. That’s my cue. Kahit mahapdi na ang mga mata ko sa kakaiyak at hinahabol ang hininga dahil sa pagsinok, tinaggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa aking mukha at muli siyang tiningnan.   Pero…   Wala na siya.   I panicked. I called his name several times! Tanging ako na lang ang naroon sa bench na iyon. Lumingon-lingon pa ako sa paligid, hoping that I could see him so I could chase him.   But he’s gone…again.   Hindi ako tumigil sa kasisigaw ng pangalan niya. Lalong lumakas ang pag-iyak ko. I felt abandoned and unloved.   Not until…   “Faith!” narinig ko ang malakas na tawag sa pangalan ko.   I tried to catch my breath. Hinihingal ako. Ba’t gano’n? Magaan lang ang pakiramdam ko kanina. Ngayon, para akong nakipagbuno sa isang malaking tao.   “Faith! Ms. Arconado!” tawag sa akin ng kung sino.   Slowly, I opened my eyes. Ramdam ko kaagad ang pamamasa ng mga mata at pisngi ko. What happened? Hindi ba’t natulog lang ako? Why do I feel like a mess now?   Una kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Engr. De Guia. With is eyes widened, jaw clenching and a worried reaction plastered on his face, I gulped hard and blew my remaining air in my lungs.   Muli kong inalala ang nangyari kanina.   I saw him again. But this time, it’s a very heavy feeling. “Binabangungot ka.” Marahang sabi niya. Ang mga braso niya ay nakahawak sa magkabila kong balikat. Probably he shook my body for me to woke up.   Nangunot ang noo ko. Ano’ng bangungot? Earl was never a nightmare to me!   Nanghihina man ang katawan ko, pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin. Binitawan naman niya ako. My palms immediately landed on my face and eyes to I can wipe my tears. Nang dumapo ang palad ko sa aking noo kung saan ako hinalikan ni Earl kanina, I smiled bitterly.   I sighed.   “I’m fine.” Malamig na sabi ko.   Hindi siya kumilos. Umayos lang siya sa pagkakatayo pero hindi na muling gumalaw pa. I felt his dark stares unto me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I smirked, trying to show that I’m fine and there’s nothing to worry about.   “Mauna ka na. I’ll stay here.” Mahina kong sabi. Walang bahid ng bigat ang boses ko.   Siya naman ngayon ang bumuntong hininga. Muli siyang naupo sa pahabang bangko at mataman akong tiningnan.   Umiwas ako ng tingin. I don’t want him to see me my soft state now. I’m a mess. At sa dinami-dami ng pagkakataong nangyayari ito sa akin, siya lang, ang nakakita sa akin na ganito.   I bit my lip. Damn. If I could just be more careful.   Naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa balat ko. Nang tumingala ako sa langit, nakita kong umaambon na.   “Tara na.” pagyaya niya sa akin.   Tiningnan ko siya. He looked at me so fragile. Tila tinatantiya ang mga sasabihin sa akin para hindi ako makapagsalita ng pabalang. Sinuklian ko lamang iyon ng malamig na titig.   Pero hindi ko alam kung ano at paano, tumango ako sa sinabi niya. Sumang-ayon ako sa kanya. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil papaanong napasunod ako ng taong ito?   No one’s going to overrule me.   Sa mga sumunod na linggo, mas naging abala kami ni Banjo sa mansyon. Inayos na namin ang lahat ng pwedeng ayusin. In between those weeks, I already met the team of Engr. De Guia. Ipinakita na sa akin ang mga disensyo na pwede kong pagpilian. Pinapili na rin ako ng araw kung kailan ko gustong umpisahan ang renovation. I already signed a contract with his firm, too. “Madam, itapat mo sa araw na may otso! Para swerte.” Suhestiyon ni Banjo. Nasa pahingahan kaming tatlo. Ako, siya at si Philip. Katatapos lang nilang magsukat-sukat sa loob at labas ng bahay kasama ang architect at ibang kasamahan. Nauna na silang umalis at nagpaiwan na lang ang boss dito.   Sumimsim ako ng kape bago siya sinagot. “Totoo ba ‘yan?” I asking mockingly.   Tumangu-tango siya. “Opo, Madam!” at saka kumagat sa tinapay na hawak niya.   “Tss.” At saka ako umiling. Binaling ko naman ang tingin ko sa isang kasama. “I’ll give my payment for the mobilization fee tomorrow.” Pormal kong sabi sa kanya.   Nagkibit-balikat lamang siya. “No worries.” At saka ininom ang kape niya.   I rolled my eyes. Hindi na muling nagsalita.   Tumayo ako. Ipinatong ko ang basong hawak ko sa laesita at hinarap si Banjo.   “Ikaw na ang bahala rito. Aalis na ako.” Paalam ko.   “Okay, madam. No problem!” sagot niya.   Tumingin ako kay Philip. Nakatingala na rin pala siya sa akin. Tumango lamang ako sa kanya ng minsan at saka umalis na sa lugar na iyon.   I clicked my keys to open my car. Papasok na ako sa driver’s seat nang marinig kong tinawag ni Philip ang pangalan ko.   My eyes drifted on him. Patakbo niya akong nilapitan. Tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka.   Ano’ng kailangan nito? May nakalimutan ba akong sabihin?   “Saan ka pupunta?” tanong niya nang makalapit na siya sa akin.   “Bakit?” balik-tanong ko.   Tiningnan niya ang wristwatch niya at saka hinawakan ang kanyang batok. I shook my head once, medyo nawawalan na ng pasensya sa bagal niyang magsalita.   “Yayayain sana kitang mag-dinner mamaya.” Aniya.   Sandali akong tumitig sa kanya. When I mind processed what he said, my lips parted I nodded. Pero ngumiwi lang ako dahil…ayokong paunlakan ang gusto niyang mangyari.   “No, I’m sorry.” Diretsahang tanong ko sa kanya. He bit his lip. I don’t mean to humiliate him because I turned down his offer. Kailangan kong pumunta sa siyudad. I have to prepare my funds for my payment to this firm. Doon na rin ako kakain ng hapunan.   “Next time, then?” he asked trying to cover his disappointment.   Ngumuso ako. “I’m not sure.” Sagot ko.   Hindi ko na tiningnan ang naging reaksyon niya. Pumasok na ako sa sasakyan ko’t binuhay ang makina nito. I glanced at him. He’s still standing there. When I honked my horn once, he just raised his hand.   Bumaling na ako sa kalsada at nagsimulang mag-drive paalis doon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD