Faith
Few days after I signed the contract with Engr. De Guia’s firm, the renovation of the mansion started. Nag-simula lang muna kami sa paglilipat ng mga gamit sa stock room sa likod ng bahay. Halos natuon ang dalawang araw namin sa paglilipat lang ng mga gamit. Mabuti na lang, kahit medyo aanga-anga sa pagbubuhat ng babasaging gamit ang mga tauhan niya, naitawid pa rin nilang lahat ‘yon sa stock room.
Sinaway ko ang dalawang lalaking naglilipat sa painting ng lola ko, si Celeste Del Mundo Arconado.
“Ingatan niyo ‘yan!” I sneered then whispered. “Baka tanggalan ko kayo ng hininga.” I almost murmured.
Kitang-kita sa mukha ng dalawang lalaki ang pangamba ng sitahin ko sila. Agad silang tumalima at inayos ang pagkakahawak ng kwadrado. Luma na iyon kaya kung gagalawin man, kailangang pakaingatan para hindi masira.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Engr. De Guia sa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon pa dahil abala ako sa pagtingin ng mga tauhan niya habang naglilipat ng gamit.
“Ang lupit mo naman sa mga tauhan ko.” tudyo niya sa akin.
Humalukipkip ako at nilingon siya.
“Sinasabihan ko lang.” matabang na sagot ko sa kanya.
Baka isipin pa niyang pinagmamalupitan ko nga ang mga tauhan niya.
He clicked his tongue thrice and move closer to me. He is in his working clothes, not his usual attire na polo shirt at jeans paired with boots. Mukhang sasabak din sa pagtatrabaho.
“May ayaw ka ba sa paraan ng pagtatrabaho nila? Sabihin mo sa’kin para maayos ko.” he said while looking at me intently.
I can see his eyes glistening while talking to me. It’s tantalizing. Tila naninimbang pa ang itsura niya sa isasagot ko.
Meanwhile, I am very sure with myself. I only mirrored his gazes with my cold blank stares.
“Pakisabihan lang sila na mag-ingat sa paglilipat ng mga gamit. Karamihan sa mga kwadrado, marurupok na dahil nalipasan na ng panahon. I want to preserve everything inside that house…” natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. I took it out from my pants and there I saw who’s calling me.
Tumikhim ako para sagutin ang tawag. I tried my best to be sound enthusiastic. I have high respect for this person. Ayokong ma-disappoint siya sa akin.
“Good morning, Tita Stella!” bati ko sa kanya. Nakangiti pa akong nagsalita kahit hindi naman niya iyon nakikita.
I raised my index finger to the man I’m talking with. Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin kaya tumango lamang siya at tipid na ngumiti. Hindi na ako lumayo pa. Kahit saan naman ako magpunta, maingay pa rin ang paligid dahil sa dami ng nagtatrabaho.
“When are you coming back? You still have documents to sign!” iritableng salubong niya sa akin.
Napawi ang mga ngiti ko ng marinig ang sinabi niya. Ang excitement na naramdaman ko kanina nang malaman kong siya ang tumatawag ay napalitan ng panlalamig sa gusto niyang mangyari.
My searing irritation reflected on my face. Nagtagis pa ang mga bagang ko habang nakikinig sa kausap. Nagpatuloy lang siya sa katatalak habang ako, kulang na lang, bagsakan ko ng tawag para matigil na siya sa kasasalita.
“Bernadeth?! Are you listening to me?” galit na ang boses niya.
Kung hindi ko lang ito nirerespeto, baka nakatikim na rin ito ng salita sa akin.
But I have to hold my patience. She’s Earl’s mother. Sigurado akong hindi niya magugustuhan ang iaasal ko kapag hindi ako nagtimpi sa gaspang ng ugali ng Mommy niya.
“I’m not coming back yet---”
Pinutol niya ako sa pagsasalita. Inis kong ipinikit ang aking mga mata ng marinig kong muli ang litanya niya.
“Kinukuha ko lang ang akin, Berns!” dagdag niya na mas lalong dumagdag sa init ng ulo ko.
Walang sa’yo, Tita Stella, gusto ko sanang isatinig pero binabaan na niya ako ng tawag.
Binalewala ko ang tawag niyang iyon kahit na marami siyang binatawang salita sa akin na masakit pakinggan. Ibinalik ko iyon sa bulsa ng aking pants.
Iyon na lang ang tanging iniwan sa akin ni Earl. I can’t let her get it to me.
Sa inis ko sa usapang ‘yon, humugot ako ng yosi at sinindihan iyon. Hindi maalis ang inis sa katawan ko. Hindi man lang ako nakabawi. Pakiramdam ko para akong basing sisiw na hindi nakalaban sa nang-api sa akin.
Pero kahit ganoon naman ang trato niya sa akin, hindi ko magagawa sa kanya ang sumagot ng pabalang. She can get into my nerves most of the time but I can never disrespect her.
“Ang aga pa para sa ganyan, Ms. Arconado.” Malumanay na sabi ni Engr. De Guia sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bahagya siyang nakangiti sa akin. Lagi siyang ganito, calm and understanding.
Napansin ko rin iyon kung paano siya makitungo sa mga tauhan niya. Kapag may kamalian sila, kinakausap niya iyon ng maayos. Hindi ko pa narinig na nagtaas siya ng boses o may sinigawan sa mga nandito.
O masyado pang maaga para bigyan ko siya ng ganoong klaseng obserbasyon.
“Ang aga-aga kasing mambwisit…” hindi ko napigilang ibulalas bago ko ibinuga ang usok ng sigarilyo sa ere.
Ang kukulit! Ilan pa ba silang magpapauwi sa akin? Kahit ano’ng gawin nila, hindi ako uuwi sa Maynila.
Hindi ko namalayan ang paglapit ni Engr. De Guia sa akin. Gulat man ako dahil ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t-isa, hindi ko hinayaang rumehistro iyon sa aking mukha.
My one arm crossed from the other side of my body. Nakatukod naman ang isang braso ko roon paitaas habang hawak ang stick ng sigarilyo. Tiningnan niya ang stick ng sigarilyo. Napunta rin ang tingin ko roon. I put my hand down unconsciously. Hindi ko alam kung bakit at ano ang pumasok sa utak ko pero kahit wala pa sa kalahati ang sindi nito, pinitik ko iyon pababa at inapakan ang upos.
Fuck. Sayang.
When I looked at him again, nakangisi na siya. For some instances, malamang nakatikim na sa akin ito ng kagaspangan ng ugali ko. Pero hindi ko rin alam, ngayon lang ulit ko naging…submissive sa mga bagay normal ko nang ginagawa.
Sa paraan ng titigan naming dalawa, parang may sari-sarili kaming lenggwahe na hindi na kailangan ng salita. Just gestures and…we already understood each other.
“Oh? Masaya ka na?” suplada kong tanong sa kanya.
His brow raised while smirking. Ako naman ay napalabi at iniwan na siya roon.
‘Damn, you, Faith. How could his words have affected you?’
Pinilit kong balewalain iyon. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagsu-supervise ng mga tao niya habang naglilipat ng mga gamit. Natapos na sila sa ground floor kaya ang mga gamit sa second floor na lamang ang kailangang ilipat.
It’s a bit challenging for them because the stairs are crimp. Kung ibaba pa ang mga iyon sa hagdan, paniguradong bibigay ‘yon dahil sa karupukan. Ginamitan na nga lang ng crane ang ibang mwebles para ang mga magagaan na gamit na lamang ang ibaba gamit ang hagdan.
Sumapit ang hapon at naghanda na ang lahat sa pag-uwi. Ako naman ay nakatanaw lang sa tent na pina-install ko para sa pahingaan.
Umalis na kaninang tanghali si Engr. De Guia, mukhang may binisita ring ibang projects. May pumalit sa kanyang engineer din na nagtatrabaho sa firm niya. Maliban sa kanya, ang mga tao at ibang foreman na lamang ang narito, nagliligpit ng gamit nila dahil bukas, uumpisahan na nila ang pagtibag sa ibang parte ng bahay.
Though, it’s tiring, araw-araw akong pumupunta rito para silipin sila.
One hot afternoon, I was sitting comfortably on my reclining chair, drinking my beer, while looking at them. Nakakapagod buong maghapon. Pwede ko rin namang ipaubaya ang pagsu-supervise sa ginagawa dahil halos hindi naman ako nakakatulong doon pero gusto ko ring makita ang progress ng trabaho. Kahit unti-unti. Kahit nakatanga lang ako rito maghapon habang kasama si Banjo. Mas gusto ko iyon dahil kung maglalagi lang ako sa hotel room ko maghapon, mamamatay lang ako sa boredom.
Kailangan ko na rin palang i-renew ang booking ko sa kwarto ko. Isang buwan lang ang ni-book ko para sa kwarto ko. The renovation will take up to four months, depende pa kung maganda ang panahon, o kung hindi, pwedeng ma-extend ng ilang linggo.
I was on the depths of thinking my short-term plans when someone shouted for help at the backyard of the house. May narinig din akong sumigaw ng paimpit. Tila may nasasaktan.
“Ano ‘yon?” tanong ko kay Banjo.
Kauupo niya lamang at galing naman sa kabilang parte ng bahay, tumulong sa pag-aayos ng mga gamit pang-kain. Sagot ko kasi ang meryenda at lunch ng mga tao rito. Kahit sinabi na rin sa akin ni Engr. De Guia na hindi na kailangan iyon.
“Titingnan ko, Madam.” Aniya.
Pero hindi pa siya nakakaaalis sa kinaroroonan niya nang may lumapit na ilang kalalakihan habang may buhat silang isang kasamahan. By just looking at them, mukhang disgrasya ang naganap.
“Haay nako!” naaasar kong usal bago ko inilapag ang bote ng beer sa isang lamesita para bumangon.
Inilapag nila ang kasamahan sa kabilang tent. Dalawa silang nagbuhat sa kanya. I saw the young ma, drenched by his own sweat while whimpering from pain.
“Ano’ng nangyari?” malamig kong tanong sa kanila.
Mga nag-aalalang mukha ang sumalubong sa akin. Ang ilan sa kanila, alanganin pang tumingin sa akin.
Nakita ko ring papalapit na ang engineer na tumingin sa kanila sa maghapon.
“Ano bang nangyari? Mga pipi ba kayo? Ba’t ‘di niyo ako sinasagot?” ulit ko sa kanila.
Ayaw na ayaw ko pa namang inuulit ang sinasabi ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Narinig ko na lang ang iba na tawagan na raw si Engr. Philip De Guia. Tiningnan ko ang lalaking nakaupo sa lapag. I can sense his worry and pain. Pawisan at medyo marungis ang itsura. Hinawakan ko ang hitang duguan para silipin iyon. He winced from pain, kaya agad ko iyong binitawan. I looked at him again in the eyes, trying to convince him that it’s okay. Sa sandaling titigan namin, agad kong nakuha ang loob niya.
He nodded. Dahil gusto ko nga iyong makita, I tried to be gentler and held his thigh again.
Nang tingnan ko ang sugat niya, bahagya akong ngumiwi.
Deep laceration. Probably 5-6 inches cut. Kaya malakas ang pagtulo ng dugo sa sugat.
“Sarado pa naman na ang pagamutang bayan, malayo pa ang ospital rito. Wala tayong sasakyan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki.
I shook my head once. Mukhang mapapasubo nga ako rito.