CHAPTER 7

1920 Words
Faith     “Diyan lang kayo, may kukunin lang ako.” Ani ko bago sila iwan doon para tunguhin ang kotse ko.   Though, I’m not practicing my profession anymore, dala-dala ko pa rin ang mga gamit ko. Nakalagay lang iyon sa compartment ng kotse, in case na kailanganin ko.   Katulad ngayon, magagamit ko na rin ulit pagkalipas ng mahabang panahon.   Sinilip ko itim na bag ko para i-check kung dala ko ang suture kit. Sakto meron. May gasa at povidone iodine rin rin! Ayos!   Ayun nga lang wala akong saline solution panglinis ng sugat.   I sighed in irritation and clicked my tongue. Kinamot ko ang kilay nang may maalala.   Sinilip ko ang paper bag na may lamang alak. Balak ko kasing maglasing ngayong gabi kaya kaninang tanghali bago ako pumunta rito, nag-grocery ako.   Nakita ko ang ilang canned beers na kinuha ko. Kaya lumipat ang tingin ko sa kabilang paper bag. Nang makita ang lemons at lime juice, alam kong dito na makikita ang hinahanap ko.   I took the tall bottle of vodka inside the paper bag. Sinipat ko pa iyon ng minsan. Okay na siguro ‘to. Kung papalpak ako sa gagawin ko, eh ‘di dalhin nila sa ospital!   Bitbit ang ilang gamit na kinuha ko sa sasakyan, bumalik ako sa tent kung nasaan ang ilang kalalakihan.   Inis ko silang tiningnan dahil kung makatingin, parang nagdududa pa sa akin. Ang ilan doon, pinapaypayan ‘yong lalaking nasugatan dahil tagaktak na ang pawis niya. Iyong engineer naman, may kausap na sa telepono.   Nakita ko ring may papalapit na lalaki habang may hawak na timba na may lamang tubig. Agad kong nahinuha ang gusto niyang gawin kaya agad ko siyang sinita.   “Ano’ng gagawin mo diyan?” sita ko sa lalaki.   “Ma’am huhugasan ko po ‘yong sugat---”   “Sa’n mo kinuha ‘yan? Malinis ba ‘yan?” putol ko sa kanya.   Napaawang ang labi niya, hindi na nakasagot sa tanong ko. Umiling ako at lumuhod para asikasuhin na ang ‘pasyente’ ko.   “Ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa kanya habang binubuksan ang itim na bag ko.   Napalunok siya habang nakatitig sa akin. “J-Jeff po.” Sagot niya.   “Matapang ka ba, Jeff?” muli kong tanong sa kanya at isinunod kong buksan ang bote ng vodka.   “Ho?” nalilitong balik-tanong niya.   Ngumisi ako. “Tiisin mo lang. Wala akong anesthesia. Sumigaw ka na lang kung masakit.” Ani ko bago ko ibinuhos ang alak sa kamay ko.   I disinfected my hands using the liquor I found in my car bago muling nagsalita.   “Pero nadi-distract ako sa maingay, eh. Ayoko sa maingay.” Dagdag ko at saka ngumisi. Nagsusuot na ako ngayon ng medical gloves.   “P-Po? Ano po bang---” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil napasigaw na siya nang ibuhos ko ang alak sa mga hita niya, partikular sa sugat niya.   “Walang ibang panghugas, eh. Pasensya ka na.” tanging nasabi ko habang hinuhugasan ang sugat at ang paligid nito.   Alam kong medyo mahapdi iyon. Pero kailangan niyang tiisin. Malayo raw ang ospital at kailangan na rin namang lapatan ng paunang lunas ang sugat niya.   I took out the suture kit and prepared what are needed. Habang inaayos ko iyon, tiningnan ko ang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa hawak ko. he also bit his lip, and his sweat, damn, I wanted to laugh but I reprimanded myself.   Hindi ko dapat ginagawang katatawanan ang pasyente ko ngayon. Ito ang isa sa mga sinumpaan ko.   “Relax ka lang. Hindi ka naman matitigok dito.” I said, trying to pacify him in my own way.   Tiningnan niya ako. Alanganin man siya, wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lamang.   Narinig ko ang bulung-bulungan ng ibang naroon. Narinig ko pa nga ‘yong isa, nagdududa pa kung tama ang ginagawa ko. Narinig kong sinuway siya ng kasama dahil baka marinig ko raw.   Mga sira ulo. Dinig na dinig ko kayo mula rito.   Nagsimula ako sa pagtahi. Sumigaw siya sa unang lapat ng karayom na talagang ikinagulat ko. Tiningnan ko siya ng masama.   “Huwag kang sumigaw, naririndi ako!” I sneered.   He shut his mouth and nodded again.   Ipinagpatuloy ko ang pagtatahi. Binilisan ko na dahil hindi ko na rin kayang makita ang lalaking itong nangungunyapit sa sakit. Nakakaawa rin siyang tingnan. Parang mahihimatay sa kaba, eh.   When I finished dressing his wound, I sighed and looked at him while taking out my gloves off my hand.   “Oh, ayan! Tapos na!” palatak ko.   Sinipat niya ng kaunti ang sugat at inangat ang tingin sa akin. Ang totoy na ‘to, mukha pang diskumpyado.   “T-Thank you Ma’am.” Mahinang sabi niya.   Isa-isa kong inayos ang mga gamit ko. I needed to disinfect my instruments now. Kailangan ko na ring umuwi para sa planong pag-iinom. Saka gumagabi na rin. Gutom na ako.   “Galing mo talaga, Madam!” palatak ni Banjo at pumalakpak pa.   Umangat ang gilid ng labi ko at pinandilatan siya. Agad siyang umayos at kinamot ang batok.   “Bahala ka na rito, Banjo. Uuwi na ako.” Sabi ko at tinalikuran sila.   “Yes, Madam!” aniya.   Iniwan ko na sila roon. Ibinalik ko sa compartment ang mga gamit at pabagsak na isinara ang trunk. Bibili pa kaya ako ng pagkain sa labas? Tsk. I could eat in the restaurant and get myself drunk tonight.   It’s my birthday.   I scoffed. No one’s from my family remembered it. They were all mad at me.   Okay lang. I used to be alone for some years. Hindi na bago sa akin iyon. I’m used to it.   Pero sana, dalawin ako ni Earl ngayon.   Minaniobra ko na ang sasakyan ko paalis sa lugar na iyon. I was already driving halfway when I noticed a vehicle approaching me. Agad na pumasok sa isip ko si Philip. Natawagan iyon kanina, eh. Siguradong sisilipin niya ang tao niyang nasugatan. I saw his car slowed down. Mukhang inaabangan ako. I slowed down, too. Nang magkatapat ang sasakyan namin, ibinaba ko ang bintana ko at dumukwang sa kanya.   “What happened?” tanong niya.   Ininguso ko ang direksyon papunta sa mansyon.   “May worker kang nadisgrasya.” Tipid kong sagot.   Tumango siya. “Ikaw? Kumusta ka?”   Nangunot ang noo ko. Ba’t niya ako tatanungin no’n? Close ba kami?   “Hindi ako ang dapat mong kamustahin, Engineer.” Matabang na sabi ko.   Hindi siya nakaimik. He just looked at me intently, bewildered with my words and actions towards him.   Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makaalis na. Tutal, naumid naman na ang dila niya’t hindi na makapagsalita. Wala na rin naman kaming pag-uusapan pa.   “Mauuna na ako.” Ani ko at isinara na ang bintana ng sasakyan ko.   Ganoon ba siya palagi? Alam kong mabait siya sa mga taong nakakasalamuha niya. Nakita ko na rin minsan kung paano siya makipag-usap sa ibang kliyente nang minsan akong pumunta sa opisina niya para pumirma ng kontrata. He’s a people’s person. Gustung-gusto siya ng mga tao dahil sa paraan ng pakikitungo niya.   No wonder women will flock for him, that’s for sure. Hindi ako ipokrita para itangging may sinasabi ang itsura ng inhinyerong iyon. Maliban sa propesyunal, mayaman, at maayos sa pakikipag-kapwa tao.   I scoffed. Why am I wasting my time thinking about him? Pakialam ko ba sa kanya?   I am only doing business with him because of the mansion. Wala nang iba. Kaya kung may iba pa siyang agenda, sorry na lang. I won’t entertain it.   Hindi naman ako tanga. Alam ko kung ano at paano dumiskarte ang mga lalaki. Men will always show their prowess because they are aiming for something; it’s the woman’s approval. Be it love or…sex.   I was alone in my table, eating dinner. Isang tawag ko pa lang sa waiter, agad niyang tinanong kung o-order din ba ako ng wine.   I smirked. “Pass muna.”   I looked around the restaurant. Parang may hinahanap ang mga mata ko pero ayoko ‘yong aminin sa aking sarili.   Siguro busy siya.   I shrugged my shoulders. Pakialam ko ba kasi?   After eating, dumiretso na ako sa unit ko. Kaunting ayos sa sarili at palit ng pantulog, tinungo ko ang veranda at nagsimulang uminom ng alak. Hindi muna ako nanigarilyo. Bukod sa wala akong stock, hindi naman hinanap iyon ng katawan ko.   Or maybe, the day that Engr. De Guia reprimanded me for smoking early in the morning, medyo tinamaan ako roon.   Nasa ikalimang lata na ako ng beer ko pero hindi pa rin ako inaantok. The longer I expose myself in liquor, mas tumataas ang alcohol tolerance ko.   I remembered the past years when I always celebrate my birthday. Ang daming uma-attend sa birthday party ko. Mostly family and close relatives. Sila lang naman kasi ang mahilig sa mga engrandeng party. Kapag sine-celebrate naman namin iyon ng mga kaibigan ko, sa bar lang.   At si Earl, he would never fail to make it special for me.   I smirked. Tanginang mga alaala. Ang sinabi sa akin, cherish the good memories so I won’t be bitter. Pero bakit sa tuwing inaalala ko ang mga magagandang nangyari, para akong sinasaksak ng paulit-ulit?   Hindi ako makausad. I’m f*****g stuck from the past.   Tiningala ko ang langit. Ang daming bituin. Maganda ang panahon. I looked for the brightest star and when I found it, I smiled like a crazy woman.   “I miss you, Earl.” Anas ko.   Madalas kong gawin ito kapag naaalala ko siya. Naghahanap ako ng pinakamaliwanag na bituin sa langit at kakausapin iyon, thinking that it’s Earl.   Lumandas ang masaganang luha sa mga mata ko. I let it flow from my cheeks. Ako lang naman ang nandito. No one will see the weak me. I don’t have to pretend that I’m strong now.   Ubos na ang ika-sampung lata ng beer. I’m a bit tipsy now but I’m not yet sleepy. Pwede ko pang buksan ‘yong isang vodka na binili ko kaninang umaga.   Niligpit ko ang mga basyo ng lata at itinapon iyon sa basurahan. I was in the kitchen preparing my new set of drinks when I heard the doorbell rang. Tumaas ang kilay ko. Who would it be?   Alas diyes na ng gabi. Hindi naman ako tumawag sa receptionist para sa room service. Wala naman akong ine-expect na bisita. Kaya at this hour? Sino’ng pupunta sa unit ko ng ganitong oras?   Wala n asana akong balak pagbuksan ang nagdo-doorbell doon pero hindi siya tumitigil. Sa inis ko, itinigil ko ang pagtitimpla at padabog na binuksan ang pintuan.   “What?” I said with distinct annoyance in my voice.   Nakita ko si Philip, may hawak na bote ng lady’s drink at isang bouquet ng tulips.   “Happy birthday.” Nakangiting sabi niya.   Nangunot ang noo ko. Paano nalaman ng lalaking ito ang kaarawan ko? I’m not active to social media. Wala akong pinagsabihan kahit sino rito sa lugar na ito ang tungkol sa akin.   Stalker ba ‘to?   Inumang niya ang mga hawak sa akin. Sandali kong tiningnan iyon. Tatanggapin ko ba?   “Mapapahiya na naman baa ko sa’yo?” mababang tanong niya sa akin.   Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He’s smiling at me. Muli niyang inumang ang mga hawak niya sa akin.   I sighed. I moved closer to him and took the bouquet on his hand. Sa isang kamay naman ay ang bote ng wine.   “Come in. Nagse-celebrate din ako.” Yaya ko sa kanya.   Lumapad ang inosente niyang mga ngiti at tumuloy na sa loob ng unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD