CHAPTER 8

1712 Words
Faith     Pagkapasok niya sa unit ko, nakita ko ang bahagya niyang pagkakatigil sa kinatatayuan niya. His hands were placed both on his pockets. Pinasadahan niya ang paligid ng kwarto ko. Well, wala naman siyang makikita ritong agaw-interes kaya hinayaan ko siya sa ginagawa niya.   Inilapag ko ang palumpon ng bulaklak sa coffee table at tinungo ko ang counter island para doon naman ilagay ang bote ng alak. Sandali ko iyong binasa. Hmm. Not bad. Mukhang mamahalin.   Kaso may tinimpla na akong alak. Pero mukhang mas ayos kung itong dala na lang niya ang pagsasaluhan namin.   Isa pa, wala akong balak na i-entertain siya ng matagal. I’m already tipsy. If he’ll stay here for too long, I’m gonna kick him out of my unit kahit sa kanya pa itong hotel na ito!   “Wala akong pagkain, ah? Baka iniisip mo pakakainin kita rito.” Diretsahang sabi ko sa kanya.   Kinuha ko ang corkscrew sa tokador para buksan ang alak. Lumikha iyon ng tunog na swabe pakinggan. The wine must be very fine. Amoy na amoy ko ang bango no’n. Kumuha ako ng dalawang wine glass at sinalinan iyon ng alak.   “Are you comfortable here?” pambabalewala niya sa sinabi ko.   Pumihit ako para harapin siya pero wala na siya sa dating kinatatayuan. Nasa glass door na siya ngayon ng veranda ko. Bahagyang sumisilip roon. Binitbit ko ang bote sa isang kamay ko habang maingat na hinawakan ng kabilang kamay ko bandang ibaba ng goblet para dalhin iyon doon.   I smirked when I offered to him the glass. Maingat niya iyong kinuha at saka nangiti rin sa’kin.   “Thank you.”   I smirked and made my way to the veranda. Maingat kong ibinaba ang bote ng alak dahil medyo lumulundo na ang pakiramdam ko. I’m just going to drink the wine I poured on my glass. I know I drink a lot but I drink responsibly. Kung may kasama man akong hindi ko mapagkakatiwalaan, hindi ako magpapakalunod sa alak.   “Napasyal ka?” tanong ko.   Naupo ako sa upuan na naroon. Ganoon din ang ginawa niya sa katapat ko na upuan. He sat comfortably. Sandali siyang sumimsim ng alak bago niya ako sinagot. “Gusto kitang batiin sa birthday mo.” Aniya sa mababang tono ng kanyang boses.   Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Hindi dahil sa gulat kundi dahil sa namuong duda. Ayoko namang magbintang agad pero dahil sa hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya, humalakhak ako sa tinuran niya.   “Oh, come on, Philip. Spill the f*****g tea.” Naiiling kong sabi sa kanya.   He looked at me with his dark stares. Tumaas ang kanyang kilay habang nakatikom ang kanyang mga labi.   Ano? Naiiskandalo ba siya sa pagmumura ko?   Inisang tungga niya ang alak sa kanyang kopita. Sinundan ko iyon ng tingin. Inilapag niya iyon sa lamesitang nasa pagitan naming dalawa at saka muli akong hinarap.   Ako nama’y tahimik lang siyang pinagmasdan. Hindi ako natinag sa maawtoridad niyang presensya. Ganito naman siya minsan, eh. He could be like a darling to everyone, even to me, but in a swift, he could also be the most serious, authoritative person I could ever know.   “I hate how you easily curse, Faith. I can’t believe that your lips can say words like that.” Mariin niyang sabi.   Wala akong ibang itinugon sa kanya kundi ang mga titig kong walang kabuhay-buhay. I won’t get shock if people might talk to me this way. I am not kind. I talk hard and s**t. I drink ‘til I lost my sanity. I smoke when I get bored and stressed.   People can easily judge, that’s for sure. And I don’t f*****g care.   “Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?” I said coolly and had a sip of my wine.   I have to compose myself now. I’m kinda sleepy and Philip has to leave my place before I doze off.   He sighed. He rested his back on the chair and crossed his arms around his body.   “Pumunta ako rito para magpasalamat”   Tumaas ang kilay ko. “Para saan?”   “Para sa ginawa mo sa tauhan ko.” mabilis na sagot niya.   Nangunot ang noo ko. Ano bang ginawa ko kanina? Damn. The liquor’s eating my memory now. Nang maalala ko nga ang nangyaring aksidente, I pouted my lips and nodded lazily.   “Ahh. ‘yon ba?” I scoffed.   Nag-iba na ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Nakatitig pa rin naman siya sa akin pero may kakaiba na sa mga mata niya. it’s like in searching of something. I can even see how he hides the ghost of his smirk through his serious expression.   But his eyes can’t hide the amusement and curiosity while talking to me.   Kinalas niya ang pagkaka-krus ng kamay niya at saka prenteng hinila ang upuan niya sa katabing upuan ko para mapalapit sa akin. Nagulat man ako sa ginawa niyang paglapit, hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Pero dahil sa sobrang lapit na namin ngayon, napalunok ako’t napahawak ng mahigpit sa basong hawak ko. Kumabog ang puso ko sa hindi ko maintindihang kadahilanan.   Or maybe, it’s already the spirit of the liquor that’s overriding my feelings now.   When he was able to settle on his seat again, muli siyang nagsalita.   “I just thought…” tiningnan niya ako sa aking mga mata.   I gulped hard as the anticipation of his words made my heart thumped.   “Hindi ko pa masyadong kilala ang kliyente ko.” he whispered.   Damn it! Even his raspy voice made me shiver.   I equaled his intense stares to hide my nervousness. I cleared my throat and smirked wider so it won’t be obvious.   “Kailangan ba ‘yon?” at saka muli akong sumimsim ng alak.   I licked my lower lip when I felt that some of the wine spilled from my trembling lips. I can see from my peripheral vision that he’s still looking at me intently. Na-conscious tuloy ako. Medyo nataranta kaya ang resulta, tumulo ang ibang nainom kong alak sa gilid ng labi ko.   Agad ko iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko. But the man beside me promptly took out is handkerchief and immediately wiped my lower lip down to my chin.   I was taken aback from his action. Hindi ako nakabawi agad. Wala akong nagawa kundi ang manigas sa kinauupuan habang abala siya sa pagpupunas sa bahaging parte ng mukha ko kung saan dumaloy ang alak.   When I was able to get a hold of myself, marahan kong iniwas ang mga kamay niyang maingat na nakahawak sa mukha ko.   “O-Okay na…” I stuttered. “Thank you.”   Pero sandali pa niya akong pinagmasdan, tila iniinspeksyon kung may naiwan pang basa sa parte ng mukha ko bago ngumiti sa akin at tumango.   Hindi ko alam pero the moment his skin touches mine, para akong napaso. I know that my body is warm because of my alcohol intake few hours before he came but damn, I felt heated when his fingers caressed my face. Para akong napaso nang mahawakan niya ako. That explains why I suddenly was not able to move my reflexes. I was stunned the moment he held me so delicately.   What the hell am I feeling? Am I carried away with his soft gestures?   I cursed myself real hard.   Sa taranta kong makapag-isip ng mabilis kung ano’ng dapat kong gawin, inisang lagok ko na ang wine na nasa kopitang hawak ko. Agad na kumalat ang init no’n sa lalamunan. Alam kong pinagmamasdan pa rin niya ako habang umiinom kaya lalo akong kinabahan kung paano ko maitatawid ang usapan namin.   Eh kung palayasin ko na lang ‘to para matapos na kami?   Trying to ease the tension that’s building up on me, maingay kong inilapag ang kopita sa center table at marahas siyang binalingan?   “Ano ba talaga ang kailangan mo, Philip?” iritang tanong ko sa kaya.   Nangunot ang kanyang noo pero hindi natanggal ang amusement sa kanyang mga tingin sa akin. What? Does he find me funny? Nakakatawa ba ang mga reaksyon ko kaya ganito siya kung makatingin sa akin? Is he mocking me now? “Naikwento sa akin ng site engineer ang nangyaring disgrasya kanina.” Panimula niya.   I lazily drew a glanced at him. Saka ko lang napansin ang ayos ng upo niya. His left hand leaned at the right arm rest of my chair. Ang libreng braso niya ay nakasandal naman sa kanyang mga tuhod niya. it’s liked I’m locked from my position because my left side is already on the steel banister of the veranda.   It’s like he’s caging me from his stance and it’s making me suffocating. I wanted to get out but I can’t understand myself why at the same time, I am liking what he’s doing.   “Ikaw daw ang naglapat ng paunang lunas sa laborer.” dagdag niya.   Hindi ko pinutol ang tingin sa kanya. He looked at me intently and never leave his eyes on me. Hindi ako umimik sa sinabi niya. I was busy looking at him, while he’s looking at me, too, waiting for me to speak up.   I scoffed and shook my head. “’Yon lang ba talaga?”   Tumaas ang isang kilay niya. “Bakit? May iniisip ka bang ibang sasabihin ko?”   “Ano’ng sinasabi mo?”   He smiled a bit. “Wala. I’m just thankful.”   Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko na makayanan ang mga titig niya sa akin.   “Alam kong pamilya kayo ng mga doktor pero hindi ko naisip na…isa ka rin pala sa kanila.” Aniya.   Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Nangungunot ang noo kong sinalubong ang kanyang malambot na titig sa akin. I saw how his expression shifted when I looked at him with extreme shock and irritation.   Paano niya nalaman iyon? Is he stalking me?   Palalampasin kong alam niya ang birthday ko pero ang alamin pa niya ang ilang impormasyon sa akin na hindi ko naman dini-disclose, ibang usapan na ‘yan.   Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.   “I’m sorry for knowing these things about you but I can’t help but to dig information relative to you.”   What. The. Hell.   “I like you, Faith. If that isn’t obvious to you.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD