Faith
Ilang beses niya akong tinawag para pigilan sa paglalakad pero hindi ako huminto. Diretso lang ang tungo ko palabas sa bahay niya. Ayokong madatnan niya ako at makarinig pa ng mga sasabihin niya dahil sa totoo lang...kabang-kaba ako kanina nang magtapat siya sa nararamdaman niya.
Ang gagong 'yon. Ano'ng pumasok sa utak niya't kung anu-anong binabanggit sa akin?
Pero aaminin ko...gusto ko rin ang narinig ko. Gusto ko ang ideyang...may nagkakagusto sa akin.
Hindi ko alam. Napapangisi ako habang minamaneho ko ang sasakyan pabalik ng hotel. Ang eksena sa living room nila ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil tandang-tanda ko ang bawat detalye ng nangyari kanina.
"Tangina," Nahampas ko ang manibela ng sasakyan habang nangingiti. Nailing ako ng minsan. "Nautal ka pang gaga ka!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili.
Ano ba'ng nagustuhan sa akin ng lalaking 'yon? I drink, I smoke, and I'm rude. Unang pagkikita pa nga lang namin, nakatikim na sa akin ng sama ng ugali ko.
Wala akong makitang rason para magkagusto siya sa'kin. He looks prim and proper. Malinis ang pananamit. Seryosong tingnan pero madali ring lapitan. Idagdag pang mabait at mayaman...saka gwapo na rin.
Hindi kaya dahil sa halikang naganap noong nakaraan? Ngumisi ako at nakagat ang pang-ibabang labi nang maalala ang nangyari. Mukha lang siyang mabait pero agresibo rin pala kapag inuunahan.
Pabagsak akong nahiga sa kama matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi pa ako inaantok. Buhay na buhay ang isip ko. I could hit the fridge and get a few cans of beer but tonight, though I'm very wide awake, I can't seem to find the urge of drinking so I could go to sleep.
Teka, ba't ba siya 'tong iniisip ko? Para namang totoo 'yong mga sinabi niya! Bakit ako magpapaniwala sa mga salita niya? Madaling gumawa ng mga bagay ang salita. Madali lang magsabi na 'gusto kita' pero mahirap paniwalaan lalo na kung walang pruweba o walang patunay.
"Tsk! Ba't ko hahanapan ng pruweba ang sinabi niya? Pakialam ko ba kung may gusto siya sa'ken! Wala akong gusto sa kanya!" Inis na bulong ko sa sarili.
Pero sa paglipas pa ng ilang mga araw, mukhang babawiin ko ang idineklara kong pagde-deny dahil palagi niya akong pinupuntahan dito sa mansyon!
Lalo na nang sa wakas ay matapos na ang renovation at lumipat na ako rito, gabi-gabi siyang dumadalaw. Kung minsan, para mangumusta lang. Pero madalas, para magkasabay kami sa hapunan!
"Kailan mo ipapa-bless ang bahay, madam?" Si Banjo habang inaayos ang mga halamang pinamili ko sa siyudad.
Balak ko kasing magpa-landscape pero dahil marunong naman daw ang mga magulamg niya, kami na lang ang bumili ng halamang kakailanganin nila para roon.
"Kailangan pa ba no'n?"
"Siyempre! Para mapalayas ang mga bad spirits!"
I chuckled. "Kung gano'n, hindi na lang. Baka ako pa ang unang mapalayas!"
Ngumiwi siya sa biro ko. Sandali ring natigilan. Mukhang hindi niya yata nakuha ang joke ko! Imbes na matuwa, umiling ako ng minsan at iniwan na siya ro'n!
Umakyat ako sa taas para tumambay sa veranda. Palubog na ang araw. Mula sa kinatatayuan ko, kaygandang pagmasdan ang lawak ng mga lupaing nakapalibot sa bahay na ito. May mangilan-ngilang kabahayan din pero sa lugar na 'to, ito ang pinakamalaking bahay na naipatayo rito.
Sandali akong nag-isip. Tapos na ang renovation. Buhay na ulit ang mansyon. Ano na ang susunod na plano ko?
I know I still have responsibilities back in Manila. Katatapos lang ng residency at fellowship ko nang mapagdesisyunan kong umuwi rito. May clinic pang naiwan sa akin. Kuya Onyx wants me to shut down the clinic and help him in the hospital instead. Pero hindi ko iyon mabitawan. Hindi lang dahil sa pinaghirapan naming ipundar iyon ni Earl, dahil din sa mga empleyadong nagta-trabaho ro'n. Paano ang kabuhayan nila kung sakaling isasara ang klinika? Mawawalan sila ng pagkakakitaan!
Sumandal ako sa sementadong barandilya at pagod na bumuntong hininga!
Ang daming nakabinbin. Naba-badtrip na naman ako. Kinuha ko ang metal case na may lamang sigarilyo at kumuha ng stick roon. I pressed it in between my lips and I took my lighter to lit it up. Ang tagal ko ring hindi nag-yosi. Ilang linggo rin. Hindi ko alam kung paano nakatagal kaya nang maalala kong kaya ko naman yata sigurong pigilan ang sarili ko, nagdalawang isip na ako kung sisindihan ko pa ba ito o hindi na.
The fire was still on but I didn't let it light the tip of the cigarette. Naalala kong bigla si Philip. Kung madatnan niya kayang naninigarilyo ako, baka agawin niya lang ang yosi sa'kin at itapon na lang kung saan.
Tsk! Pakialam ko ba sa kanya? Siya na lang lagi tumatakbo sa isip ko! Sa tuwing may naiisip akong ibang bagay, hindi nawawala ang mga kaisipan ko tungkol sa kanya. Nagsimula lang naman ito noong umamin sa akin ang engineer na iyon!
I grunted. I renewed the fire as I pressed the ignition button. Sinindihan ko ang sigarilyo at humithit sa unang usok nito. Sa pagbuga ko, nakita ko ang sasakyan ni Philip na mabagal ang takbo habang binabaybay ang daan papasok sa gate namin.
Naalarma ako. Bahagya pa akong nasamid dahil nakalulon pa yata ako ng kaunting usok mula sa sigarilyong hinithit ko kanina. Idiniin ko ang sigarilyong nasindihan sa semento para mamatay iyon at inihagis kung saan. Saktong pagbaba niya, ay ang pagpitik ko ng sigarilyo sa baba!
Para akong batang muntik mahulihang may ginagawang hindi maganda!
He smiled at me from afar. Nakita kong may bitbit siyang brown paper bag nang tuluyan siyang makababa sa sasakyan. Paniguradong pagkain na naman ‘yon.
Kung sabagay, hindi ako marunong magluto. Makakatipid din ako in a way. Dalaw-dalaw lang, hindi na ako mapapagod mag-isip kung ano’ng kakainin ko sa gabi.
Bumaba ako para salubungin siya. Hindi ko napigilang mag-ayos saglit ng buhok habang nasa hagdan ako. I instantly became conscious with the way I look. Kahit ang itim na sleeveless blouse at maong shorts na suot ko, sinipat ko rin kung bagay ba tingnan sa akin!
Dali-dali kong tinungo ang common bathroom sa dirty kitchen para mag-mouth wash at maghilamos na rin. Baka bumeso ‘yon! Maamoy na nanigarilyo ako.
Habang nagmumumog, hindi ko mapigilan ang mag-isip…na…bakit ako nagkakaganito? Natataranta ako sa tuwing nandyan siya? I was never like this before. Honestly, as far as I remember, kay Earl lang ako naging ganito. And it was years ago since I felt things like these.
“f**k, Faith. Get. A. Hold. On. Yourself.” Mariing sabi ko sa sarili habang madilim akong nakatingin sa salamin.
I deeply sighed before I decided to go out of the bathroom, only to see that he was already there in the dirty kitchen, waiting for me.
Sandali akong natigilan pero hindi ko ipinahalata ang pagkakagulat kong nadatnan ko siya roon.
“Pinapasok na ako ni Banjo,” aniya. “Umuwi na rin pala siya.”
Tumaas ang kilay ko at saka tumango ng minsan. “Napasyal ka?”
Nakita ko ang paghawak niya sa kanyang batok habang nakataas ang magkabilang kilay. He looked…adorable.
I scoffed at my own thoughts. Adorable, my ass.
“I brought…something for dinner. Roasted chicken.”
Ngumuso ako. Sandali na nag-isip kuno pero wala namang pumapasok sa utak ko!
“Nag-abala ka pa,” lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinilip bahagya ang laman ng paper bag. “Pero salamat pa rin.”
He chuckled lowly. Parang kinakabahan. “Dadalaw na rin sana…sa’yo.”
Ako naman ang bahagyang natawa sa kanya. “Alam ko namang ‘yan talaga ang sadya mo.” Patuya kong sagot sa kanya.
Nagsaing ako ng kanin gamit ang rice cooker. I actually bought food from the city before Banjo and I went home. Iinitin ko na lang sana sa microwave. Pero dahil may dala si Philip na pagkain, mukhang bukas ko na lang ito kakainin at ilalagay na lang muna sa loob ng ref.
Phili volunteered to make a lemonade for us. Aba’t siya rin ang nagdala no’n! Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin at binigyan siya ng kalayaan na pakialaman ang mga gamit dito sa kusina.
“What are you going to do tomorrow?” He asked all of a sudden.
Nagkibit ako ng balikat. “Baka pasimulan ko ang pagpapaayos sa hardin.”
Tumango siya. “Landscape?”
“Yeah,” I answered. “What about you?”
Natigil siya sa pagkilos at tiningna ako. Nabitin ang pagsubo ko sa pagkain nang magkrus ang mga mata naming dalawa. He only pouted like a young boy as he looked at me sluggishly.
“What?” I asked.
“Wala akong gagawin bukas,” aniya.
“Oh? Eh ba’t ganyan ka? Para kang nalugi?”
“Yayayain sana kitang lumabas bukas.”
Itinuloy ko ang pagsubo sapagkaing naiwan kanina sa ere. I only looked at him strangely.
“Saan?” Takang tanong ko.
“Sa hacienda. O kahit…saan mo gusto. Ikaw ang bahala.”
Ngumisi ako. “You’re asking me for a date?”
Tinapos niya ang pag-inom bago ako sinagot. Kinuha ko rin ang baso ko para makainom.
“If you want it to call it that way, then yes. I want a date with you.” He said casually.
Muntik na akong mabulunan sa narinig!
Pero sa huli, tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
Walangya. He has been like this since that night. I can’t day that he’s aggressive but somehow he’s persistent! Walang palya ang pagdalaw at papansin sa akin kahit abutin pa kami ng hatinggabi sa kwentuhan.
Ano ba ‘tong lalaking ito? Nanliligaw ba ito?
At ako? Why do I feel like I am somehow submissive to him?
This is not f*****g good!!
“So…payag ka na?” Tanong niya.
Iritado akong bumaling sa kanya. “Oo! Paulit-ulit.”
“Paano ang ipapatrabaho mo bukas?”
“I’ll call Banjo to re-schedule it.”
See? Look how I do things for him?!
He smiled widely. He looked satisfied. “Alright.”
Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain. Patuloy din ang kwentuhan naming dalawa. Kahit nang nasa sala na kami at tapos na sa kusina, hindi kami nawawalan ng topic. Hanggang sa napunta iyon sa usaping pampamilya.
“Bakit nga pala mukha kang nagulat nang marinig mo ang apelyido ko noon?” Tanong ko habang nanonood kami ng movie sa TV.
Ganito lang ang pampalipas oras namin palagi. I’m comfortable doing whatever I want to do when he’s around. Hindi ko kailangang magpanggap at asikasuhin siya na parang importanteng bisita siya rito. He can do whatever he wants to do, too. Okay lang ‘yon sakin.
Nakita ko ang agaran niyang pagbaling sa akin at sandaling pagtitig din. My eyes were fixed on the screen but when I felt him staring at me, nilingon ko na rin siya.
“Hindi naman kaila sa’yo na kilala ang pamilya mo rito, ‘di ba?”
I snorted and continued watching. “Dahil sa pamilya ng mga doktor ang mga Arconado?” Ani ko. “I only remembered some of her memories when I was younger. Only my grandmother practiced her profession here. Lahat ng mga anak niyang doktor, sa Maynila na namuhay at nagtrabaho.”
“Ang…mama mo. Isa siyang Ines, hindi ba?” Marahan niyang tanong.
“Oo,” sagot ko. “Si Papa lang naman ang hindi naging doktor sa mga anak ni Lola Celeste. He was a businessman. Kaming mga apo na lang ang sumunod sa yapak ng pamilya.” Kwento ko. “As far as can I remember, my mother is from another town of this province, San Pablo, I think?”
Marahan siyang lumapit sa akin. Nakiramdam ako. Alam kong ilang kilos ko lang, bubunggo ang katawan ko sa kanya.
“Bisitahin din natin ang lugar ng Mama mo? Gusto mo?” Yakag niya.
Doon ako napalingon sa kanya.
Umiling ako. “Hindi na. Hindi pa…ako handa para roon.”
Which is true. Ang pagpapaayos ng bahay na ito lang ang naging konkretong plano ko. Maliban doon, wala na.
Mataman niya akong pinagmasdan. Tila kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ko. Sinuklian ko iyon ng mapaglarong titig. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa mga mata ko at sa aking labi. At hindi ko alam kung anong kapilyahan ang pumasok sa isip ko’t kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Kitang-kita ko ang pangungunot ng noo niya. Tila may nilalabanan sa loob niya. Umusod ako ng kaunti bago ko inabot ang kanyang batok para hilain siya paharap sa akin.
I kissed him. I felt him stiffened but didn’t protest when my lips landed his. Pinakiramdaman ko ang sarili ko sa paghalik sa kanya nang kusa kong ihiwalay ang mga labi sa kanya. At gusto kong magsisi dahil hindi sapat sa akin ang isang patak ng halik!
Namumungay ang mga mata niya nang pagmasdan ko ang reaksyon niya. His lips were red, too. Mukhang tulad ko, nabitin din sa halik na iginawad ko sa kanya.
“Ba’t ba ang pamilya ko ang pinag-uusapan natin? Hindi ka ba interesado sa akin?” Sunud-sunod na tanong ko.
Pero hindi niya ako sinagot. Sinugod niya ako ng malalim na mga halik! Hindi ako nagdalawang isip na tugunan iyon dahil aaminin kong…gusto ko rin ang ginagawa niya!
“Interesado ako sa’yo. Kaya ko inaalam ang mga bagay tungkol sa pamilya mo.” He said in between our kisses.
Hinila ko siya ulit para maghinang ang mga labi namin. Damn it! We can talk about this later!
“I was never interested like this with a girl before.” He added.
Para akong nauubusan ng pasensya sa pagtigil niya sa paghalik sa akin. Gusto kong magmaktol. Gusto ko siyang manduhan na halikan na lang niya ako! Huwag na munang magsalita at magtanong ng kung anu-ano!
“Let’s just kiss, please.” I said…pleasingly.
Tinugunan niya ang hiling ko. He dominated the kissing. I fet his tongue devoured inside my mouth. I moaned in delight. Para akong nalulunod sa sarap ng idinudulot no’n sa akin. Lalo akong…nag-init. His hand sprawled on my nape and the other one landed on my back. And damn his touches as his warm hands sent shiver down my spine! Ang galing niyang humalik. Sa paraan ng paghagod ng mga labi niya sa akin, para akong…natutunaw!
I can even feel the urge in between my thighs! Goddamn it!
Bumaba ang mga kamay ko mula sa kanyang batok at isinandal iyon sa kanyang matitipunong dibdib. Pareho na kaming nag-iinit. It’s very evident when I fet the hotness on his skin. An idea flashed my mind. Inayos ko ang sarili at akmang uupo na sa kanyang kandungan nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko!
“Ate Berns!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Itinulak ko si Philip palayo sa akin. Kahit na lunud na lunod na ako sa ginagawa namin, hindi ko kayang may ibang taong makakita na ginagawa namin ‘to!
Kitang-kita ko ang pamumula niya at pamumungay ng kanyang mga mata nang tumigil kami sa halikan. His lips were red and sore. Mukhang nakalimot din siya tulad ko. Pero kailangan ko munang harapin ang taong walang pasabing dumating sa bahay ko!
Paglingon ko sa foyer, hindi ako nagkamali ng hula sa taong naroon. I cleared my throat before I stood up and called her casually like she witnessed nothing.
“What are you doing here, Bianca?”
Nakita ko ang dalawang maleta sa tabi niya. Tumaas ang kilay ko. Hindi niya ako sinagot pero may ideya na ako kung bakit aiya narito.
Nilapitan ko ang bunsong kapatid ko. She looked shock. Must because she witnessed me kissing a man he never met.
“A-Ate…” tawag niya sa akin.
Kita ko ang paglampas ng tingin niya sa likuran ko. Then I felt Phil’s presence behind me.
I sighed. I suddenly don’t know what to do.
“Bianca, tinatanong kita.” Kuha ko sa atensyon niya.
“Boyfriend mo?” Instead, she asked back.
Tumikhim si Phil. Oh, no. Huwag kang sumabat!
“Good evening. I’m your sister’s friend. My name’s Philip.” Sabay lahad niya sa kanyang kamay babaeng kausap ko.
Tinanggap niya ang kamay niya pero gusto kong lumubog sa hiya nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.
“Friends don’t French kissed,” she said mockingly before she turned her eyes on me.
Wala akong naisagot. Hindi na ako nakaimik. Ramdam ko ang init na kumalat sa buong mukha ko. I was literally tongue tied!