Faith
Tumikhim ako matapos magsalita ni Bianca. There was an awkward silence between the three of us! Kahit si Philip, hindi nakaimik sa kaprangkahan ng kapatid ko.
Damn her!
"What are you doing here? At bakit may maleta ka?" Mataray kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya at tumuloy sa pagpasok sa living room. Kumunot ang noo ko. Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Kitang-kita ang pagkamangha sa nakikita.
Lalapitan ko na sana siya para muling tanungin nang huliin ni Philip ang siko ko.
"I think I should be going. Sa susunod na lang tayo mag-usap?" Malambing na sabi niya bago siya sumulyap sa kapatid.
Saka ko lang naalalang nandito pa pala siya. Sandaling nawala ang atensyon ko sa kapatid at nalipat sa kanya. Ayaw ko siyang paalisin pa. We just started talking but thinking that my witch sister is here, and adding the fact that she caught us kissing, mas maganda yatang pauwiin ko muna siya.
But before I was able to talk, naunahan na ako ni Bianca.
"Oh Philip! Uuwi ka na?"
I rolled my eyes because of the brewing annoyance for her. Ang kulit!
Lumapit si Philip ng kaunti, sapat para tumama ang katawan ko sa likod niya. Bianca looked at me with a mixture of curiosity and sarcasm.
I stiffened but remained my composure calm. Ayokong makita niyang apektado ako sa mga hawak ng lalaking ito.
"Oo. Para makapagpahinga na rin ang ate mo," sinulyapan niya ako.
She smirked and raised her eye brow. Kapag kuwan ay tumango rin siya. "I hope to see you again, Philip."
Bumalik ang mga tingin niya sa kapatid ko. However, my gazes trailed only the both of them. And now, my eyes were only glued to Philip.
"Yes." He answered.
He lowered his stares on me and looked at me softly. Palihim kong kinastigo ang sarili nang makaramdam ako ng emosyong...bago sa akin.
"I'll fetch you tomorrow."
Humugot ako ng hangin bago sumagot.
"Ano'ng oras?"
"Kung maari, maaga. Ipapasyal kita sa flower plantation. May iba ka pa bang gustong puntahan?"
My lips puckered. I heard Bianca's chuckles, reason why I felt a little conscious on my reaction. I wonder if I'm affected that much that my actions mirrored it?
"K-Kahit saan? W-Wala akong alam na pwedeng pasyalan dito."
I wanted to curse myself for stuttering!
Ngumiti siya at marahang tumango. "May maliit na talon rito sa bayan. Wanna go there swimming?"
"A-Ahm..."
"Sumama ka na, Ate Berns!" My sister cheered for me.
I glanced at her direction and gave her sharp stares. Nakakalokong ngisi lang ang isinukli niya sa akin.
Then, I returned my eyes on Philip only to see him watching me closely!
Para akong natutunaw sa mga titig niya. I have to dismiss what I am feeling but I can't help my growing happiness now. The more I supress it, the more it burns.
"Sige! Is...seven in the morning okay?" I asked with confidence, trying to conceal the nervousness I feel because of the fast beating of my heart!
Tumango siya. Mas lumawak ang mga ngiti niya sa pagpayag ko. "I'll be here."
Tumango ako. Marahan niyang binitawan ang siko ko at akma nang aalis nang muling magsalita si Bianca.
"Ihatid mo sa labas, ate!"
I looked at her again with irritation. Matalim ang mga titig ko habang nakataas ang gilid ng labi ko. I tried my best to warn her by looking at her sharply but she doesn't seem to be affected.
"Manahimik ka, Bianca!" Saway ko sa kapatid.
Si Philip naman ang narinigan ko ng mahinang pagtawa. Nang tingnan ko siya, agad siyang tumigil at tumikhim.
"Aalis na ako." Paalam niya.
I sighed. "Ihahatid na kita sa labas."
Hindi siya umimik. Hindi rin nakakilos agad. At dahil sa pagwawala ng t***k ng puso ko'y hindi na rin ako makapag-isip ng tuwid. Hinawakan ko ang kanang palapulsuhan niya't hinatak siya palabas ng bahay!
Which at the end, I think it was wrong.
But I felt so right when we were outside the house, inayos niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. His fingers swiftly made its way to hold me, enclosing the spaces in between my fingers.
Huminto ako sa paglakad. I trailed our intertwined fingers. Hindi maalis ang tingin ko roon. Everything seems magical that I can't think straight now. Nagpaubaya lang ako sa mga nangyayari.
Siya na ngayon ang nanguna sa paglalakad hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. When we reached the side of his car, he turned around to face me.
"Faith," he said breathily. "Pwede ba kitang ligawan?" Walang gatol na tanong niya sa akin.
I scoffed as my instant reaction because I literally don't know what to do nor to say!
"Ligawan? Naghalikan na tayo ah? Ngayon mo lang naisip 'yan?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
He smirked. He bowed his head and bit his lower lip. Tila nahiya sa paraan ng pagtatanong ko. Pero hindi ko siya nakitaan ng panghihina ng loob. Narinig ko pa ang mahina niyang halakhak.
Nangunot ang noo ko. Ano'ng nakakatawa?
"I'm sorry about our shared kisses. I...just can't help it." He said in his raspy voice.
Para akong hinehele ng boses niya. Para akong nalulusaw sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin.
"Dalawang beses na akong umamin sa'yo na gusto kita." Tumuwid siya sa pagkakatayo At tiningnan niya ako. "Pero hindi ka naniwala. Kung...magpapaalam ako sa'yo para manligaw, sana...payagan mo ako."
"Dalawang beses?" Takang tanong ko.
Ang naaalala ko lang kasi ay noong nasa bahay niya kami. Kailan ang una?
"Ang una ay noong nasa hotel tayo. Sa araw ng kaarawan mo."
Sandali akong nag-isip. At nang maalala ang mga nangyari sa loob ng silid ko, hindi ko mapigilan ang pag-init ng mukha ko.
How could I not remember it? It was that night that we...made out! Muntik nang may nangyari sa aming dalawa!
Pero hindi ko matandaang umamin siya sa akin noon.
Nagkibit-balikat ako na tila binabalewala lang iyon.
"Hindi ko matandaan," ani ko at umiwas ako ng tingin.
Magkahugpong pa rin ang mga palad namin. Sandali ko iyong pinagmasdan at saka napagtantong ni wala akong lakas para bawiin iyon sa kanya.
"Pero kung...gusto mo, bahala ka." Dagdag ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "Bahala ako?"
"Kung manliligaw ka, bahala ka."
I gulped after saying that. Para akong natanggalan ng bara sa lalamunan. Hindi ko talaga alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Ngumiti siya. Kitang-kita sa kanyang mukha ang galak. I scoffed inwardly, parang tanga 'to.
"Hindi ka magsisisi." Aniya.
Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng mansyon. Lutang ang isip ko't inulit-ulit ko ang mga sinabi sa utak ko.
Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba 'tong desisyon ko?
Hindi ko ba pagsisisihan 'to?
I clearly remembered that I didn't allow anyone to be part of any man's life after Earl died. Isinumpa ko sa sarili kong hindi na ako magmamahal ulit. Sinarado ko ang sarili sa posibilidad na makikipagrelasyon pa ako sa ibang lalaki.
I built high walls to other people. I guarded myself to who will inflict pain towards me. Hindi ko na kaya ang mawalan ng minamahal sa buhay kaya sinaksak ko sa utak kong hindi na magbigay ng malalim na pagpapahalaga sa ibang tao.
People change. People come and go. People only upholds to what you can offer and when you're already worn out and empty, iiwan ka rin. Na parang walang pakinabang. Na parang isang bagay na wala ng kwenta.
Kay Earl ko lang naramdaman ang pagpapahalaga na hinahanap ko. Bilang tao, bilang isang babae. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal na higit pa sa kailangan ko.
Siya lang ang nagparamdam sa akin na may importansya kung bakit ako nabubuhay ngayon sa mundo.
"Nakaalis na?" Umalingawngaw ang boses ni Bianca sa living room.
Nilingon ko siya. She was sporting a playful smirk on her face. Tila nanunudyo, nang-aasar.
"Bakit ka nandito?" Balik tanong ko sa kanya.
She shrugged her shoulders. Pasalampak siyang naupo sa sofa at nag-de kwatro. Ako nama’y humalukipkip habang pinapanood siya.
"Kinakamusta ka. Ang tagal mong hindi nauwi sa Maynila. Akala ko nga, nag-abroad ka na naman."
"Tss. Kinakamusta o pinadala ka ni Kuya Onyx?"
"Hindi ah!" Mariing tanggi niya. "Concern talaga ako sa'yo."
Sinulyapan ko ang dalawang maletang dala niya kanina. "Ngayong nakita mong maayos na ako, ano na ‘yon sa’yo?”
She frowned. Prente man ang kanyang pagkakaupo sa sofa ay tamad pa rin siyang naupo ng maayos. Kalaunan ay bumangon at tinungo kung saan ang direksyon ko.
“Ate naman, kadarating ko lang eh…” Lambing niya sa akin.
Mula sa harapan ko ay niyakap niya ako sa aking kaliwa. She snaked her arms around my waist and rested her head on my shoulder. Hindi ako kumilos. Nanatili akong walang imik habang blangko ang mga tingin ko sa kanya.
“Ano nga’ng gagawin mo rito?” Ulit ko.
“Nami-miss na nga kita!” She impatiently stomped her foot. “Hindi ka tumatawag. Ni hindi mo na kinakamusta ang clinic.”
I sighed. I loosen my arms. Inakbayan ko siya at gumanti na rin ng yakap.
Naalala ko ang clinic. Matagal ko na ring hindi iyon nabibisita.
“Alam ko namang maayos ang clinic dahil naiwan ‘yon sa pangangalaga mo,” ani ko.
“At nakikita ko ring maayos ka rito, huh?” Tudyo niya. Umahon siya sa pagkakayakapnsa akin, dahilan para mabitawan ko rin siya. “Paano mo nakilala ‘yon? Ano’ng ginawa sa’yo’t nakaka-first base agad? Hindi mo naman jowa!”
I smirked. Tuluyan ko na siyang binitawan at umamba na akong aakyat sa itaas.
“Suit yourself, Bianca. I have food in the fridge in case you’re hungry. Ikaw na ang bahala sa kwarto mo. Mamili ka na lang kung saan.” I said instead.
Sinundan ko iyon ng nakakalokong halakhak, which made her quite annoyed. I heard her calling my name but I didn’t returned my gazes to her.
“I’ll find it on my own, Ate!” Huling sigaw niya sa akin bago ko siya pinagsarhan ng pintuan.