Faith
Naramdaman kong may presensya sa likuran ko kaya ako naalimpungatan mula sa pagkakatulog. Pumulupot ang kamay nito mula sa aking likuran. At mula doon, alam kong may taong yumayakap sa akin.
"Sweetheart," bulong sa akin ng isang pamilyar na boses.
Ngumiti ako. Bumuhos ang pangungulila ko sa kanya nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng malamig na yakap niya sa akin. Sinikap kong yakapin siya ng mahigpit dahil giniginaw ako. Until I made my way to turn around so I can face him.
"You're here," namamaos na sabi ko dahil kagigising ko lamang.
I caressed his jaw. Ngumiti siya sa akin bago niya abutin ang kamay ko't dalhin iyon sa kanyang labi. He kissed the back of my palms. It's melting my heart seeing him this way.
We stayed quiet for a while. Pinapanood ko lang siya sa aking tabi.
"I want you to be happy, Faith." He started talking. "Please be happy."
"What are you saying? I'm happy because you're here." I said.
Umiling siya. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Maging masaya ka kahit wala ako," aniya. "You deserve to be happy even without me."
Umiling ako. "Please don't say that, Earl. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako masaya."
He smiled but I can't see the happiness in his eyes. "I want you to see the happiness you deserve even if it's not because of me. I want you to learn to live your life again without me, sweetheart. I want you to do again the things you love ans start anew." He kissed the tip of my nose. "Please, Faith." He begged.
Umiling ako. "You are my life Earl. Please don't say that. Please..." Tears started to form on the sides of my eyes.
"You deserve better," he said.
Unti-unting lumiwanag ang paligid. Nakakasilaw. Masakit iyon sa mata kaya napapapikit ako. Pero nandito si Earl! Nangamba akong pumikit o kahit takpan man lang ng mga palad ko ang aking mga mata dahil anumang oras, baka mawala na naman siya sa paningin ko!
I hugged him, only to realized that he's gone beside me...again.
I desperately shouted for his name!
"Earl!"
Nagitla akong dumilat mula sa aking pagkakatulog.
Panaginip. Ulit. Kasama niya.
Muli kong inalala ang panaginip na iyon. It was vividly graphic. I can even picture his expressions when he talked to me. His icy cold embrace, the emotionless smile...but his insistence for me to be...happy, even if he's not the reason anymore...I shook my head.
Parang pinipilit niya sa aking kalimutan ko na siya at mag-focus na sa sarili kong buhay.
I can't do that to you, Earl. You took my heart with you to the grave.
Kapareho ng posisyon ko ngayon sa kama ang posisyon ko kung paano ako nakahiga sa kamang nasa panaginip ko. Ang pinagkaiba nga lang, wala na si Earl sa tabi ko.
I sighed and closed my eyes tightly. Umayos ako ng higa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. I feel so lifeless and hopeless after that tragedy. Kung pwede lang...
Ako na lang sana. Ako na lang sana ang nawala.
Sinulyapan ko ang digital clock sa bedside table. It's almost six o'clock in the morning.
May lakad nga pala kaming dalawa ni Philip ngayon.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo para maligo. Alas siyete niya ako susunduin kaya may oras pa ako para mag-ayos ng sarili. Nag-empake rin ako ng ilang damit pamalit dahil maliligo kami sa talon. Ang bikini na susuotin bilang panligo ay isinuot ko na bilang panloob ko.
I wore a black bikini and a yellow maxi dress. Hindi naman siguro kami aabutin ng isang araw sa pamamasyal. Baka before lunch, makauwi na rin kami.
Tuatakbo ang isip ko sa mga salitang binitawan ko kay Philip kagabi. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng pumasok sa isip ko't pumayag akong sumama sa kanya. Halu-halong emosyon ang lumukob sa utak ko, kaya kahit ang sariling pag-iisip, hindi ko na nakontrol.
Kaya ko ba talagang magpaligaw? Do I just wanted myself to feel better?
Hah! Ba't ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi naman siya lugi sa akin ah? Kung manliligaw siya, eh 'di manligaw! Kung maghahalikan, eh 'di sige! We're both benefiting from this. It's not like we're teenagers sneaking for a kiss! Adult na kami! Kaya kung gagawin man namin 'yon, walang masama! Pareho naman kaming nasasarapan!
After I blowdried my hair, I took my things with me and went downstairs. It's already 6:45 in the morning. May ilang minuto pa para magkape.
I put down my tote bag on the sofa and proceeded on the kitchen. Hawak ang maliit na panali sa buhok, tinahak ko ang daan papunta sa kusina.
Pero bago pa ako makarating doon, nakarinig ako ng mga halakhak ng dalawang taong nag-uusap. They seem to be fond with their topic. I heard Bianca's laughing, may kasama pang palakpak!
Hindi ko itinuloy ang pagpasok sa kusina. Tumayo lang ako malapit roon. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng ibang tao pero malakas ang pakiramdam kong ako ang pinag-uusapan nila.
"Masungit 'yon! Akala mo kung sinong mala-anghel ang mukha pero lumalabas ang pagka-demonyita 'pag tinopak!" At sinabayan pa ng malakas na halakhak.
Tumaas ang kilay ko. Aba't...sino'ng kausap nito?
At...masungit? Demonyita? Humanda ka sa'kin, Bianca Sofia!
"Yeah, you can say that," sang-ayon ng kausap niya.
Si Philip!
"Pero she has a soft spot, too. Matulungin ang ate mo, Bianca. Hindi niya pinapabayaan ang nangangailangan ng tulong niya."
I gulped. How could he say that? Ni hindi ko nga napapansin iyon sa sarili ko. Most people I knew say that I'm rude and rough. I speak foul. I'm cold and heartless. And I don't care what people think of me.
"Hindi naman talaga siya ganoon noon, Kuya Philip. Ibang-iba siya noon. Oo at prangka siya noon pa man, she's not womanly in some ways but she's the most beautiful woman I know." Biglang nag-iba ang timpla ng boses niya.
I felt a lump on my throat as I tried to gulp again. I don't want anyone to talk about my past. Lalo na kung tungkol sa mga dahilan kung bakit ganito na ang pananaw ko sa buhay.
"Ano ba ang nangyari—-"
That triggered me to step in and cut their pointless conversation. Isa pa, ilang minuto na lang, alas siyete na. Nasa mood pa naman ako para mamasyal. Kung makakarinig pa ako ng isang salita tungkol sa akin, baka mawalan na ako ng ganang lumabas.
We have to get going.
"Good morning," I said coldly as I entered the kitchen.
Natigilan sila sa pag-uusap. All eyes were on me.
Nasa counter island sila at kasalukuyang nagka-kape. My eyes quickly roamed and I saw breakfast being cooked. My bacon, fried egg, pancakes, at ilang prutas na nahiwa sa plater.
Tumaas ang kilay ko. Bianca can't cook. At masyado pang maaga para magpadeliver. Well, unless, for the past months that I was here, she eventually learned how to do it.
"Good morning, Ate! I was about to wake you up na, eh! May lakad daw kayo ni Kuya Philip." Bati niya sa akin.
Liar.
"Good morning," bati sa akin ni Philip.
I looked at his direction. Natigilan ako ng makita ang kanyang kabuuan. He looked fresh in his white v-neck t-shirt, tucked in his denim pants. Pinatungan niya lang iyon ng dark blue checkered na polo shirt na bukas lahat ang butones. Hakab na hakab ang t-shirt sa kanyang katawan, exposing how firm his muscles from his wide broad chest. He wore a pair of brown leather boots and a watch as his only accessory.
Mukhang bagong ahit at gupit din ang lalaki. He looked more manly. At ang kanyang pabango, humahalimuyak sa ilong ko.
Nangunot ang noo ko sa naiisip. Bakit ko napapansin ang mga ganitong bagay tungkol sa kanya?
Hindi ako nagsalita. O mas tamang sabihing wala akong masabi.
Tumango ako bilang tugon at lumapit sa kinaroroonan nila. Sinipat ko ang mga pagkaing naroon. May isang bakanteng plato at kubyertos na hindi pa nagagamit. I assumed that it's mine. Kaya umupo ako sa bakanteng upuan, kung saan pinaggigitnaan nilang dalawa, at inabot ang mga iyon para makakain na.
"You cooked?" I asked Bianca.
Ibinababa niya ang tasang ininuman niya ng kape. Ako naman ay pilit inaabot ang lalagyan ng pancakes at syrup.
Umiling siya. "You know I can't cook, ate. Hindi para sa akin ang kusina." Sagot niya.
Medyo mabigat ang platerang kinalalagyan ng pancake kaya ng abutin ko iyon, mabilis na umalalay sa akin si Philip.
"Tulungan na kita." Aniya.
Gusto kong kumontra pero hindi ko na nagawa pa. Pinabayaan ko siya sa gusto niyang gawin. He put two pancakes on my plate. Siya na rin ang naglagay ng syrup nito.
"Bacon?" Alok niya.
"Yes, please..." I answered almost whispering.
He nodded and smiled. Siya na rin ang naglagay ng ilang pirasong bacon strips sa plato ko. Hinarap ko ulit si Bianca na ngayon ay nakangising-aso habang pinapanood kaming dalawa.
"Where did you get this food then?"
Itinuro niya si Philip. "He cooked for us!"
Nanlaki ang mga mata kong binalingan si Philip sa aking kaliwa. While I was taken aback for knowing that he cooked for us, siya naman ay seryosong ipinapahid sa pancake ang syrup at butter!
"Ikaw ang nagluto?" Namamanghang tanong ko sa kanya.
"Yeah," nakatuon ang kanyang mga mata sa pancake ko. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakataas na ang kanyang kilay. "Your sister looked problematic when I arrived. Hindi raw siya marunong magluto at ayaw ka raw niyang istorbohin sa pagtulog kaya ako na ang gumawa.”
Ngumiwi ako. Ah, nanliligaw nga pala kasi siya. Nagpapa-good shot malamang.
Hindi ko makapa ng maayos ang mararamdaman ko sa ginawa niya. I don’t want to recognize this feeling but damn…
Ba’t ako kinikilig?!
“Coffee?” He asked.
Lalo akong napangiwi pero sa huli, tumango pa rin ako.