CHAPTER 19

1810 Words
Faith "Ingat kayo!" Si Bianca habang kumakaway sa amin. Hindi mawala ang nakakalokong ngiti niya sa aming dalawa ni Philip. I can only throw my sharpest glare towards her. Ayoko namang mag-react dahil lalo lang akong magmu-mukhang guilty! Kilala ko ang kapatid ko at sa mga ikinikilos niya, alam kong binabahiran na niya ng kulay ang lahat ng reaksyon ko! "Salamat," si Philip na ang sumagot sa kapatid ko. "Initin mo na lang 'yung ulam mamaya." Dagdag niya. "Tsk, tama na 'yan." Saway ko. Nalipat ang tingin niya sa akin na may bahid pang ngiti matapos niyang magpaalam kay Bianca. Puno iyon ng...pag-iingat. Napakurap-kurap ako dahil mas gusto kong isiping namamalik-mata lang ako kesa sa kung anu-anong naiisip ko! "Tara na," aniya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan sa harap. Awtomatiko akong kumilos dahil sa kakaibang kabang nararamdaman ko. Ito ang una kong labas kasama ang lalaki sa ilang taon kong piniling mag-isa. Nakakakaba! Parang hindi ko pa 'to nagagawa kailanman! Sinamantala ko ang ilang segundong napag-isa ako sa loob ng sasakyan niya. I breath in and out, trying my best to calm my nerves so I can f*****g think straight. Nakapasok na si Philip sa driver's seat. He smiled a bit at me. Pinasadahan pa niya ako ng tingin bago siya magsalita. "Your seat belt," sabi niya. Para pa akong nagulat ng bahagya sa tinuran niya. I realized that I haven't buckled my seat belt yet. "Uh, yeah." Kaswal na sagot ko saka inabot iyon sa gilid ko. With my trembling hands, inabot ko ang seat belt at akmang hihilain na para maikabit na iyon sa akin. Pero dahil na rin siguro sa pagmamadali, hindi ko iyon magawa ng maayos. Hindi naman ito ang first time kong sumakay sa Hummer pero sa tarantang nararamdaman ko, nagmukha akong ignorante sa sasakyan niya! "Shit..." I murmured a curse out of frustration. "Let me help you," he said and reached out for the seat belt just above my right side. At dahil inaabot niya na nga rin 'yon, hindi naiwasang magdikit ang mga balat namin. Ang bango niya. Nanuot ang pinaghalong natural at mamahaling pabango niya sa ilong ko. And he felt warm, too. Iyong natural na init ng katawan ng isang tao. Mainit na parang gusto mong yumakap dahil kumportable sa pakiramdam. I immediately rid that thought. Sasama ka lang sa pamamasyal, Faith! Stop thinking things like that! He sucessfully buckled my seat belt. Ganoon din ang ginawa niya sa sarili. Suminghap ako at marahang pinakawalan ang inipong hangin sa baga nang umayos kami sa pagkakaupo. "Faith," he called me. Lumingon ako sa kanyang gawi nang nakataas ang isang kilay. "Yeah?" He sighed. "Are you okay? You look stiff. Masama ba ang pakiramdam mo?" Hindi ko alam na nararamdaman niya rin pala ang pagkabalisa ko. Umiling ako. "Hindi. Ayos lang ako." At sinundan ko iyon ng pag-ngisi. You know, just to cover up what I feel. "Sigurado ka? We can move—-" "This is my first time going out with a man for years after Earl passed away so it's normal that I'm acting like this, Philip." Sa wakas ay nasambit ko rin dahil wala na akong mahagilap na eksplenasyon sa kanya. Hindi naman ako sinungaling. Ayokong mag-imbento ng ibang rason para pagtakpan pa iyon. Napansin na rin naman niya ang pagiging balisa ko, might as well tell the truth so he won’t think I’m weird. "So please, let's go." Iyon na lang ang sinabi ko dahil isang salita pa niya, baka hindi na nga ako tumuloy sa pag-labas namin. Umandar ang sasakyan at nilisan na namin ang mansyon. Sandali niya akong pinagmasdan. Tila binabasa niya ako at ang tumatakbo sa isip ko. I sighed. Medyo nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ko. Here I am, deciding to have a...date with a man whom I can say I barely know. Eh gano’n naman talaga, ‘di ba? Courtship is “getting to know” stage. Ganito rin naman kami ni Earl noong mga high school pa kami kaya…wala naman sigurong masama? Tsk. I sighed heavily. What is happening to me? Why am I justifying all these thoughts on myself? Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Philip. Malamang ay dahil sa pagbuntong-hininga ko. Kaya nilingon ko rin siya na nakataas ang isang kilay ko, inaasahan kung may sasabihin siya sa akin. “Sa sunflower plantation ang unang pupuntahan natin. Sa makalawa na ang harvesting kaya full bloom ang mga bulaklak.” Basag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kasalukuyan na siyang nagmamaneho. We were out of the town already. Ito ang daan papuntang Maynila. At kasalukuyan na naming binabaybay ang daan papunta sa sentro ng siyudad ng Santa Isabel. “Saang bayan ba ‘yon?” Tanong ko. “Dito rin sa Santa Isabel,” at saka ikinabig ang manibela pakaliwa. “Sa lampas ng sentro nito, may malaking gate tayong madadaanan.” “Who owns the plantation?” I asked again. “Tourist spot ba ‘yon dito?” “Uh…” he paused. “Kay Kai. It was managed by her parents when they were still alive. Nang mawala sila, naipasa ang ownership sa pinsan ko.” Tumangu-tango ako. I know that girl. Naalala ko noon kung paano niya tinawag si Philip ng ‘babe’. Wala akong maisip kung ano’ng motibo niya para gawin ‘yon maliban na lang kung pinagseselos niya ako. I smirk. Ba’t ako magseselos? “Malaking pamilya ba kayo?” Usisa ko. Well…it’s part of getting to know him better, right? Umiling siya. “Hindi. Nag-iisang anak lang ako.” “Talaga?!” He smiled a bit. “Oo.” “Bakit?” Sandali siyang natahimik. Nag-iisip yata siya ng isasagot o…hindi ko alam. Ayaw niya yatang sagutin ang tanong ko. So instead of asking again, I shrugged my shoulders and didn’t expect him to answer me. Pero nang huminto na ang sasakyan sa isang malaking gate, doon siya muling nagsalita. It’s a steel perfectly designed for its purpose. Itim at ginto ang kulay nito. Ang mahabang pader, natatabunan ng wall vines. Sa taas ng gate, ay may nakaukit na tingin ko’y pangalan ng lugar. Hacienda Karissa. “Nakunan si Mama noong ipinagbubuntis niya ang nakakatandang kapatid ko. It took years before she conceived again. At ako ang bunga ng pinagbuntis niya. After she gave birth to me, they tried their best again pero hindi na sila pinalad pa.” He explained. Tumangu-tango ako. Muli kong nilingon ang harap ng sasakyan. “Medical malpractice,” he said. Napalingon ako sa sinabi niyang iyon. “Huh?” Naguguluhang tanong ko. Nilingon niya rin ako. “Iyon ang rason kung bakit siya nakunan.” “What?” I said. Now he got my full attention. “Hindi nila kinasuhan?” Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo. Hindi ko alam. There’s something in his stares that I cannot fathom. Nangungunot ang noo niya habang tila nagtataka siyang ganoon ang naging reaksyon ko. Sa huli, siya rin ang bumawi ng titig at muling minaniobra ang sasakyan. “Hindi na binalak ng mga magulang ko. Maimpluwensya ang pamilya ng doktorang iyon. She even accused my mother of being his son’s mistress. Ang haka-haka, anak ni Mama at ng kanyang nag-iisang anak na lalaki ang pinagbubuntis niya. Kaya ang hinala ng pamilya namin, sinadya niyang…may gawing hindi maganda sa ina ko.” Aniya. “I can’t understand,” umiling ako. “May mga tao talagang gumagawa ng ganoon?” Buntong-hininga lang ang isinagot niya sa akin. “Buhay ang nawala dahil sa ginawa niya. She clearly…” I shook my head. “Hindi niya pinahalagahan ang sinumpaan niya sa kanyang propesyon.” Pinagbuksan kami ng gwardya para makapasok sa rancho. Naglaro sa utak ko ang isiniwalat niya. This part of his life is too personal. Hindi na dapat malaman ng ibang tao iyon. But hell, I feel…important to him after telling me these personal things. “I’m sorry, ah? Pero dapat talaga, ipinakulong niyo ‘yong doktorang ‘yon!” Medyo iritado kong sabi sa kanya. “Naiinis ako, Philip! Doctors should provide medical care and ensure their safety! Hindi iyong sila pa ang magbibigay ng pinsala sa mga pasyente nila!” Huminto kami sa harapan ng isang ancestral house. May kalumaan na ang bahay base sa disenyo nito pero mukhang alaga sa maintenance. I crossed my arm and leaned my back on the car seat. Philip chuckled and moved closer to me. Salubong ang kilay kong tiningnan siya. His naughty smirked welcomed my annoyed mood. Then, he poked my nose and chuckled more. God. Natulala akong bigla sa lapit naming dalawa. Muling kumabog ang dibdib ko. Kanina lang, wala na iyon! Tapos…ganito lang, bumalik ulit?! “Huwag ka nang mainis. Even if you looked cuter when you’re annoyed, I don’t want to spoil your mood.” Malambing niyang sabi. Ngumuso ako. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Hindi ko mabalewala ngayon ang nararamdaman ko. Para akong…natutunaw. What the f*****g hell is wrong with me?! “Tsk. I feel sorry for your parents.” Iyon lang ang nasabi ko. “Matagal na panahon na iyon. Isa pa, wala na rito ang doktor na iyon dito.” Tumaas ang kilay ko. “Nasa’n daw? Probably in hell.” I smirked evilly. He chuckled again and unbuckled my seat belt. Hindi ko na rin napigilan ang matawa ng bahagya dahil sa sarili kong biro. But…yeah. I mean it. That doctor deserves to rot in hell. Nakababa na kami pareho sa sasakyan. Sandali kong pinagmasdan ang paligid. Medyo mahangin at tumataas na rin ang sikat ng araw pero hindi naman masakit sa balat. Napapalibutan ang garden ng iba’t-ibang halaman. Pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang pathwalk sa ‘di kalayuan ng bahay na ito. It’s a long pathwalk going to a place full of…sunflowers! Ito na ba ang daan papunta sa plantation? “Halika na. Pumasok muna tayo sa loob. Pormal kitang ipapakilala sa pinsan ko.” Aya niya sa akin. He extended his hand. Bumaba ang tingin ko roon. He’s offering his hand and I don’t find any reason not to accept it. Gentleman talaga. Slowly, I took it. Umangat ang tingin ko sa kanya para makita ang kanyang reaksyon. He had hopeful stares towards me. Napangiwi ako dahil sa awkwardness na namumuo sa pagitan namin. Bahala siya kung maramdaman niya ang nerbyos sa loob ko dahil sa panlalamig ng mga palad ko. Bahala na kung ano’ng isipin niya! Nang maabot niya ang kamay ko, sapat ang diin na ginawa niya para mahawakan ako ng tama. “I want you to meet the people who are important to me, Faith. Gusto kong maging bukas sa’yo.” Aniya. Tumango ako. Hindi dahil iyon ang natural na reaksyon na dapat kong itugon kundi dahil…iyon din ang gusto kong mangyari. “Gusto ko rin ‘yon.” Tanging sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD