Just Another Woman Chapter 30 2/9 "Ninong Mathias, may itatanong po sana ako sa'yo." sabi ni Veronica, nakatingin lang siya sa kanyang Ninong Mathias, na abala sa pagdridrive. Ngayon ang araw na pupunta sila sa Mall para magshopping. Ito kasi ang regalo ng kanyang ninong sa kanyang debut. Late nga lang pero ok na rin. "Hmm… Ano iyon Veronica?" kunot noo tanong ni Mathias. Abala ito sa pagdridrive ng bigla siyang tinanong ng kanyang inaanak. Kanina pa kasi ito tahimik. Gusto man niya itong kausapin kaso parang wala ito sa mood. Buti na lang ay kinausap siya ngayon ni Veronica. Kanina bago sila umalis ay kinausap siya ng kanyang kaibigan na ama ni Veronica, na si Valentino. Sinabi lang nito sa kanya na ingatan ang anak nito at kung puwede ay kausapin niya si Veronica, tungkol sa nangyari

