Just Another Woman Chapter 30 3/9 "Nakikiramay ako pare." malungkot na sabi ni Mathias, sa kanyang kaibigan. Kamamatay lang ng asawa ni Valentino, dahil sa isang car accident. Biglaan at nakakalungkot. Nabalitaan lang niya ito kaninang umaga. Nasa opisina siya. Tumawag sa kanya ang asawa niyang si Mariel, at sinabi nga nito na naaksidente si Valeria, dead on arrival ito. "P-pare kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay si Valeria. Huhuhu!" sinisisi ni Valentino, ang kanyang sarili sa nangyaring aksidente sa kanyang asawa. Kasalanan niya kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang asawa. Nandito sila sa labas ng chapel kung saan nakaburol ang kanyang asawa. Noong nakita niya ang kanyang asawa sa wasak na wasak na kotse. Para bang gumuho ang kanyang mundo. Wala siyang nagawa kundi p

