Just Another Woman Chapter 30 4/9 "Ninong Mathias, bat nakipagrelasyon pa si papa, sa babaeng iyon? 'Di ba niya mahal si mama?" tanong ni Veronica. "Ah? A-anong klaseng tanong yan Veronica?" kunot noo tanong ni Mathias, nakatayo sila sa harap ng kabaong ni Valeria, ayaw umuwi ni Veronica, kaya sinamahan na lang niya ito ngayon. Silang dalawa na lang ang natira sa loob ng Chapel. Nagsi-uwian na ang mga nakikiramay. Hanggang ngayon ay 'di pa rin bumabalik si Valentino. Kanina ay sinamahan niya si Veronica, sa parking lot. Akala niya ay makikita nila si Valentino, ngunit wala na ito sa parking lot. Wala na rin ang kotse nito. Mukhang umalis ito kasama si Rebecca. Napapailing na lang siya sa ginagawang kalokohan ng kanyang kaibigan. "Ninong Mathias, ganyan po ba talaga kayo mga lalaki?

