Just Another Woman Chapter 29 Maganda ang gising ngayon ni Veronica, dahil nakasama niya ang lalaking pinakamamahal niya kagabi. Excited na rin siya sa kanyang paparating na day off. 'Di siya makapaniwala na matutupad ang isa niyang pangarap na makasama si Rv, papunta sa isang magandang lugar. Natawa siya bigla ng maalala niya ang sinabi sa kanya ni Rv, kagabi. Mapupuntahan na daw nila ang Phuka Beach. Nag-unat-unat muna siya ng katawan bago siya lumabas ng kanyang kuwarto. Pagkalabas nakita niya nasa lamesa na lahat ang mga kasama niya sa bahay. "Good Morning!" masayang batin ni Veronica. "Veronica, anong oras pala tayo aalis mamaya?" tanong ni Vanessa, kakatapos lang niya magpirito ng itlog. "Pagka-out ko sa trabaho ate." bigla nakaramdam ng nagutom si Veronica, sa nakita niyang

