Chapter 28

1736 Words

Just Another Woman Chapter 28 "Bat ganun? Magkaiba ang ugali nila Rayford, at Rayfield. 'Di niyo ba napansin kanina masyado tayong tahimik habang kumakain ng hapunan." sabi ni Vanessa, inaasahan pa naman niya kanina na makikipagkwentuhan sa kanila si Rayfield Chavez.  "Di nga ako nakapagpicture baka magalit ito sa akin. Masyadong kasi seryoso. Buti pa 'yung kuya niyang si Rayford Chavez." sabi naman ni Vincent. Wala naman siyang pakialam kung 'di siya nakapagpicture kanina kay Rayfield. Ang mahalaga ay nakausap niya si Geron, kahit sandali lang. Nakagawa sila ng paraan kanina upang makapag-usap.  "Ano ba kayo masyado niyo naman nilait si Sir Rayfield. Ganun talaga ang guwapo kong boss." pagdedepensa ni Veronica, sa kanyang guwapong boss na si Rayfield.  "Baka hindi sanay na makikain?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD