Just Another Woman Chapter 27 "Veronica, kamusta ka na?" ngising tanong ni Mathias, sa magandang binibining kasama niya ngayon sa loob ng kotse niya. Siya na ang naghatid kay Veronica, noong una ay tumatanggi pa ito ngunit napapayag na rin niya ito sa kanyang gusto. "Ayos lang po ako Ninong Mathias." sagot ni Veronica, nakatingin siya sa bintana ng kotse tinitignan niya ang dinadaanan nila. "Labag ba sa kalooban mo na sumama ka sa akin? Miss na kita Veronica." sabi ni Mathias. Napatingin naman si Veronica, sa makisig na lalaking kasama niya ngayon. Kahawig na kahawig talaga nito si Matteo. 'Di mo aakalain na nasa 40's na ito. Makisig pa rin ito sa suot nitong amerikana. "Hindi po labag sa kalooban ko ang sumama sa inyo Ninong Mathias. Nahihiya lang po ako kay Sir Rayfield." sabi

