Just Another Woman
Chapter 3.3
"Lumayo-layo ka kay Kuya Rayburn." ang biglang sabi ni Rayfield.
Napatingin si Veronica, sa kanyang boss. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Oh? B-bakit po Sir Rayfield?" ang tanong ni Veronica.
"Kailangan mo talaga itanong yan? Basta layuan mo si Kuya Rayburn. Matagal ko na napapansin na may gusto ito sa'yo." seryosong sabi ni Rayfield.
Napapakunot noo na lang si Veronica, sa mga pinagsasabi sa kanya ng boss. Ayaw niyang isipin na nagseselos ito. Baka gusto lang siyang maprotektahan. Pero 'di naman niya ipapahamak ang kanyang sarili sa simpleng pakikipag-usap niya kay Rayburn. Tsaka 'di naman siya lumalapit dito. Nagkataon lang na nagkasabay sila sa elevator. 'Di rin niya maiiwasan na magkita sila ni Rayburn, dahil nasa iisang kumpanya sila nagtratrabaho. Napatango na lang siya sa sinabi ng kanyang boss. Ayaw na niya magsalita baka kung saan pa ito mapunta. Nakarating na sila sa ground floor at naglakad na sila papuntang entrance kung saan naghihintay na si Geron, sa kanila.
"Good afternoon, Sir Rayfield." ang pagbati ni Geron, sa kanyang amo. Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse. Tuloy-tuloy lang pumasok sa loob ng kotse ang kanyang amo na si Rayfield. 'Di man lang siya pinansin nito. Napatingin tuloy siya kay Veronica, isang malapad na ngiti ang binigay niya dito.
"Yan! Mas ok na nakangiti ka para lalo ka guwapo." ang masayang sabi ni Veronica, pinagbuksan siya ng pintuan ni Geron. Sumakay siya sa passenger seat samantalang si Rayfield, ay sa likod sumakay. Papunta sila ngayon sa Lopez Company. Isa rin ito sa mga top company ng bansa.
Habang nasa biyahe sila ay sinabi ni Veronica, ang kailangan na malaman ng kanyang boss niya tungkol sa Lopez Company.
"Sir Rayfield, sabihin ko lang po ang tungkol sa Lopez Company. Ang nagtayo at nagtatag ng Lopez Company, ay si Alfonzo Lopez. Consistent na nasa top companies ng bansa. Sa katunayan ay nasa top 50 best company ng Pilipinas, ang Lopez Company, at 15 years na ito ngayon. Ipinasa na niya ang pamamahala sa kanyang nag-iisang anak na si Albie Lopez, kasama ang asawa niyang si Jordan Duque. Meron silang anak na si Alonzo Lopez 20 years old."
"May anak sila?" tanong ni Rayfield, habang hinihintay niya ang sagot ng kanyang secretary ay pinagmamasdan niya ang dinaanan nila.
"Sa nakuha ko pong impormasyon anak po siya ni Albie Lopez." ang sagot naman ni Veronica.
Napatango lang si Rayfield.
Alam naman ni Veronica, na open minded ang kanyang boss sa mga ganun bagay. Ang makikipagmeeting sa kanila ay ang mag-asawang Albie Lopez, at Jordan Duque Lopez. Nakarating din sila sa Lopez Company. Sinalubong agad sila ng guwapong mag-asawa.
"Welcome to the Lopez Company, Mr. Chavez." ang ngiting pagbati ni Albie Lopez, kasama nito ang asawa niyang si Jordan Duque Lopez.
Namangha si Veronica, dahil sobrang guwapo ng mag-asawa sa personal. Ngayon lang niya nakita sila Jordan, at Albie, sa personal. Dahil sa pictures lang niya ito nakikita habang kumukuha ito ng impormasyon tungkol sa Lopez Company.
"I'm Albie Lopez, son of Alfonzo Lopez, and this is my husband Jordan Duque Lopez" ang pagpapakilala ni Albie.
Sumakay sila sa elevator para pumunta sa conference room kung saan sila mag-uusap tungkol sa negosyo. Nagsimula ang pag-uusap nila Rayfield, at ang mag-asawa Lopez. Samantala ay seryosong nakikinig si Veronica, sa mga pinag-uusapan ng kanyang guwapong boss at si Albie Lopez. Minsan ay sinusulat niya ang mga importanteng impormasyon na kanyang naririnig. Napansin din niya na 'di man lang kumokontra si Jordon, sa mga sinasabi ng kanyang asawa na si Albie. Lagi itong sang-ayon sa mga idea nito. Napansin din niya na kanina pa magkahawak ng kamay ang dalawa.
"Thank you so much Mr. Chavez, sa pagpunta dito sa kumpanya namin" ang ngiting sabi ni Jordan Duque, habang nakikipagkamay ito kay Rayfield.
"Salamat din dahil pumayag kayo sa business proposal ko." masayang sabi ni Rayfield, ngiting tagumpay siya dahil na closed deal na naman niya ang isang proposal niya sa Lopez Company.
Ikinagulat naman ni Veronica, na nakipagkamay din sila Albie, at Jordan, sa kanya.
"Heto pala ang invitation para sa 21st birthday ng anak namin na si Alonzo. Sana makapunta ka with your wife" ang ngiting ni Albie Lopez, kay Rayfield.
"Thank you. Pero di' ako nangangako makakapunta. Alam mo naman ang trabaho natin." ngiting sabi ni Rayfield, gusto man niya pumunta 'di niya naman maiwan ang tambak na trabaho sa kumpanya. 'Di rin siya sigurado kung makakasama niya sa pagpunta ang kanyang asawa na si Julia.
"Miss Veronica, heto naman ang invitation para sa'yo. Sana makapunta ka. Isama mo ang pamilya mo. Aasahan ka namin" ang ngiting sabi naman ni Jordan.
Nagulat si Veronica, dahil binigyan siya ng invitation nila Jordan, at Albie. Nagpasalamat ito at agad niyang tinignan kung kailan ang party. Available siya sa araw na 'yun. Dahil wala siyang pasok. Napatingin siya kay Rayfield.
"Puwede ka pumunta kahit may pasok. Nakakahiya naman kung 'di ka makakapunta. Sila Albie, at Jordan na ang mismong nag-abot ng invitation at personal na nag-imbita sa'yo." seryosong sabi ni Rayfield.
"Ayan pinayagan ka na ni Rayfield. Aasahan ka na namin." ngiting sabi ni Albie, 'di pa rin niya binibitawan ang kamay ng kanyang asawa na si Jordan.
"Sobrang salamat po sa inyo Sir Albie, at Sir Jordan." ngiting sabi ni Veronica.
Nagpaalam na sila Veronica, at Rayfield, kina Albie, at Jordan Lopez. Alam ni Veronica na masaya ang kanyang boss dahil na closed deal na naman nito ang isang business proposal sa Lopez Company. Sinabihan siya ni Rayfield, na by next week ay kakain sila sa labas kasama ang iba pang employees ng kumpany. Para sa isang Thanks Giving Party ng kumpanya.
"Sir Rayfield, sa may main branch po ako ng Rald's Box, baba po." pagpapaalam ni Veronica, nagpapasalamat siya na dadaanan nila ang main branch ng Rald's Box. Para 'di na siya mahirapan mag-abang ng taxi pagpunta doon.
"Huh? Sigurado ka ba? Ihahatid ka na namin sa bahay ninyo?" alok ni Rayfield.
"Wag na po Sir Rayfield, malayo-layo rin po kasi bahay namin. Mapapalayo lang po kayo. Para maaga po kayo makapagpahinga." sabi ni Veronica, sa limang taon niyang pagtratrabaho kay Rayfield, bilang secretary ay ni minsan ay 'di siya nagpahatid sa kanilang bahay kahit na nagpupumilit ang guwapong boss niya.
"Lagi mo na lang ba ako tinatanggihan sa paghatid ko sa'yo Veronica?" seryosong tanong ni Rayfield, nakatingin siya kay Veronica, ngayon ay katabi na niya ito sa kotse.
"Hindi naman po ganun Sir Rayfield. Magkikita po kasi kami ng kaibigan ko sa main branch ng Rald's Box. Para na rin po makausap ko si Sir Gerhard, tungkol doon sa reservation po ninyo." mahinahon na payahag ni Veronica, nakatingin siya sa guwapong boss nito.
"Sigurado ka bang kaibigan mo ang kikitain mo? Hindi si Kuya Rayburn?" seryosong tanong ni Rayfield, sa kanya.
Nagulat siya sa tinanong sa kanya ng kanyang boss.
"Sir Rayfield, hindi po." simpleng sagot ni Veronica.
"Matanong nga kita Veronica, kung walang asawa ang Kuya Rayburn, at manliligaw sa'yo ang loko na 'yun. Papayagan mo ba siya?" tanong ni Rayfield, 'di niya alam kung bakit siya nagtanong ng ganung klaseng tanong sa kanyang magandang secretary. Sa tagal na nila magkatrabaho ay 'di man sila nagkakaroon ng mga pag-uusap tulad ngayon.
"Syempre naman po Sir Rayfield." kilig na sagot ni Veronica, sa tanong ng kanyang guwapong boss.
Tumingin naman ng masama si Rayfield, sa kanyang magandang secretary. Nainis siya sa sagot sa kanya ni Veronica.
"Ah… Ibig kong sabihin Sir Rayfield, hmm… ah…" nauutal na sabi ni Veronica, 'di niya alam kung paano siya makakalusot sa sagot niya kanina.
"Wag mo ng bawiin ang sagot mo." seryosong sabi ni Rayfield, ayaw niyang ipahalata na 'di niya nagustuhan ang sagot ni Veronica, sa kanya. "Kung wala ako asawa ngayon. Nililigawan kita, sasagutin mo ba ako?" seryosong tanong niya kay Veronica.
Bigla naman 'di mapakali si Veronica, sa tanong ng kanyang boss. Napaisip siya sa tanong sa kanya ni Rayfield. Sino ba naman ang babaeng hindi sasagutin ang isang Rayfield Chavez. Kahit na mainitin ang ulo nito at masungit. Napatawa na lang siya sa kanyang naisip.
"Anong nakakatawa sa tanong ko Veronica?" kunot noo tanong ni Rayfield.
"Ah? W-wala po Sir Rayfield." ang sagot ni Veronica.
"Answer me now Veronica." mahinahon na utos ni Rayfield, ayaw niyang pahalata na excited siyang marinig ang sagot ng kanyang magandang secretary.
Napatingin si Veronica, sa kanyang boss seryoso itong nakatingin sa kanya.
"O-po naman! Isang Rayfield Chavez, ba naman ang manligaw sa akin!" ngiting sabi ni Veronica. Napatango lang ang kanyang boss sa sagot niya.
'Di niya namalayan na nasa tapat na sila ng Rald's Box. Buti na lang ay nakarating na sila.
"Salamat po Sir Rayfield." nakangiti sabi ni Veronica, nakatingin sa kanyang ang guwapong boss. "Geron, salamat! Ingat sa pagmamaneho ah! Bye!" ang paalam ni Veronica, binuksan na niya ang pintuan ng kotse at lumabas na ito. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa mga unexpected na tanong sa kanya ni Rayfield. Para bang na hot seat siya kanina.
Buti na lang nakarating agad sila sa Rald's Box. Kung 'di pa sila nakarating baka may tanong pa ang guwapo boss niya. Habang papasok siya sa Café, ay nagtext na siya kay Dexter, na nakapag-out na siya sa trabaho at nandito na siya sa Rald's Box Café. Lumapit siya sa isang staff ng Café at tinanong niya si Gerhard Posadas, ang may-ari ng Café na to.
"Miss Veronica, puwede muna po kayo umupo habang hinihintay niyo si Sir Rald." magiliw na sabi ng isang staff na si Athena. Tumango lang si Veronica, naghanap siya ng magandang pwesto. Pumunta at umupo siya sa table na malapit sa glass window ng Café. Dito sa pwestong napili niya ay makikita ang mga dumaan na sasakyan at mga taong naglalakad. Dito rin sa kinauupuan niya ay makikita kung sino ang mga pumapasok sa Café. May lumapit sa kanyang isang guwapo waiter.
"Mise Veronica, heto po ang menu ng Rald's Box Café." ngiting sabi ng waiter na si Aiken.
Kahit 'di tignan ni Veronica, ang menu ay alam na niya ang gusto niyang kainin. Nakaramdam siya ng gutom ngayon. Dahil 'di pa pala siya nakapagbreakfast kanina.
"One slice of classic blueberry cheesecake, two slice classic dark chocolate cake, one order creamy tuna carbonara and one can of spirte." ngiting sabi ni Veronica, sa waiter na si Aiken.
"Ulitin ko lang po Miss Veronica ang orders ninyo. One slice of classic blueberry cheesecake, two slice classic dark chocolate cake, one order creamy tuna carbonara and one can of spirte. Meron pa ba kayo additional na order mam?" ngiting tanong ni Aiken, nakatingin siya sa magandang mukha ni Veronica. Kilala niya si Veronica, dahil regular customer nila ito.
"Wala 'yun lang. Salamat." nakangiting sagot ni Veronica. Umalis na si Aiken, samantalang paparating naman ang napaka-charmming na may-ari ng Café na ito na si Gerhard, o tawag ng mga employees niya ay Sir Rald.
"Kamusta Miss Veronica?" masayang bati ni Gerhard, sa magandang binibining kaharap niya ngayon. Nakipagbeso-beso pa siya dito.
"Ok naman. Sorry kung pinatawag pa kita. Alam ko naman na busy kang tao. Gusto ko lang e double check kung ok na ba ang lahat para mamayang anniversary dinner nila Mr. Rayfield Chavez, at Julia Cortez Chavez?" ngiting tanong ni Veronica. Tumawag na siya kaninang umaga kay Gerhard, nandito na rin naman kasi siya bakit 'di pa niya kausapin si Gerhard, tungkol sa reservation niya.
"Ok na lahat. Pati 'yung request ni Mr. Chavez, na creamy tuna carbonara ay ok na rin. Wag kang mag-alala Miss Veronica." siguradong sabi ni Gerhard.
"Thank you so much Gerhard, puwede ko ba makita 'yung set-up mamaya?" ang tanong ni Veronica.
"Sure. This way Miss Veronica." ngiting sabi ni Gerhard. Pumunta sila sa may likod ng Rald's Box kung saan may nakaset-up na lamesa, upuan at mga bulaklak. Garden style dinner.
"Wow! Sobrang ganda naman!" manghang sabi ni Verinica. Expect naman niya na maganda ang kakalabasan reservation niya ngunit 'di lang niya inaasahan na sobra-sobra pa ang expectation niya sa garden style dinner na pinarequest niya kay Gerhad. "Sobrang ganda talaga! Good joob Gerhard." sobra talaga siyang masaya sa ganda ng set up.
"Thank you Miss Veronica." masayang sabi ni Gerhard. Sobra siyang masaya na nagandahan si Veronica, sa ginawa nilang garden style dinner. Bumalik ulit sila sa loob. Nagpaalam na rin siya kay Veronica. Marami pa kasi siya kailangan na tapusin na trabaho.
Tamang-tama ang pagkaka-upo ni Veronica paparating na si Aiken, dala-dala nito ang pagkain na inorder niya.
"Miss Veronica, heto na po ang order ninyo." ngiting sabi ni Aiken, isa-isa niyang nilagay sa table ni Veronica, ang mga inorder nito.
Natakam naman si Veronica, sa mga pagkain nasa harapan niya ngayon. Nagpasalamat talaga siya kay Aiken.
"Enjoy your meal Miss Veronica. Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ako." ngiting sabi ni Aiken.
Sinimulan na niya unahin kainin ang classic dark chocolate cake. Ninamnam niya ang tamang tamis at pait ng dark chocolate na nakalagay sa cake na kinakain niya. Heto ang trade mark ng Rald's Box Café, tamang-tama lang ang tamis ng mga cake nila. 'Di na niya namalayan naubos na pala niya ang isang slice ng cake.
"Patay gutom lang? Veronica"
Napatingin si Veronica, sa tumawag sa kanya. Isang matangkad na chinitong lalaki ang nasa harapan niya ngayon.
Si Dexter Wang.
"Ang bilis mo naman? Kakatext ko lang sa'yo ah?" takang tanong ni Veronica, kala niya ay mamaya pa ito makakarating.
"Malapit lang naman dito ang condo namin ni Miggy." seryosong sabi ni Dexter.
Nagpunas na muna ng bibig si Veronica, at uminom ng soda. Bago ito magsalita.
"Bakit mo pala ako gusto makausap?" Ang tanong ni Veronica, pinaupo niya si Dexter. Sobrang nagpapasalamat na lang siya na naunang nagsabi si Dexter, na gusto siyang kausapin nito.
Lumapit si Aiken, sa kanilang table na may dalang menu card. Umorder na si Dexter. Hinintay na muna ng chinitong lalaki na makaalis ang waiter bago ito simulan ang pag-uusapan nila ni Veronica.
"Kinukulit ako ni Joven." panimula ni Dexter.
"Ah? bakit naman?" Ang takang tanong ni Veronica.
"Pinipilit niya ako na umamin sa mga nalalaman ko." sabi ni Dexter, naiinis na siya sa kakulitan ni Joven. Buti na lang binigay ni Veronica ang number nito sa kanyang boyfriend na si Miggy. Kanina pag-uwi nila sa condo ay pasimple niyang kinuha ang number ng magandang binibining kaharap niya ngayon. Gusto talaga niyang makausap ito. 'Di niya magawa makiusap kaninang umaga dahil kasama niya si Miggy.
"Ano ba nalalaman mo?" usisa ni Veronica, pinagpatuloy pa rin niya ang pagkain habang kausap niya si Dexter.
"Alam ko lang ay nagkantutan kayo dalawa ni Joven, 'yun lang naman ang nalalaman ko." ang casual na sabi ni Dexter, na ikinagulat naman ni Veronica.
Muntikan na mabulunan si Veronica, sa kinakain niyang cake ng marinig niya ang sinabi ni Dexter, sa kanya.
"Bibig mo naman Dexter." sabi ni Veronica, napatingin siya sa mga tao sa loob ng café. Buti na lang abala lahat ang mga tao sa pagkain nila.
"Bakit? Hindi ba? Bakit nga pala nagsex kayo?" tanong ni Dexter, gusto niya talaga malaman kung bakit nakipagsex si Veronica, sa mismong asawa ng kaibigan niya.
Parang gumagaan ang pakiramdam ni Veronica, habang kausap niya ngayon si Dexter. Wala naman kasi siya nasasabihan sa mga ganitong pangyayari sa buhay niya. Pero nag-aalangan pa rin siya kay Dexter.
"Trust me Veronica. Mukha kasing wala ka pinagsasabihan sa mga kagagahan mo sa buhay" ang sabi pa ni Dexter, nakita niya na nag-aalinlangan pa sa kanya si Veronica. Dumating ang order niya at nagsimula na rin siya sa pagkain niya. Habang hinihintay niya magsalita si Veronica.
"Hmmm… Grabe ka naman sa akin! Sige magtitiwala ako sa'yo Dexter. Ganito kasi 'yun basta na lang naramdaman ko na may gusto si Joven, sa akin" ang sabi ni Veronica, habang nakatingin sa chinitong lalaking na abala sa pagkain ng classic blueberry cheesecake.
"Kahit may asawa na ito?" seryosong tanong ni Dexter, tumingin muna siya sa kausap niya ngayon. Bago niya ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Mukhang 'di lang yata si Joven, ang naakit mo ah?" Ang ngising sabi ni Dexter, natapos na niyang kainin ang kinakain niyang cheesecake. Pinupunasan na niya ang kanyang bibig ng tissue at kinuha niya ang kanyang inorder na coke zero. Ininum niya ito habang nakatingin kay Veronica.
"Sira! 'Di ko inaakit ang mga lalaki. Sila ang naakit sa kagandahan at kasexihan ko. Ikaw ba 'di ka ba naakit?" pagmamalaking pang sabi ni Veronica. Matagal bago sumagot si Dexter, sa tanong niya.
"Lalaki pa rin naman ako pero loyal at mahal ko si Miggy." ang ngising sabi ni Dexter.
Napakunot noo na lang si Veronica, sa sagot sa kanya ni Dexter.
"So naakit ka nga sa akin?" pag-uulit na tanong ni Veronica.
"Tsk! Kung sabihin ko nga naakit ako sa'yo. Papatulan mo ba ako?" seryosong tanong ni Dexter, na ikinatahimik naman ni Veronica.
Bigla na lang napatawa si Dexter.
"Ano nakakatawa?" inis na tanong ni Veronica.
Sa totoo lang ay nagulat si Veronica, na tumawa bigla si Dexter, dahil 'di naman niya ito inaasahan na marunong pala itong tumawa. Kala niya laging seryoso si Dexter, o kaya minsan ngisi lang ang alam nito.
"Ang epic ng mukha mo kanina. 'Di ko magagawang saktan si Miggy. Mahal ko 'yung loko na 'yun kahit minsan ay sobrang seloso nito." ngiting sabi ni Dexter, talaga naman na mahal na mahal niya si Miggy. Ilan taon na silang nagsasama. Marami na rin sila pinagdaanan na pagsubo.
"Alam mo bagay mo na nakangiti. Mas lalo kang guwapo. Lagi ka kasi seryoso. Speaking of seloso. Sinabi mo ba sa kanya na makikipagkita ka sa akin?" usisa ni Veronica.
"Hindi, teka nawawala na tayo sa dapat nating pag-usapan. Sinabihan ko si Joven, na labas ako sa mga kalokohan ninyong dalawa. Baka pagnagkaalaman na madawit ako. Baka masira p ang relasyon namin ni Miggy." pag-aalalang sabi ni Dexter.
"Walang makakaalam at walang magpapa-alam. Bukod sa amin ni Joven, ay ikaw lang ang nakakaalam. Kaya kapag may nakaalam, alam na namin kung sino ang suspect." ngising sabi ni Veronica, tama naman siya sa sinabi niya. Alam niyang walang lihim na 'di nabubunyag. Kaya kailangan nilang mag-ingat.
"Sana pala 'di na lang kita tinulungan!" pabirong sabi ni Dexter.
"Bakit? Nagsisisi ka ba?" tanong ni Veronica
"Hindi! Exciting nga eh! Kala ko sa teleserye ko lang to napapanood ang mga ganitong kaganapan. May balak ka pa bang sundan 'yung kantutan ninyo ni Joven" ang ngising sabi ni Dexter.
"'Yung bunganga mo naman Dexter! Baka may makarinig sa'yo! Nakakahiya!" Ang inis na sabi ni Veronica.
"Wow! May hiya ka pa pala! Paalala lang Veronica, pinatulan mo 'yung asawa ng kaibigan mo." ang ngising sabi ni Dexter.
Napaisip si Veronica, na 'di naman siya ang unang lumapit o nagparamdam kay Joven. Ang matipunong lalaki ang unang lumapit sa kanya. Para bang pumasok ito sa hawla ng ahas. Syempre ano pa bang gagawin ng ahas kundi sunggaban ang pumasok sa hawla nito. Siya ang ahas. Ahas na makamandag sa kagandahan. 'Di na niya kasalanan na pinatulan niya si Joven. Ang mahalaga ay nag-enjoy at nasarapan ang matipunong lalaki na si Joven, sa kanya. Sa totoo lang ay alam niyang nabaliw na si Joven, sa kagandahan niya.
"Bat ka natahimik dyan?" usisa ni Dexter.
Napatingin lang si Veronica, kay Dexter. 'Di niya akalain na itong chinitong lalaking kasama niya ngayon ay alam na nito ang kagagahan ginawa niya.
"Magkaibigan na ba tayo? O plastikan lang? Alam mo na ang lihim ko tungkol kay Joven." Ang tanong ni Veronica
"Ano sa tingin mo? Ok lang naman sa akin na makipagkaibigan sa isang ahas. Nakakatakot nga lang pero mukhang masaya ang pakikikaibigan ko sa isang taong ahas." ang ngising sabi ni Dexter.
"Sira! Kung maka ahas ka wagas! So… friends?" Inilahad ni Veronica, ang kamay niya kay Dexter.
"Ok!" ngising sabi ni Dexter, tinanggap niya ang kamay ng magandang binibini at nakipaghand shake siya dito.
______________________
"Hoy! Veronica, tulala ka dyan! Tara na tapos na ang break time natin" ang sabi ni Leni.
Napangiti na lang si Veronica, maalala niya ang mga kaganapan noong nakaraang linggong. Pati na rin pag-uusap nila ni Dexter.