Just Another Woman
Chapter 4 3.2
"V-veronica b-baka mabangga tayo." ang sabi ni Geron, naiilang na siya sa paglapit sa kanya ng magandang binibini.
"Wala naman ako ginagawa sa'yo ah? May pabor ako sa'yo Geron, puwede mo bang ipakita… ang dimples mo?" ngiting sabi ni Veronica.
"Ah? Hmm… " 'di alam ni Geron, ang kanyang gagawin. Buti na lang ay traffic dahil kung hindi ay baka mabangga sila. Natataranta na kasi siya sa paglapit sa kanya ni Veronica.
"Sige na! Alam mo ang guwapo mo lalo kapag pinapakita mo ang dimples mo." pangungulit na sabi ni Veronica.
"Naku! 'Di naman." ang sabi ni Geron, napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Maraming talagang nagsasabi na guwapo siya. Pero 'di niya iyon pinapansin.
"Dito ka nga humarap sa akin." ang sabi ni Veronica, pinaharap niya si Geron, sa kanya. Ngayon ay kitang-kita niya ng malapitan ang guwapong mukha ni Geron, moreno at matangkad ang bagong driver ni Rayfiel. Natural din ang ganda ng katawan nito. Dahil na rin siguro sa mabibigat na trabahong naranasan nito noon. "Ngayon ay ipakita mo na ang gusto kong makita sa'yo." mapang-akit na sabi ni Veronica.
Wala na nagawa si Geron kundi ngumiti kahit pilit para lang tumigil na si Veronica, sa pangungulit sa kanya.
"O-k na ba? Kailangan ko ng magdrive baka mahuli pa tayo ng mga traffic enforcer." alalang sabi ni Geron, sobra na siyang pinagpapawisan dahil nakaharap siya ngayon kay Veronica.
"Ayun! Edi, nakita ko rin! Sige na magdrive ka na. Salamat Geron, sa susunod ulit wag ka na masyado ma-keme ok?" ngiting sabi ni Veronica.
Nakahinga naman ng maluwag si Geron, tumigil na sa pangungulit sa kanya si Veronica. Ngunit mali siya ng inakala.
"Matanong kita Geron, nagka-nobya ka na ba?" usisa ni Veronica, naiinip siya sa biyahe. Kaya imbes na gumamit siya ng cellphone. Naisip na lang niya na magtanong kay Geron, tungkol sa buhay nito. Para lalo rin niya makilala ang bagong driver ng kanyang boss.
"Ah? Oo." ang sagot ni Geron.
"Hmm… Eh? Ngayon may nobya ka?" tanong ni Veronica.
"Naku! Wala, tsaka wala sa isip ko ang mga ganyan na bagay ngayon." ngiting sagot ni Geron.
"Ilan ba kayo magkakapatid? Ikaw lang ba nagtratrabaho sa inyo?" usisa ni Veronica.
"Lima kami magkakapatid. Pangalawa ako sa panganay. 'Yung kuya ko ay may sariling pamilya na. May tatlo pa akong nakakabatang kapatid mga bata palang sila. Ang nanay at tatay ay magsasaka sila. Samantala ako, heto isang driver. Buti na lang talaga napili mo ko maging driver ni Sir Rayfield Chavez." mahabang salaysay ni Geron.
Tumango-tango lang si Veronica, sa sinabi ni Geron, sa kanya. Ilang araw pa lang nagtratrabaho bilang driver si Geron, kay Rayfield. Masasabi niya na masipag at wala naman nakakarating na reklamo sa kanya galing kay Rayfied. As of now ay ok ang kinuha niyang driver.
"Masasabi ko na masipag ka. 'Di ka naman magtatagal kay Sir Rayfield, ng isang linggo kung 'di ka masipag." ngiting sabi ni Veronica, kay Geron.
"Salamat" sabi ni Geron, sobra siyang nagpapasalamat kay Veronica, dahil napili siya nito na maging personal driver ng isa sa sikat na Chavez Brothers. Malaki-laki rin ang sahod niya dito bilang driver. Sinabi iyon ni Veronica, noong ininterview siya nito.
"Ah… Geron, naniniwala ka ba na nasa performance talaga? Hindi sa sukat?" biglang tanong ni Veronica, seryoso siyang nakatingin kay Geron. Naghihintay siya sa isasagot nito. Pinipigilan lang niya na wag matawa dahil baka sabihin ng bagong driver ni Rayfield ay pinagtritripan niya ito. At totoo naman na pinagtritripan niya talaga ito.
"Huh? 'Di ko maintindihan ang tanong mo sa akin Veronica." kunot noo sabi ni Geron, 'di niya nakuha ang tanong sa kanya ng magandang binibini na kasama niya ngayon sa loob ng kotse. Nakatingin pa rin siya sa daan. Nakikinig at paminsan-minsan ay tumitingin siya kay Veronica, kapag kinakausap niya ito.
"'Di mo na gets? Ibig kong sabihin kapag nagsesex. Kung ang lalaki ay juts pero magaling sa kama. Kung daks naman ang lalaki pero tamad kumilos. Nakukuha ba talaga sa galing sa kama?" Lininaw na ni Veronica, ang tanong niya kay Geron. Gusto niya malaman kung ano ang isasagot ng isang lalaki sa tanong niya. Dahil alam naman niya ang sagot ng mga babae base sa karanasan niya. Nakukuha talaga sa performance. Lalo na kung MOA Arena ang performance ng kasex niya.
"Ah… ano 'yung juts? Tsaka 'yung daks?" tanong ni Geron, 'di niya alam ang kung anong salita 'yun.
"Juts ay maliit. Daks naman ay malaki. Ikaw ano ka ba juts o daks?" tanong ni Veronica, buti na lang ay tinanong sa kanya ni Geron, kung ano ang ibig sabihin ng juts at daks.
'Di alam ni Geron, kung sasagutin ba niya ang tanong ni Veronica, sa kanya. Para kasing nakakailang lalo na babae ang nagtanong sa kanya nito. Kung lalaki at tropa niya walang problema. Unang beses pa lang niya kasi na may natanong sa kanya ng ganun.
"Ano Geron? Juts o Daks?" pangungulit ni Veronica.
"Ah… 'Di ko alam? Hahaha!" natatawang sabi ni Geron.
"Hay naku! Bat 'di mo alam? Para kang tanga dyan! 'Di mo alam kung malaki ba ang alaga mo o maliit?" inis na sabi ni Veronica.
"Hmm… a-ayoko… nakakailang kasi 'yang tanong mo Veronica." pagtatapat na sabi ni Geron.
"Ano naman nakakailang sa tanong ko. Ah? Kasi babae ako? Hello?! Open minded naman ako. Tsaka ano ba? 'Di naman tayo mga bata." ang sabi ni Veronica, habang nakatingin pa rin siya sa bagong driver ng kanyang boss.
"H-hindi naman sa ganun." sabi ni Geron, napakamot tuloy siya ng ulo. Pasimple niyang pinunasan ang kanyang pawis sa noo.
"Bat ka pinagpapawisan? Wag mo sabihin virgin ka pa?" tanong ni Veronica, kung totoo man na virgin si Geron. Sobra siyang magugulat dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito ay impossible na 'di pa ito nakakaranas ng s*x. Si Geron, na rin ang nagsabi na nagkaroon na ito ng nobya.
"Virgin? Ibig mo bang sabihin na wala pa ako karanasan?" kunot noo tanong ni Geron.
"Oo, so… virgin ka pa?" tanong ulit ni Veronica, naiinis na siya sa kausap niya. Dahil masyado ito ma-keme.
"'Di ko alam?" sagot na naman ni Geron.
"Nakakainis ka naman Geron! Bat 'di mo na naman alam? Jusko! Wag kang mailang sa akin. Nagtatanong ako dahil gusto kong maging komportable ka sa akin. Dahil magkatrabaho na tayo no!?" palusot lang ni Veronica, ang mga sinabi niya kay Geron. Gusto lang talaga niya malaman kung virgin at kung juts o daks si Geron.
"Ok sige. 'Di ko kasi alam kung matatawag pa ba akong virgin kung n-nasubo lang 'yung a-alaga ko?" nahihiyang tanong ni Geron.
"Ah! Blowjob ba ang sinasabi mo. 50/50! 'Di ka pa pala nakakaranas ng totoong s*x?" ngising tanong ni Veronica 'di siya makapaniwala na virgin pa pala si Geron. Kaya pala halata niya na 'di ito masyadong relax kapag pinag-uusapan ang tungkol sa s*x.
"H-hindi pa." nahihiyang sagot ni Geron.
"Ay? Bakit? Diba nagkaroon ka na ng girlfriend? 'Di ba kayo nagsex?" usisa ni Veronica, normal naman sa kanya na pag-usapan ang sensitibong paksa tulad ng s*x.
"Oo, nagkaroon na ako. Pero walang nangyari sa amin. A-ayaw niya." ang sagot ni Geron, ayaw niyang sabihin kay Veronica, ang totoong rason dahil nakakahiya para sa kanya na tinanggihan talaga siya ng kanyang naging nobya. Inalok niya itong magsex sila kaso noong nakita ng kanyang dating nobya ay natakot ito dahil malaki masyado. Kaya nauwi na lang sa isang simpleng pagsubo. 'Di man nga siya masyado nag-enjoy at bitin siya noon dahil sandali lang niya naranasan na masubo. Sabi ng ex niya ay masyadong malaki ang alaga niya. Kaya simula noon ay tumatak sa isip niya na wala ng gustong makipagsex sa kanya. Kaya na focus na lang siya sa pagtulong sa pamilya niya.
Nakarating na rin sila sa wakas sa Chavez Company. Huminto ang kotseng sinasakyan nila sa mismong main entrance ng Chavez Company.
"Salamat Geron, nakakabitin ang kwentuhan natin. Sa susunod na lang natin ituloy. Ipapaalala ko lang na mamaya may meeting si Sir Rayfield, sa Lopez Company. Tatawagan kita kapag aalis na tayo. Kaya lagi kang handa ah?" ang sabi ni Veronica, na tinanguan naman siya ni Geron.
"Oo, 'di ko nakakalimutan. Salamat din." sagot ni Geron, sa tanong ni Veronica. Buti na lang talaga ay nakarating na sila. Natigil ang pagtatanong sa kanya ni Veronica.
"Good! Tatawag kita mamaya basta maging alisto ka. Sige na akyat na ako sa taas." pagpapaalam ni Veronica, binuksan na niya ang pintuan ng kotse para makababa na siya. Nagmamadali na siyang pumunta sa elevator. Buti na lang walang naghihintay na ibang tao sa elevator. Tamang-tamang ang pagdating niya sa harap ng elevator ay bumukas na ito at lumabas ang limang sakay nito. Dala-dala niya ang Chanel bag na binili niya kanina. Napatingin siya sa hawak niyang paper bag ng Chanel. Napaisip siya kung kailangan kaya siya magkakaroon ng ganitong klaseng mamahalin na bag. 'Di kasi siya nabili ni Kuya Richard, niya. Alam naman niya na kayang-kaya ng kanyang bayaw na bumili ng isang branded bag para sa kanya.
Huminto ang elevator sa 10th floor. At pumasok ang 'di inaasahang tao ni Veronica.
"Good Afternoon, po Sir Rayburn" ngiting pagbati ni Veronica.
Si Rayburn Chavez, ang kasama niya ngayon sa loob ng elevator. Ang panganay sa magkakapatid na Chavez Brothers.
Nagulat si Veronica, dahil may puting panyong ilinahad si Rayburn, sa kanya.
"Pawis na pawis ka na. Pinapagod ka yata ni Rayfield. Baka gusto mo ako pa magpunas ng pawis mo?" ang seryosong sabi ni Rayburn, habang titig na titig siya sa magandang binibining kasama niya ngayon sa loob ng elevator.
Kinuha ni Veronica, ang puting panyo. May nakaburda pa na pangalan ni Rayburn. Pasimpleng niyang inamoy ang panyong binigay sa kanya ng makisig na lalaki. Naamoy niya ang peppermint scent na pabango ni Rayburn.
"Nagustuhan mo ba ang amoy?" seryoso tanong ni Rayburn, pasimple niyang tinignan si Veronica, sa ginawa nitong pasimpleng pag-amoy sa panyong binigay niya dito.
Napatango lang si Veronica, pinunasan na niya ang pawis sa noo niya pati sa batok. Alam niyang pinagpawisan siya kanina dahil sa pagmamadali niyang makasakay sa elevator. Napansin niya na same floor lang pala ang pupuntahan niya at ni Rayburn. Dahil 'di naman ito nagpindot ng ibang floor number.
"Bumili ka ng Chanel?" tanong ni Rayburn, kanina pa niya napansin ang hawak ni Veronica, na Chanel paper bag.
"Ah? Hindi po. Pinabili lang po ni Sir Rayfield, ito para kay Mam Julia." ang sabi ni Veronica, nagulat siya sa tanong ni Rayburn, sa kanya. Sana nga ay sa kanya ang hawak niya ngayon Chanel paper bag.
"Kala ko binili mo?" ang tanong ni Rayburn.
"Naku! Sir Rayburn, masyadong mahal ito. Haha!" ang natatawang sabi ni Veronica, mahal naman talaga ang bag ng mga Chanel. Napansin at naramdaman niya na simulang pumasok sa elevator ang makisig na lalaki ay biglang uminit ang paligid 'di niya alam kung bakit? Aminado siya na sobrang lakas ng s*x appeal ni Rayburn Chavez, kumpara sa dalawang kapatid nito. Sobrang umaapaw ang s*x appeal nito. Sa suot ng makisig na lalaki ngayon ay mahahalata na maganda ang katawan nito. Sa 6 footer nitong tangkad, sa makinis na morenong balat at lalong-lalo na ang guwapong mukha nito. Lahat yata ng makakakita dito ay mapapatulala. Kung tumingin ito ay para bang nakikita niya ang kaluluwa mo. 'Di namalayan ni Veronica, na matagal pala siyang nakatingin kay Rayburn, habang pinagmamasdan niya ito.
"Nakapasa ba ako sa taste mo magandang binibini?" ngising tanong ni Rayburn.
"Ah? Eh! Sorry po sir." nahiya tuloy si Veronica, sa ginawa niya. Kung puwede lang na lumabas ng elevator ngayon ay gagawin niya sa sobrang hiyang nararamdaman niya ngayon.
"Hmm… Wala naman masama sa ginawa mo Veronica. Ok lang sa akin kung titigan mo ko buong araw." ngising sabi ni Rayburn, siya naman ang nakatingin kay Veronica, na ngayon ay nakayuko ito.
"Ah… Sorry po talaga sa ginawa ko. Nakakahiya." nakayuko siya ngayon dahil wala siyang mukhang ihaharap kay Rayburn. Sobra talaga siyang nahihiya ng mahuli siya nitong nakatingin dito. Nagulat na lang siya ng bigla na lang niya naramdaman ang kamay nito sa baba niya at dahan-dahan siya nito pinaharap.
"Wag mo itago ang kagandahan mo Veronica." ang seryosong sabi ni Rayburn, titig na titig siya kay Veronica ngayon. 'Di niya maikakaila na napakaganda naman talaga ng binibining kasama niya ngayon.
Napasingap na lang si Veronica, habang nakatingin siya kay Rayburn. Buti na lang ay narinig niyang tumunog ang elevator dahil doon ay nakahinga siya. 'Di niya namalayan na pinipigil pala niya ang kanyang paghinga.
"S-sir Rayburn, nakabukas na po ang elevator. B-baka po may makakita sa atin." pag-aalalang sabi ni Veronica, dahil 'di pa rin binibitawan ni Rayburn, ang paghawak sa kanyang mukha.
"Hayaan mo sila. Wala naman tayo ginagawa masama diba?" seryosong tanong ni Rayburn, hanggang ngayon ay kinokontrol niya ang sarili niya habang kaharap si Veronica. Isang banayad na haplos sa mukha ng magandang binibini ang ginawa niya bago siya lumabas ng elevator.
Napabuntong hininga na lang si Veronica, sa ginawa paghaplos ni Rayburn, sa mukha niya. Napapailing at natatawa na lang siya sa kanyang naiisip na mahirap maging maganda. Halos ng mga lalaking kilala niya ay parang nababaliw sa kagandahan niya. Sumunod na siya kay Rayburn, na lumabas ng elevator.
"Pupuntahan ninyo po ba si Sir Rayfield?" usisa ni Veronica, habang papunta silang dalawa sa office ni Rayfield.
"Oo, may kailangan lang ako sabihin sa kanya." sagot ni Rayburn.
Kakatok na sana muna si Veronica, ng bigla na lang binuksan ni Rayburn, ang pintuan ng office ni Rayfield.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Rayfield, sa kanyang kuya. 'Di niya inaasahan na pupuntahan siya ng kanyang Kuya Rayburn. Sigurado siyang may kailangan na naman ito kaya pinuntahan siya nito.
Ayaw ni Veronica, na makakita na naman ng isang pag-aaway ng magkapatid na Chavez kaya naman sumingit siya sa usapan.
"Excuse me, Sir Rayfield, heto na po ang pinapabili ninyo Chanel Bag." ang ngiting sabi ni Veronica, nakita niya na napakunot noo ang kanyang boss na si Rayfield.
"T-teka kaya ba 'di mo sinasagot ang tawag ko kanina dahil magkasama kayong dalawa?" seryosong tanong ni Rayfield, kay Veronica. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya tinanong na lang niya ang kanyang magandang secretary.
"Ay! Sir Rayfield, hindi po nagkasabay lang kami sa elevator." mabilis na sagot Veronica.
"Nagkita kami sa Chavez mall, kanina kaya sinamahan ko na siya sa pagbili ng regalo sa asawa mo na dapat na ikaw ang bumili" ang seryosong sabi ni Rayburn, na ikinagulat naman bunsong kapatid at lalong-lalo na si Veronica.
Kinabahan bigla si Veronica, sa sinabi ni Rayburn, sa bunsong kapatid nito. Sigurado siyang ikakainit na naman ng ulo ng boss niya ang narinig nito mula sa Kuya Rayburn, nito.
"Totoo ba ang sinasabi ni Kuya Rayburn, Veronica?" seryosong tanong ni Rayfield, hinihintay niya ngayon ang pagkumpirma ni Veronica, sa sinabi ng Kuya Rayburn niya.
Napailing lang si Veronica. "H-hindi po Sir Rayfield." 'di niya maiwasan na pagpawisan dahil sa mga sinabi ni Rayburn. 'Di niya alam kung ano bang gustong mangyari ng makisig na lalaking katabi niya ngayon. Pinunasan niya ang kanyang pawis sa noo niya gamit ang puting panyong binigay ni Rayburn, sa kanya kanina.
"Sinunggaling! Bat gamit mo ang panyo niya! Kung 'di kayo magkasama ah?! Answer me Veronica!" sigaw nj Rayfield, napatayo siya sa kanyang upuan. 'Di niya maiwasan ang makaramdam ng galit dahil nagsisingungaling ang kanyang magandang secretary. 'Di siya maaring magkamali na ang hawak na puting panyo ni Veronica, ay pagmamay-ari ng Kuya Rayburn, niya.
"Tama na Rayfield! Natatakot na sa'yo ang secretary mo." seryosong sabi ni Rayburn, napansin niya kasi na sumusobra na sa pagsigaw ng kanyang bunsong kapatid sa secretary nito. Tumingin siya sa magandang binibining katabi niya ngayon. "Sige na Veronica, maari ka na lumabas at iwan mo yang hawak mo." seryosong utos ni Rayburn.
Nagdadalawang isip naman si Veronica, kung susundin niya ang sinabi ni Rayburn, dahil napatingin siya kay Rayfield, na galit na galit na nakatingin sa kanya.
"Wag kang mag-alala Veronica, ako na bahala sa kanya" ang sabi ni Rayburn, sa magandang secretary ni Rayfield. "Baguhin mo ang ugali mo Rayfield, kaya walang nagtatagal sa'yo na secretary sa'yo noon. Pasalamat ka nagtatagal sa'yo si Veronica." pagsumbat ni Rayburn, sa bunsong kapatid nito.
"Sir Rayfield, labas na muna po ako." kahit nag-aalangan si Veronica, ay lumabas na ito sa office. Pagkasara nang pagkasara niya ng pintuan ay rinig niya ang sigawan ng magkapatid. 'Di niya maiwasan na mapabuntong hininga na lang siya.
"Ano na naman eksena 'yun?" ang tanong ni Leni.
Nagulat si Veronica, sa pagsulpot ni Leni, sa kanyang harapan.
"Ano ba yan?! Nakakagulat ka naman Leni." inis na sabi ni Veronica, pumunta na muna siya sa table niya at umupo siya sa kanyang upuan. Napagod siya sa paglalakad sa Chavez Mall at lalo siyang napagod at na stress sa mga eksena ng dalawang Chavez brothers.
"Bibihira lang pumupunta si Sir Rayburn, dito ah? Baka importante ang pinunta niya?" usisa ni Leni, sumunod siya kay Veronica, dahil gusto niyang malaman ang nangyayari ngayon. Tulad na lang na magkasamang pagdating at pagpasok ni Rayburn, at ni Veronica, sa office ng kanilang boss na si Rayfield. Kahit nakasara ang pintuan ng office ng kanilang boss ay rinig na rinig ang pagsigaw ng guwapong boss nila.
Napailing na lang si Veronica, sa kachismishan ni Leni. Sinabi na lang niya na usapang magkapatid ang nagaganap ngayon sa loob ng office. Wala siyang mood na makipagkwentuhan sa kanyang katrabahong si Leni.
"Ayy! 'Yun lang 'yun. Kala ko pa naman ano na." dismayadong sabi ni Leni.
"Oo, 'yun lang. Ano pa bang gusto mong mangyari. Sige na. Bumalik ka na sa table mo baka lumabas bigla si Sir Rayburn, makita pa tayo." ang sabi ni Veronica.
"Nga pala bat kayo magkasama ni Sir Rayburn, kanina?" usisa ni Leni.
"Ay naku! Leni, nagkasabay lang kami sa elevator. Ang chika minute mo talaga!" natatawang sabi ni Veronica.
"Talaga ba?" pangungulit ni Leni, 'di kasi siya kumbinsado sa sinabi ng katrabaho niyang si Veronica.
"Jusko! Leni, masyado kang malisyoso?" seryosong sabi ni Veronica.
"Keme lang 'yun! Anyway high way! Ang guwapo talaga at sobrang umaapaw ang s*x appeal ni Sir Rayburn." kilig na sabi ni Leni, super crush niya talaga si Rayburn Chavez.
"I know right!" kilig din na sabi ni Veronica.
"Sige na. Balik na ako pwesto ko." paalam ni Leni, na tinaguan naman ni Veronica.
Biglang na lang naalala ni Veronica, na kailangan pala niyang magreply sa text ni Dexter, sa kanya. Napapaisip talaga siya kung bakit gusto siyang makausap ni Dexter. Nagtext na lang siya na magkikita na lang sila sa Rald's Box Café main branch pagka-out niya sa trabaho. Agad naman siyang nakatanggap ng reply kay Dexter, sinabi nitong payag ito sa lugar kung saan sila magkikita. Sinabi rin niya na 'di niya isasama si Miggy. Biglang siyang napatayo ng biglang lumabas si Rayburn, mula sa office ni Rayfield.
"Wag kang mag-alala kay Rayfield, ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Pasok ka na sa loob hinahanap ka niya" ang seryosong sabi ni Rayburn.
"Sige po at salamat po Sir Rayburn, sa panyo. Balik ko na lang po kapag nalabhan ko na." ang ngiting sabi ni Veronica.
"Sa'yo na yan. Sige, una na ako." paalam ni Rayburn, kahit gusto niyang maka-usap ng matagal si Veronica, ay 'di maari dahil marami siyang ginagawa. At baka mag-alboroto na naman ang kanyang bunsong kapatid.
Kumatok na muna si Veronica, bago ito pumasok sa loob ng office ni Rayfield.
"Ipinaliwanag na sa akin ni Kuya Rayburn, ang lahat. Sorry kung nasigawan kita kanina. Anyway 'yung reservation sa Ralds Box Café, ok na ba?" ang sabi ni Rayfield, habang nakatingin siya sa magandang secretary nito.
"Opo, Sir Rayfield, 8pm sa main branch ng Rald's Box Café" ang sagot naman ni Veronica.
"Sinabi mo na rin ba sa Café 'yung mga menu na sinabi ko sa'yo? Lalo na 'yung tuna carbonara favorite ni Julia 'yun" seryosong sabi ni Rayfield, anniversay nila ng asawa niyang si Julia Cortez Chavez, ngayon. Gusto lang niyang maging ok ang lahat. Bihira lang siyang mag-effort sa kanyang asawa dahil na rin busy siya sa trabaho.
"Opo, Sir Rayfield, naka set na po lahat na double check ko na rin po dahil tinawagan ko sila kanina bago ako pumunta sa Chavez Mall" pagsisiguradong sabi ni Veronica, mahirap na pumalpak. Ito ang ikalimang pagkakataon na siya ang nag-organize sa anniversary nila Rayfield, at asawa nitong si Julia Cortez.
"Good! Tawagan mo na si Geron, at ihanda ang kotse. Punta na tayo sa Lopez Company, para matapos na para maaga rin tayong makauwi." utos ni Rayfield, gusto niya makapagpahinga ngayon para mamayang gabi ay may lakas siya. Napangiti na lang siya sa kanyang naiisip.
Tinawagan na ni Veronica, si Geron, para ihanda na nito ang kotse ng boss nila na si Rayfield. Inihanda na rin niya ang kailangan na dadahil mga papeles para sa appointment ng kanyang boss kay Mr. Lopez. Dinala na rin niya ang Chanel bag. Dahil pagkatapos ng meeting kay Mr. Lopez at diretso ng uuwi ang kanyang boss sa bahay nito. Natuwa siyang malaman na maaga na naman siyang makakauwi. At tamang-tama dahil magkikita sila ni Dexter, mamaya. Kilala niya si Rayfield, ayaw na ayaw nito nagtatagal ang isang meeting. Naboboring daw ito. Sumakay na sila elevator. Hawak niya ang Chanel paper bag dala na rin niya ang kanyang shoulder bag pati na rin ang mga mahahalagang papels na kailangan ng kanyang boss mamaya.