Just Another Woman
Chapter 4 3.1
"Kamusta naman ang weekend mo Veronica?! Fresh ka na naman ah?" usisa ni Leni, kay Veronica, habang kumakain sila sa may canteen.
"Always fresh naman ako Leni. Ok naman, walang masyadong ganap" ang sagot ni Veronica.
Ayaw niyang magkwento kay Leni, kahit kaibigan niya ito ay 'di niya ito pinagkakatiwalaan. Mahirap siyang magtiwala sa mga 'di niya lubos na kakilala. Speaking of pagkakatiwalaan. 'Di niya inaasahan na magiging kaibigan niya si Dexter Wang, ang boyfriend ni Miggy Tolentino. Noong isang araw lang 'di niya inaasahan na makikita niya sila Dexter, at Miggy, sa Chavez Mall.
_________________________
Habang naglalakad si Veronica, sa Chavez Mall. Papunta siya ngayon sa Chanel store dahil inutusan siya ng kanyang boss na si Rayfield Chavez, na bumili ng regalo. Titingin siya ng magandang bag doon. Para ipangregalo ni Rayfield, sa mismong asawa nitong si Julia Cortez Chavez. Ibinigay na muna sa kanya ni Rayfield ang mismong personal credit card nito.
"Veronica!"
Sa sobrang dami ng mga tao ngayon sa mall ay 'di na pinansin ni Veronica, ang tumawag sa kanyang pangalan. Naisip niya na baka kapangalan lang niya iyon. Nagmamadali rin kasi siya. Baka mapagalitan siya ng kanyang guwapong boss kapag nagtagal siya sa Chavez Mall.
"Veronica!"
Narinig naman ulit ni Veronica, ang kanyang pangalan. Naiinis na siya kaya hinanap na niya ang tumatawag sa kanyang pangalan.
"Veronica dito!"
Parang tanga siya kakahanap kung sino ang tumatawag sa kanya. Lumingon siya sa kaliwa, lumingon sa kanan, sa likod ay sa wakas ay nakita na niya kung sino ang tumatawag sa kanyang pangalan. Patakbong lumalapit ang dalawang guwapong lalaki sa kanya. Ang isa roon ay isang matangkad na chinitong lalaki samantala ang isa naman ay matangkad na mestisong lalaki. Si Miggy, pala ang tumatawag sa kanya kasama niya ang kanyang boyfriend na si Dexter, na hila-hila niya sa kamay patakbong papalapit sa kanya.
"V-veronica, ang snob mo ah!? " pabirong sabi ni Miggy, hinihingal siya sa kakahabol sa magandang binibining kausap niya ngayon. Pati na rin ang kanyang boyfriend na si Dexter, ay hinihingal rin sa kakatakbo.
"Naku! Pasensya na kayo. Kala ko kasi 'di ako ang tinatawag. Oh? Kamusta na kayong dalawa Miggy, at Dexter?" ang sabi ni Veronica, siya pala ang tinatawag. Kala niya kasi kapangalan lang niya ang tinatawag. At 'di niya inaasahan na makikita niya sila Miggy, at Dexter, dito sa Chavez Mall. Bigla siyang napatingin kay Dexter, na seryosong nakatingin sa kanya.
"'Di mo naman dapat ako hilain Miggy." reklamong sabi ni Dexter, hiningal siya sa kakatakbo ng bigla siyang hilain ng kanyang boyfriend. Akala niya napaano na si Miggy, dahil bigla siya nitong hinila. 'Yun pala nakita lang pala nito si Veronica.
"Sorry naman baby na excite lang ako makita ulit si Veronica!" masayang sabi ni Miggy.
"Nakauwi na pala kayo galing Japan?" biglang tanong ni Veronica, sa magkasintahan.
Napakunot noo si Miggy.
"Huh? Paano mo nalaman na nagpunta kami sa Japan?" kunot noo tanong ni Miggy, nakatingin siya kay Veronica, at naghihintay siya ng sagot sa tanong niya.
"Ah?! Nakita ko lang 'yung mga photos na naka-upload sa f*******: account ni Monica. Magkasama pala kayo sa Japan?" ngiting sabi ni Veronica, napatingin siya kay Dexter, na seryoso pa rin nakatingin sa kanya. Para bang sinasabi niya na mag-iingat siya sa mga sinasabi niya kay Miggy. Sa totoo lang nakita niya talaga 'yung mga litrato nila Miggy. 'Di naman niya ito sinasadyang makita sa f*******: niya habang nagscroll siya ng scroll ay nakita niya yung mga litrato nila Monica, at Joven. Kasama nga sila Miggy, at Dexter.
"Oo, magkasama kami. Pero syempre magkaiba kami ng kuwarto haha!! Tsaka sa Tokyo, lang kami nagkasama. Naiwan kami dahil pumunta sila sa Osaka, kami sa Tokyo, lang talaga" ang ngiting sabi ni Miggy.
"Hmm… Ganun ba. Sana makapunta rin ako sa Japan. Nga pala una na ako kasi inutusan lang ako ng boss ko." pagpaaalam ni Veronica, baka mapakwento pa siya kina Miggy.
"Saan ka ba papunta ngayon? Samahan ka na namin?" alok ni Miggy, napakunot naman ang kasama niyang si Dexter.
"Baby, akala ko ba gusto mo ng umuwi?" seryosong tanong ni Dexter, nainis siya dahil 'di naman nila kailangan samahan si Veronica, kung saan man ito papunta. Kanina lang ay nag-aaya na si Miggy, sa kanya na umuwi. Ngayon bigla-bigla na lang ito nagbago ng isip.
"Sige na baby samahan na natin si Veronica?" pagpupumilit na pakiusap ni Miggy, sa kanyang boyfriend.
"Bahala ka! Kanina lang nag-aaya ka na umuwi. 'Di naman natin kailangan samahan si Veronica, 'di na bata yan" inis na sabi ni Dexter.
"Baby, naman wag naman ganyan. Veronica, saan ka ba papunta ngayon?" tanong ni Miggy, hinawakan niya ang kamay ng kanyang chinitong boyfriend para tumahimik na ito. Alam naman niyang siya pa rin ang masusunod sa kanilang dalawa. Gusto lang talaga niya samahan si Veronica, at gusto niya rin makipagkwentuhan dito.
"Sa Chanel, nagpapabili ng bag ang boss ko." sagot ni Veronica, 'di na niya pinansin ang sinabi ni Dexter. Siguro ganyan talaga ang ugali ng chinitong lalaki kaharap niya masungit at kung magsalita ay taklesa. Kung puwede lang niya itong sagutin sa sinabi nito gagawin niya eh. Pero syempre 'di puwede dahil kasama nila si Miggy, at may utang na loob siya kay Dexter.
"Wow! Chanel bag pala pinapabili ng boss mo Veronica? Sama na kami?! Gusto ko rin pumunta sa store na 'yun." excited na sabi ni Miggy, lihim naman siyang napangiti dahil 'di na kumontra ang kanyang boyfriend na si Dexter.
Nagkwentuhan sila Veronica, at Dexter. Habang papunta sila sa Chanel Store. Samantala nasa likod lang si Dexter, na tahimik na sumusunod sa dalawa niyang kasama. Wala siyang mood makipagkwentuhan. Gusto lang niya ngayon ay makauwi at makapagpahinga.
"Maganda ba sa Tokyo?" usisa ni Veronica, pangarap niyang makapagbiyahe sa ibang bansa. Isa sa gusto niyang puntahan ay ang Tokyo, Japan.
"Oo, sobrang ganda! First time namin makapunta doon. 'Di na rin kami nakasama sa Osaka, dahil kailangan na namin umuwi dahil sa trabaho." ngiting sabi ni Miggy, habang nakatingin sa magandang binibining kasama niya ngayon.
"Gusto ko talaga pumunta sa Japan. Pero gusto ko kapag pupunta ako roon kasama ko ang special someone ko." nangangarap na sabi Veronica, 'di lang niya gusto makapunta sa Japan, na siya lang gusto niya may kasama ito. Napangiti na lang siya, ng maalala niya ang isang special na lalaki sa kanyang buhay.
"Masarap talaga na kasama mo ang special someone mo kapag nagtratravel ka lalo na sa ibang bansa. 'Di ba baby?" saad ni Miggy, napatingin siya sa kanyang tabi, para tignan si Dexter, ngunit wala sa tabi niya ang kanyang boyfriend. Nasa likod pala nila ito. "Baby, ano ginagawa mo dyan? Dito ka nga sa tabi ko." inabot niya ang kanyang kamay kay Dexter, at malugod naman itong tinanggap ng kanyang chinitong kasintahan.
"Nandito na tayo." ang sabi ni Veronica, nasa harapan na sila ng Chanel Store.
"Dito na lang ako sa labas baby. Hintayin ko na lang kayo dito." ngiting sabi ni Dexter.
"Ayaw mo pumasok?" tanong ni Miggy, umiling lang si Dexter.
"Sige na pasok na kayo sa loob." sabi ni Dexter.
"Ok! Tara na Veronica." excited na sabi ni Miggy, kinuha pa niya ang malambot na kamay ng magandang binibini kasama niya ngayon at sabay na sila pumasok sa loob.
Nabigla naman si Veronica, sa ginawang paghawak ni Miggy, sa kanyang kamay. Kanina pa niya napapansin na sobrang sweet at malambing ang mestisong binata kasama niya lalo na sa boyfriend nitong chinitong lalaki na nasa labas ngayon ng Chanel Store. Narinig niyang bigla na tumunog ang kanyang cellphone. Sigurado siyang si Rayfield, ang guwapo ngunit masungit na boss nito ang tumatawag. Tinignan niya ito kung sino ang tumatawag. 'Di nga siya nagkamali si Rayfield, ang tumatawag sa kanya.
"'Di mo ba sasagutin ang tawag sa'yo?" usisa ni Miggy, nakatingin siya kay Veronica.
"'Yung boss ko ang tumatawag. Hayaan mo siya. Sigurado akong hinahanap na ako nito." sagot ni Veronica, ayaw niyang sagutin ang tawag sigurado siyang sisigawan na naman siya nito.
Nagtingin-tingin na si Veronica, sa mga magagandang bag ng Chanel. Lahat ay magaganda. Naisip nga siya kung may pera lang siya bibili rin siya kahit isa lang. Naagaw ang pansin niya ang isang royal blue na shoulder bag Chanel. 'Di na siya nagdalawang isip na 'yun na ang kukunin niya.
"Wow! Ganda ng napili mo Veronica, siguradong magugustuhan yan ng boss mo" ang sabi ni Miggy, habang nakatingin siya sa hawak ni Veronica, na royal blue shoulder bag.
"'Di sa boss ko ito. Sa asawa niya. Inutusan kasi niya ako na bumili ng bag pang-regalo sa asawa niya." ang ngiting sabi ni Veronica, 'di niya maalis-alis ang kanyang mata sa hawak niyang shoulder bag.
"Saan ka nga pala nagtratrabaho?" tanong ni Miggy.
"Sa Chavez Group of Company Inc." sagot ni Veronica, sa tanong ni Miggy, sa kanya.
"Wow! Talaga? Edi, nakikita mo ang Chavez Brothers?!" biglang na excite si Miggy, dahil nalaman niyang nagtratrabaho pala si Veronica, sa Chavez Company. Gusto rin niyang malaman tungkol sa Chavez Brothers. Sobra ang paghanga niya sa tatlong kakapatid bukod sa successfull na career. Sikat ang tatlong magkakapatid na Chavez bilang isang modelo. Lalo na si Rayford Chavez, sobra niya itong crush.
"Oo, pero 'di ko nakikita araw-araw sila Rayburn, at Rayford. Pero si Rayfield Chavez, ay araw-araw ko siya nakikita dahil personal secretary niya ako." saad ni Veronica, may lumapit sa kanilang isang sales lady mula sa Chanel Store. Sinabihan niya ito na kukunin na niya ang shoulder bag. Inassit sila ng sales lady papunta sa cashier. 'Di na rin nila tinanggap ang fresh orange juice galing sa Chanel store manager. Lahat kasi na pumupunta dito sa Chanel Store sa Chavez Mall may libre talagang fresh orange juice ang mga bawat guest o customer ng Chanel Store.
"Aaahhh… Ang swerte mo naman Veronica, araw-araw mo nakikita ang bunso sa magkakapatid na Chavez, na si Rayfield Chavez." manghang sabi ni Miggy, naiingit tuloy siya kay Veronica, ngayon.
Napakamot na lang sa ulo si Veronica, 'di niya masasabi kung swerte ba siya dahil araw-araw niya nakikita si Rayfield, 'di naman sa nagrereklamo, minsan kasi nasisigawan siya kapag mainit ang ulo nito. Sa limang taon niya pagtratrabaho niya sa Chavez Company, at bilang personal assistant ni Rayfield, ay sanay na siya dito. Kapag may topak ang kanyang guwapo ngunit masungit na boss.
"Alam mo kahit may boyfriend na ako. Crush ko talaga si Rayford Chavez, napanuod ko na siya sa isang underwear fashion." sabi ni Miggy, 'di niya maitago ang paghanga kay Rayford Chavez.
Natutuwa si Veronica, sa mga sinasabi sa kanya ni Miggy. 'Di talaga mahahalata ang mesitong binata na kasama niya na isa pala itong l***q+. Sa guwapo, tangkad at ganda ng katawan 'di mo mahahalata o mapapansin na isa itong l***q+ lalo na sa pagsasalita at kilos. Kinuha na ni Veronica, ang personal credit card ni Rayfield, sa kanyang wallet na nakalagay sa kanyang white shoulder bag. Ibinigay niya ito sa cashier para bayaran na niya ang napili niyang royal blue shoulder bag Chanel. Ito ang kaparehong bag na gusto niyang pasalubong sa kanyang bayaw na si Richard. Napangiti na lang siya ng maalala niya ang nangyari noong nakaraan gabi. Kung saan kitang-kita niya ang alaga ng bayaw niya. Buti na lang ay 'di siya napansin ng Kuya Richard, niya na nasa ilalim siya ng lamesa. Hanggang ngayon ay napapaisip siya bat, nakahubad at matigas ang alaga ng bayaw niya noong gabi na 'yun. Unang beses niyang makita na ganun ang itsura ng kanyang bayaw. 'Di niya maiwasan na mapangiti talaga kapag naalala niya ang pangyari na 'yun.
Aminado si Veronica, na lalong nag-init ang kanyang katawan noong malapitan na niya nakita ang alaga ng Kuya Richard, niya. Tuwing nakikita niya ang kanyang bayaw parang nakikita niya itong nakahubad. Napapailing na lang siya. Sa kanyang naiisip tungkol sa kanyang bayaw.
"Veronica, ayos ka lang ba?" kunot noo tanong ni Miggy, dahil napansin niya ang kasama niyang magandang binibini na napapangiti at bigla na lang ito napapailing.
"Pasensya na. May naalala lang ako hahaha" natatawang sagot ni Veronica, 'di niya napansin na nakatingin pala si Miggy, sa kanya. Nakuha na rin niya ang biniling bag sa Chanel store. Palabas na sila ng salubungin sila ni Dexter.
"Oh? Nakabili na ba kayo?" ang tanong ni Dexter, naiinip na kasi siya kakahintay sa labas kaya pumasok na siya sa loob para ayain na si Miggy, na umuwi. Nakakaramdam na kasi siya ng pagod. Gusto na talaga niya umuwi.
"'Di naman ako bumili. Sinamahan ko lang si Veronica." sabi ni Miggy, lumapit siya sa kanyang chinitong boyfriend at wala siyang hiya na yakapin ito sa pampublikong lugar. Marami tuloy nakatingin sa kanilang dalawa. Pero wala silang pakialam. Sanay naman silang ginagawa ang ganun bagay sa maraming tao.
"Salamat sa pagsama sa akin. Lalo ka na Miggy, alam kong nakakabitin ang kwentuhan natin. Kailangan ko na kasi bumalik sa trabaho." ngiting sabi ni Veronica, totoong nag-enjoy siya sa pakikipagkwentuhan kay Miggy. Kailangan lang talaga niya bumalik dahil sigurado siyang kanina pa siya hinahanap ni Rayfield.
"Next time dapat mahaba-habang kwentuhan na. Ok lang ba na kunin namin ang number mo. Para tawagan o text ka na lang namin kapag may lakad kami sama ka." masayang sabi ni Miggy, bumitaw na siya sa pagkakayakap niya kay Dexter
Nagpaalam na si Veronica, kina Miggy, at Dexter. Habang papunta siya sa may entrance ng mall ay nagtext siya kay Geron, ang bagong driver ng kanyang boss. Pinaalam niya dito na tapos na siyang bumili ng pangregalo. Sinabihan din niya ito na sa may entrance ng mall na lang siya maghihintay. Para 'di na rin siya mapagod pagpunta sa parking area. Kung pupunta siya doon ay medyo malayo-layo lalakarin niya bago siya makarating doon. Habang naghihintay siya sa pagdating ni Geron, nagcheck na muna siya ng kanyang cellphone. 'Di na siya nagulat ng makita niya na maraming missed called si Rayfield, sa kanya. Ibabalik na sana niya ang kanyang cellphone sa shoulder bag bigla itong tumunog. Tumatawag na naman ang kanyang boss. Mamaya na lang niya ito sasagutin. Importante ngayon ay makabalik siya agad sa office. Buti na lang pinagamit ng kanyang boss ang sarili nitong kotse. Akala niya kanina ay kailangan na naman niya mag book ng grab papunta sa Chavez Mall. Napansin niya na paparating na ang kotse ng kanyang boss kung saan nasa loob na 'yun ang bagong driver ng boss niya na si Geron. Huminto ito sa tapat niya na agad naman siya sumakay. Dahil sobrang init sa labas ng mall.
"Miss Veronica, kamusta na po. Kanina pa po tumatawag sa akin si Sir Rayfield, tinatanong po kayo. 'Di ko naman po alam ang isasagot ko po kasi 'di ko po alam kung saan na po kayo. Kaya nasigawan niya po ako kanina." mahabang salaysay ni Geron, 'di niya talaga alam kung nasaan na si Veronica, nagtext na siya dito pero 'di man nagrereply. Gusto niya man na tawagan si Veronica, ngunit wala naman siyang pantawag.
"Naku! Hayaan mo lang si Sir Rayfield, tsaka wag mong dibdibin ang mga sigaw o sermon niya sa'yo. Masasanay ka rin." ang sabi ni Veronica, habang nakatingin siya sa guwapong mukha ni Geron, na abala sa pamamaneho ng kotse.
"B-baka po kasi tanggalin niya ako sa trabaho. Kailangan na kailangan ko po kasi ngayon magtrabaho para sa pamilya ko Miss Veronica." ang sabi ni Geron, kahit nakikipag-usap siya sa magandang binibining kasama niya ngayon sa loob ng kotse ay focus pa rin siya sa pamamaneho niya. Sa edad niyang bente uno. Bata palang ay namulat na siya sa kahirapan. Sa murang edad niya ay nagtratrabaho na siya ng iba't- ibang klaseng trabaho. Nandyan na pumasok siya kargador sa pier, basurero at tindero sa palengke. Naging driver din siya ng jeepney. Natuto siya magdrive dahil tinuruan siya ng kanyang kuya. Kaya heto siya ngayon isang ganap na liscensyadong driver.
"Basta pagbutihin mo lang ang trababo mo." ang ngiting sabi ni Veronica, talaga guwapo ang napili niyang bagong driver ni Rayfield. Siya mismo ang naghanap ng bagong driver ng kanyang boss dahil bigla kasi nagkasakit ang dating driver ni Rayfield. Naisip nga niya ang kanyang Kuya Richard, kaso ang kailangan ng kanyang boss ay fulltime driver. Tatlo o apat na buwan lang kasi ang bakasyon ng kanyang bayaw.
Kinuha ulit ni Veronica, ang kanyang cellphone dahil tumutunog na naman ito. Tumatawag na naman sa kanya si Rayfield. Sasagutin na sana niya ng biglang naging missed called na lang ito. Nakita niya na may mga text messages din siyang natanggap. Nagulat pa siya sa isang text message dahil galing ito kay Dexter Wang.
"Can we talk? - Dexter."
Bigla kinabahan si Veronica, sa kanyang nabasa. 'Di niya alam kung ano ang gustong pag-usapan ni Dexter.
"Miss Veronica, mabuti pa po kung tawagan niyo na po si Sir Rayfield. Baka po kasi lalo magalit 'yun" pakiusap ni Geron. Sa totoo lang ay natatakot siya sa kanyang boss na si Rayfield Chavez.
"Haayy… Wag ka matakot doon. Ganun talaga ang boss natin. Guwapo ngunit masungit. Sige tatawagan ko na siya." sabi ni Veronica, natatawa siya dahil halatang takot si Geron, sa boss nila na si Rayfield. Tinawagan na niya ang kanilang guwapong ngunit masungit na boss. Mamaya na lang siya magrereply kay Dexter.
"Hello? Sir Rayfield?"
"Bat 'di mo sinasagot ang mga tawag ko sa'yo?" sigaw sa kanya ni Rayfield.
Medyo inilayo ni Veonica, sa kanyang tenga ang hawak niyang cellphone. Sobra lakas at pasigaw na nagsalita si Rayfield. 'Di na siya nagulat na ganun agad ang bubungad sa kanya ng tawagan niya ang kanyang boss. Napatingin tuloy si Geron, sa kanya. Ngumiti na kang siya dito.
"Ah? Pasensya na po Sir Rayfield. Marami po kasi tao kanina sa mall at maingay 'di ko po narinig ang cellphone ko. Nakabili na po ako ng pinapabili ninyo pong regalo kay Mam Julia." mahinahon na sabi ni Veronica, 'di naman niya puwede sigawan ang kanyang boss kahit na minsan ay gustong-gusto na niya ito sigawan.
"Wala akong pakialam kung maraming tao sa mall! Ang gusto ko kapag tumatawag ako sa'yo ay agad mo ito sinasagot! Nakailang tawag na ako sa'yo!" galit na sigaw ni Rayfield.
"Pasensya na po ulit kayo Sir Rayfield. Malapit na po kami makabalik sir." ang sabi ni Veronica, naputol na ang linya ng tawag niya kay Rayfield. Napailing na lang siya. Sumakit ang tenga niya sa kakasigaw sa kanya ng guwapo boss.
"Ganun po ba talaga ugali ni Sir Rayfield?" biglang tanong sa kanya ni Geron.
Napatingin at napakunot noo si Veronica, sa tanong sa kanya ni Geron.
"Ang ibig ko pong sabihin Miss Veronica, lagi po bang sumisigaw at mainit ang ulo ni Sir Rayfield" ang tanong ni Geron, gusto lang niya malaman ang ugali ng kanyang boss.
Bigla na lang napatawa si Veronica, sa sinabi ni Geron, sa kanya.
"Una sa lahat alisin mo ang salitang "po" kapag nakikiusap ka sa akin. Sa ganda at sexy ko mukha na ba ako matanda. Tsaka 'di naman nagkakalayo ang edad nating dalawa" ang sabi ni Veronica, naasiwa siya kapag kinakausap siya ni Geron, na may "po" para bang ang tanda-tanda na niya.
Napatingin si Geron, sa magandang binibining kasama niya ngayon. Talaga tama naman ang sinabi sa kanya ni Veronica, maganda at sobrang sexy nito. Sa totoo lang ay may crush siya dito ngunit wala siyang panahon na manligaw o magka-nobya ngayon. Kailangan niya kasi tumulong sa pamilya niya sa probinsya.
"Sorry p-po este sorry Veronica." naghihiyang sabi ni Geron.
"Hmm… matanong nga kita Geron, mukha na ba ako matanda?" tanong ni Veronica, gusto niyang lokohin si Geron, nasa mood siya man trio. Medyo matagal pa sila makakabalik sa opisina. 'Di naman totoo ang sinabi niya sa kanyang boss na malapit na sila. Kung magtatanong ito kung bakit matagal silang nakabalik ay sasabihin na lang niya na traffic sila.
"O-oh!? O-oo, naman maganda kayo po. Ah?! H-hindi ang ibig kong sabihin ay maganda ka at 'di ka naman mukhang matanda" nauutal na si Geron, dahil medyo lumapit sa kanya ang magandang binibini na kitang-kita niya ang clevage sa suot nito. Bigla siyang pinagpawisan kahit malakas naman ang buga ng aircon ng kotse.
"Para kang sira dyan Geron, bakit ka nauutal? Nagtatanong lang naman ako sa'yo?" mapang-akit na sabi ni Veronica, medyo lumapit siya kay Geron. Natatawa na lang siya sa kanyang ginagawang pangtritrip sa bagong driver ng kanyang boss.