Chapter 3 4.4

3272 Words
Just Another Woman Chapter 3 4.4 " Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan 'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Sadyang mapaglaro itong mundo Kinalimutan kahit nahihirapan Para sa sariling kapakanan Kinalimutan kahit nahihirapan Mga oras na hindi na mababalikan Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Puso natin ay hindi sa isa't isa Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama Ang tamis ng iyong halik ay 'di na madarama Pangako sa isa't isa ay 'di na mabubuhay pa Paalam sa 'ting pag-ibig na minsa'y pinag-isa Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Sadyang mapaglaro itong mundo Kinalimutan kahit nahihirapan Para sa sariling kapakanan Kinalimutan kahit nahihirapan Mga oras na hindi na mababalikan Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Puso natin ay hindi sa isa't isa Kinalimutan kahit nahihirapan Para sa sariling kapakanan Kinalimutan kahit nahihirapan Pag-ibig na ating sinayang Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Hanggang dito na lang tayo Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana Puso natin ay hindi sa isa't-isa "  Isang malakas na palakpakan ang narinig ni Kokoy, napatingin siya sa mga taong nakapalibot sa kanila ngayon. Nabigla naman siya dahil sa isang mahigpit na yakap ang naramdam niya mula sa kanyang kaibigan na si Roy.  "Galing mo talaga pare!" pagmamalaking sabi ni Roy, 'di niya maiwasan na yakapin ang kanyang matalik na kaibigan dahil sobra siyang proud dito.  "Tuloy-tuloy mo lang yan Kokoy, malayo ang mararating mo" ang ngiting sabi naman ni Mang Tando.  Samantalang natahimik lang sila Veronica, at Matteo, sa kinanta ni Kokoy, para sa kanilang dalawa.  "Oh! Bago kayo mag-alisan bumili muna kayo ng ihaw-ihaw kay Mang Tando." ang sabi ni Kokoy.  "Ano pareng Matteo, ok ba ang kanta ni Kokoy, para sa inyong dalawa 'yun" ngising tanong ni Roy.  "Uy! Katok ka nga kayo! Wag naman sana!" ngiting sabi ni Matteo, 'di niya matatanggi na natamaan siya sa pagkanta ni Kokoy kanina.  Habang hinihintay nila ang inorder nilang isaw, dugo at paa ng manok kay Mang Tando. Napapaisip si Veronica, pinakinggan niya mabuti ang kanta ni Kokoy kanina at mukhang tama nga ang mga bawat lyrics sa kanta. Pasimpleng siyang tumingin kay Matteo, habang masayang nakikipagkwentuhan kina Kokoy, at Roy. Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit 'di niya masagot sagot si Matteo. Aminado siyang lahat ng hinahanap ng mga babae ay na kay Matteo, na. Siguro dahil may nauna nang nagpatibok sa kanyang puso. Isang lalaking tulad din kay Matteo, guwapo, maganda rin ang katawan, makarisma, at umaapaw na s*x appeal. 'Di nga lang siya sigurado kung gentleman ito pero ang mahalaga ay mahal niya ang lalaki na 'yun. Ngunit may isa nga lang problema. May asawa na ang lalaking mahal niya. Isang lalaking malabong ma-solo niya. "Veronica, kamusta ka na?" ang ngiting tanong ni Mang Tando. "Ah?! Ok naman Mang Tando." medyo nagulat siya dahil sa pagsasalita ni Mang Tando. 'Di niya namalayan na nakatulala siyang nakatingin kay Matteo.  "Payo ko lang sa'yo. Wag mo ng matagalin ang panliligaw sa'yo ni Matteo. Ibig kong sabihin kung wala ka talaga nararamdaman sa kanya sabihin mo na agad para na rin 'di na umasa ng matagal si Matteo" ang ngiting sabi ni Mang Tando, kay Veronica.  Nabigla naman si Veronica, sa sinabi sa kanya ni Mang Tando, napatingin siya kay Matteo, nakikipagkwentuhan pa rin ito kina Roy, at Kokoy.  "Uy! Veronica! Tara na! Nakatulala ka na naman sa kagwapuhan ko." ang pagmamayabang na sabi ni Matteo.  "May iniisip lang ako. Tara na nga" ang ngiting sabi ni Veronica, 'di niya namalayan na nakalapit na pala si Matteo, sa kanya at kinuha ang hawak niyang order kay Mang Tando. Nagpaalam sila kina Kokoy at Roy.  "Ako na dyan sa hawak mo. Ayoko nahihirapan ka. Teka? Ako ba ang iniisip mo" ang pabirong tanong ni Matteo. "Hmm… Oo, Ikaw nga" ang sabi ni Veronica, habang nakatingin siyang seryoso kay Matteo, na ikinagulat naman nito.  "Wow talaga?! Bakit naman" 'di makapaniwala si Matteo, na siya ang iniisip ni Veronica, ngayon.  Nakalayo na silang dalawa sa ihaw-ihaw ni Mang Tando. Pabalik na sila sa bahay.  Mabagal lang silang naglalakad sa ilalim ng puting buwan. Wala na ang batang naglalaro sa tabing kalsada. Lumalalim na rin ang gabi.  "Hmmm…. Iniisip ko bakit hindi na lang ikaw. Bakit sa iba pa. Sana ikaw na lang. Pero hindi na puwede Matteo." ang madamdamin pahayag ni Veronica. Patuloy pa rin sila sa paglalakad.  "Bat hindi na lang ako?" 'di naman manhid si Matteo, upang 'di maintindihan ang sinabi ni Veronica, sa kanya. Huminto sa paglalakad si Veronica, tumingin siya sa guwapong mukha ni Matteo. Ngayon ay nakatingin sila sa isa't-isa.  "H-hindi na puwede Matteo." ang pag-amin ni Veronica. "Edi, busted na pala ako sa'yo?" birong tanong ni Matteo, kay Veronica.  "'Di kita deserve Matteo. Alam naman natin na maraming nagkakagusto sa'yo. Sino nga ba 'di magkakagusto sa isang tulad mo Matteo. Lahat yata ng mga babae pati mga bakla gusto ka nila maging boyfriend o maging asawa" ang sabi ni Veronica, habang titig na titig siya kay Matteo.  "B-bat mo naman nasabi yan Veronica? Kahit na maraming nagkakagusto o nagpapansin sa akin. Ikaw lang 'yung gusto kong makasama habang buhay." pinipigilan ni Matteo, ang kanyang nararamdaman. Ngayon ay sobra siyang nasasaktan sa mga naririnig niya kay Veronica, ngunit 'di niya ito pinapahalata. "'Yun ang problema Matteo. Masyado kang nagfocus sa akin. Sabi ko nga sa'yo 'di ako karapat-dapat sa'yo. Naguguilty ako dahil masyado ko pinatagal 'yung panliligaw mo sa akin. Para bang kinulong kita. Nasasayang ang oras at panahon mo sa akin." 'di alam ni Veronica, bat siya napapaluha sa mga sinabi niya kay Matteo. Alam niyang nasasaktan niya ang makisig na binatang kasama niya ngayon. Nasimulan na niya ito kailangan lang niyang tapusin. Kailangan niyang tibayin at lakasan ang loob niya. "Veronica, wag kang mag-isip ng ganyan." pinunasan ni Matteo, ang mga luha ni Veronica, gamit ang kanyang kamay. "Hindi mo ko naiintindihan. Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo Matteo, dahil sa matiyaga at masipag sa panliligaw mo sa akin. Napaka-gentleman mo nirerespeto mo ako bilang isang babae at 'di naman ako manhid para di maramdaman ang pagmamahal mo sa akin" ang naluluhang sabi ni Veronica, 'di na talaga niya mapigilan ang kanyang mga luha na lumabas sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya ngayon para kay Matteo, pero mabuti na rin ito para 'di na lalo masaktan ang makisig na binata kung papatagalin niya ang panliligaw nito sa kanya mas lalo lang itong masasaktan. Isang mainit at puno ng pagmamahal ang naramdaman ni Veronica, sa mahigpit na yakap sa kanya ni Matteo. Lalong siyang napaiyak sa pagkayakap sa kanya ng makisig na binata.  "Veronica, bat ka umiiyak. D-dapat nga ako ang umiiyak ngayon" pagbibirong sabi ni Matteo, dinadaan na lang niya sa biro ang lahat ng kanyang nararamdaman na sakit ngayon.  "Alam ko Matteo, nasaktan kita ngayon. Pero mas mabuti na ginawa ko na ito ngayon kaysa naman umasa ka at maghintay ka pa ng matagal sa akin." sabi ni Veronica, habang pinupunasan niya ang luha niya dahil sa pag-iyak. Kumalas na siya sa pagkayayakap kay Matteo. Isang matamis na ngiti ang kanyang nakita sa mukha ng makisig na binata.  "Mahal kita Veronica. 'Di na magbabago 'yun kahit na busted na ako hahaha! Kaibigan naman kita simula't sapol di ba? Kaya friends pa rin sana tayo. Tama nga sinabi nila Pareng Roy, na pinagtagpo tayo pero 'di tayo tinadhana." ang ngiting sabi ni Matteo, sa kabila ng kanyang matamis na ngiti sa kanyang mukha ay ang sobrang sakit naman ang nararamdaman ng kanyang puso. "I'm so sorry Matteo." madamdamin na sabi ni Veronica, nakakaramdam siya ng guilty dahil sa ginawa niya ngayon kay Matteo. Pero mabuti na rin na ginawa niya ito ngayon para 'di na maghintay sa kanya si Matteo. 'Di talaga niya deserve ang makisig na binatang kasama niya ngayon.  "Hey! Cheer up Veronica! Napakaswerte naman ng lalaking mamahalin mo. Kung sino man 'yun sana mahalin, alagaan at maging tapat sa'yo 'yung lalaki 'yun. At maging masaya ka sa kanya." ngiting sabi ni Matteo, totoo ang sinabi niya ngayon kay Veronica, galing ito sa kanyang puso. Masakit man pero kailangan niya tanggapin. Masyadong natamaan si Veronica, sa sinabi ni Matteo, sa kanya. Sinabihan pa siyang ayusin ang sarili niya dahil malapit na sila makarating sa bahay.  "Baka sabihin nila Ate Vanessa, at Vincent, na pinaiyak kita. Baka mabugbog ako sa wala sa oras. Sayang naman ang guwapong mukha ko" pagbibirong sabi ni Matteo. "Tandaan mo na nandito lang ako Veronica." ang ngiting sabi pa ni Matteo.  "Salamat Matteo." ang sabi ni Veronica.  Nagsimula na silang mag-inuman. Masayang kwentuhan. Kulitan at tawanan. Katabi ni Veronica, ang kanyang Ate Vanessa, niya sa kanan sa bandang kaliwa naman niya ay si Vincent. Kaharap niya sila Kuya Richard niya at Matteo. Gusto man niya ikwento sa kanyang Ate Vanessa, ang nangyari kanina ay baka marinig sila ni Matteo. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Matteo, pero napatingin siya sa makisig na binata na masayang nakikipagkwentuhan kay Kuya Richard, niya. Para bang walang nangyari kanina lang. Sabagay magaling magtago ng emosyon si Matteo, noon pa man.  "Matteo, hanggang ngayon pa ba 'di ka pa rin sinasagot ni Veronica?" ang tanong ni Richard, nakatingin ito kay Matteo.  Napatingin tuloy si Veronica, sa kanilang dalawa. Gusto niya malaman kung anong isasagot ni Matteo, sa tanong ng kanyang bayaw na si Richard. Parang 'di lang siya ang naghihintay sa sagot ni Matteo, dahil nakita rin niyang nakatingin at nag-aabang sa sagot ang Ate Vanessa, niya. Samatalang abala naman sa paglalaro ng mobile legend si Vincent. Nakita niya na nagshot muna si Matteo, at seryosong tumingin sa kanya.  "Napakaspecial na babae si Veronica, para sa akin. Alam naman niya 'yun at alam ninyo naman lahat 'yun. Sinabi ko rin sa kanya na noong bata palang kami sinabi ko sa sarili ko na gusto kong pakasalan si Veronica. Ngunit 'di na mangyayari 'yun." habang nagsasalita ay pinipigilan ni Matteo, ang kanyang nararamdaman. Ayaw naman niyang umiyak sa harapan ng pamilya ni Veronica.   Natahimik ang lahat. Ultimong si Vincent, na abala sa paglalaro ng mobile legend ay napatingin kay Matteo. Nakita ni Veronica, na napabuntong hininga ng malalim si Matteo.  "Pinagtagpo pero 'di tinadhana. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Sinabi ko naman kay Veronica, na nandito lang ako." sabi ni Matteo, sabay shot ng alak.  "Kuya Matteo, busted ka na kay Ate Veronica? Naku! Ok lang Kuya Matteo.  Siguro 'di lang talaga kayo para sa isa't-isa. Everything happens for a reason. Basta Kuya Matteo, puwede pa rin ako tumambay sa shop mo at makigamit ng gym sa bahay ninyo ah?!" biglang sabi ni Vincent, nalulungkot siya sa nangyari sa Kuya Matteo, at Ate Veronica, niya.  "Loko ka Vincent, syempre naman. Tsaka wala naman magbabago sa pakikisama ko sa inyo. 'Di porket busted na ako kay Veronica hahaha!" natatawang sabi ni Matteo  Pero ramdam ni Veronica, na dinadaan lang sa biro lahat ni Matteo.  "Ayos lang yan Matteo. Sabi mo nga masakit pero kailangan tanggapin. Naranasan ko rin yan bago ko makilala si Vanessa" ang sabi naman ni Richard, napatingin siya sa kanyang asawa.  "Wag kayo mag-alala sa akin. Magiging ok din ako. Oo, nasaktan ako pero wala akong galit o sama ng loob kay Veronica. Basta 'yun na 'yun! Hahaha" sabi ni Matteo, uminom pa siya ng isang basong red horse. 'Di niya nararamdaman ang pait na lasa ng kanyang iniinom dahil nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya dahil sa bigong pag-ibig niya kay Veronica. "Ate Veronica, 'di kita huhusgahan sa ginawa mo kay Kuya Matteo, alam kong may dahilan ang lahat. Kung saan ka masaya Ate Veronica, susuportahan kita." ang biglang sabi ni Vincent.  Ikinagulat naman ng lahat ang sinabi ni Vincent, sa kanyang nakakatandang kapatid na si Veronica. Bihira lang kasi itong magseryoso. Napayakap si Veronica, sa bunsong kapatid niya.  "Syempre ate kita eh! Sa ayaw at gusto ko kapatid pa rin kita. Sana makahanap ka ng lalaki mamahalin at aalagaan ka Ate." ang ngiting sabi ni Vincent. "Oo, salamat Vincent! Pinapaiyak mo naman ako" ang naluluhang sabi ni Veronica. "Hay naku! Nahawa na ako sa pagiging over acting ninyo ni Ate Vanessa." ang natatawang sabi ni Vincent.  "Ano ba yan! Ituloy na natin ang inuman" ang sabi ni Vanessa, ayaw na niyang makisawsaw sa kadramahan ng mga taong kasama niya.  "Salamat Matteo, sa pag-unawa mo sa desisyon ko."  sabi ni Veronica, nakangiti na nakatingin siya kay Matteo, na tinanguan siya at isang matamis na ngiti ang binigay sa kanya. Natapos rin ang inuman nila sa masasayang kwentuhan. Nakauwi na rin si Matteo, sa kanilang bahay. 'Di naman masyadong marami ang ininom nila. Isang case lang red horse ang naubos nila. Kaya walang nalasing kahit sino sa kanila.  Samantala…  Pumasok na sa loob ng bahay sila Vincent, at Richard. Nagliligpit at naglilinis naman sila Vanessa, at Veronica, sa pinag-inuman nila sa labas ng bahay. "Veronica, sigurado ka na ba sa desisyon mo. Alam mo naman boto kami ni Vincent, kay Matteo. Pero sabi nga ng bunso natin kapatid, 'di ka namin huhusgahan kung bakit mo ginawa 'yun. Alam namin na may dahilan ang lahat" ngiting sabi ni Vanessa, sa kanyang nakakabatang kapatid.  "Salamat Ate Vanessa, sa pag-intindi mo sa akin" ang sabi ni Veronica, 'di na nagpagliwanag si Veronica, sa kanyang Ate Vanessa, dahil baka madulas pa siya at baka kung ano pa masabi niya dito. 'Di man direkta na inamin ni Veronica, na may karelasyon siya. Nagpapasalamat talaga siya kay Matteo, dahil sa pag-unawa at pag-intindi nito sa kanyang desisyon.  "Tapos na rin naman tayo maglinis. Tulog na tayo. Kanina pa ako inaantok." ang sabi ni Vanessa.  "Inaantok ka ba talaga ate? Wag maingay mamaya ah? Alam mo na ate." tuksong sabi ni Veronica.  "Gaga! Nakainum 'yun! 'Di tatayo 'yun haha!" ang natatawang sabi ni Vanessa. "Tatayo 'yun! Matagal nga lang labasan." tuksong sabi ni Veronica, sa kanyang Ate Vanessa. "Gaga ka talaga! Kung anu-ano sinasabi mo dyan!" ang sabi ni Vanessa, sa totoo lang ay excited na siya pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa.  "Totoo naman kaya! Ayaw mo nun sobrang tagal ng s*x ninyo. Basta wag maingay ah!" ang sabi ni Veronica, tinutukso pa rin niya ang Ate Vanessa, niya. Alam naman niyang miss na miss na ng kanyang Ate ang asawa nitong si Richard. Matagal din kasi nakasampa sa barko ang bayaw nito. Kaya sa loob ng tatlong buwan ay susulitin ng kanyang Ate Vanessa, at asawa nito ang isa't isa. Nagtatawanan silang dalawa habang papasok sa loob ng bahay. Nadatnan nilang kakalabas ng banyo si Richard.  "Oh? tapos na ba kayo maglinis sa labas?" tanong ni Richard, habang nagpupunas siya ng kanyang basang buhok. Nakatapis lang siya ng bath towel sa kanyang baywang kaya naman kitang-kita nila Veronica at Vanessa, ang gandang katawan ni Richard.  "Oh! Ate Vanessa, kalma lang ah!" ang bulong na sabi ni Veronica, sa kanyang ate. Nagpaalam na rin siyang papasok sa kanyang kuwarto. Sa pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay agad niyang ibinagsak ang katawan niya sa malambot niyang kama. Napatingin na naman siya sa kisame ng kanyang kuwarto. Naalala niya ang nangyari kanina. Para ba siyang nakahinga ng maluwag dahil sa kanyang ginawa. 'Di niya talaga alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun kay Matteo, hindi para saktan kundi para palayain ito. Para makahanap na talaga ni Matteo, ang babaeng tunay na magmamahal sa kanya ng tunay. Aminado talaga si Veronica, na hindi talaga sila para sa isa't-isa ni Matteo. Dinadalaw na siya ng antok ng tumunog ang kanyang cellphone meron tumatawag sa kanya. 'Di na niya ito tinignan kung sinong tumatawag sa kanya basta na lang niya ito sinagot dahil na rin sa inaatok siya.  "Hello?" "Gising ka pa ba?"  "Ay! hindi tulog na! Hmmm…" para bang nawala ang antok niya ng marinig nito ang boses ng tumatawag sa kanya. "Miss kita! Sobrang miss na kita!"  "Lagi naman ka naman ganyan?" Ang inis na sabi ni Veronica, sa kausap niya ngayon. "Puwede ba tayo magkita sa susunod na linggo?"  "Saan?" "Edi, sa hotel saan pa ba?"  "Lagi na lang ba tayo nagtatago sa mga hotel? 'Di ka pa ba nagsasawa sa set-up natin?"  "Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?" "Alam mong 'di ko magagawa yan! Mahal na mahal kita kahit sobrang sakit at hirap mong mahalin." 'di napigilan na maging emosyunal si Veronica, kung kailan patulog na siya. Doon naman may tatawag sa kanya. Narinig niyang napabuntong hininga ang kausap niyang lalaki.  "I'm so sorry Veronica." "'Di mo kailangan mag-sorry sa akin. A-alam ko naman ang pinasok kong sitwasyon. Sige na matutulog na ako." ang sabi ni Veronica, ayaw na niyang umiyak ngayon sawa na siya kakaiyak. Quota na siya ngayong araw na ito.  "Babawi ako sa'yo Veronica. Good night! Sweet dreams"  Kahit 'di maamin ni Veronica, sa kanyang sarili ay nahihirapan din siya sa sitwasyon niya ngayon. Noong una parang laro-laro ng sa kanya ang pakikipagrelasyon sa lalaki na kausap lang niya kanina. Noong una akala niya s*x lang ang namamagitan sa kanilang dalawa pero paglipas ng panahon. Nahuhulog na pala siya dito. Alam niya kung saan siya nakapwesto sa buhay ng lalaking kausap niya. Gayunpaman 'di niya maiwasan minsan maisip kung kailan siya makakalipat ng pwesto kung saan siya na lang ang mahal ng lalaki na 'yun. Napabuntong hininga na lang siya. Bigla siyang narakaramdam ng  uhaw kaya lumabas na muna siya sa kanyang kuwarto at maingat siyang naglakad papuntang kusina. 'Di na niya inabala ang kanyang sarili na buksan ang ilaw. Dahil kabisado naman niya ang papunta sa kusina at may ilaw naman sa labas ng bahay kaya medyo naiilawan ang sa loob ng bahay. Habang umiinom siya ng malamig na tubig galing sa ref. ay napansin niyang may naliligo sa banyo. Dahil nakabukas ang ilaw ng banyo at naririnig niya nakabukas din ang shower. 'Di naman ang Ate Vanessa, niya o si Vincent, dahil 'di naman mahilig maligo ng gabi 'yung mga 'yun. Tumigil na ang shower at bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo. Ang bayaw pala niya na si Richard, ang naliligo. Pinatay na nito ang ilaw sa banyo at lumabas na rin ito. Napansin ni Veronica, na 'di man lang nag-abala magtapis ng bath towel ang asawa ng kanyang kapatid. Abala lang ito sa pagpupunas ng basang buhok nito.  "Kakaligo lang niya kanina. Naligo na naman siya" ang sabi ni Veronica, sa kanyang sarili. Sigurado siyang naiinitan ang kanyang bayaw. Sobra kasi maalinsangan ang panahon ngayon kahit gabi na ay maalinsangan pa rin. Napa-isip siya kung alam ba ng bayaw niya na nasa kusina siya. Madilim kasi sa parteng kusina kung saan siya nakatayo ngayon. Malayang niyang nakikita ang gandang katawan ng bayaw niya para bang kanina lang pero mas ok ngayon dahil pati alaga ng bayaw niya ay kitang-kita niya. Medyo malambot ito pero nagulat na lang si Veronica, na dahan-dahan nagtataas baba ang kamay ng bayaw niya sa mismong alaga nito. Ilang sandali lamang ay buhay na buhay at tirik na tirik na ang alaga ng bayaw niya. 'Di niya maiwasan na pagmasdan ito. Bigla na lang siyang nakaramdam ng init sa buong katawan. Napainom siya ng tubig habang pinapanuod niya ang kanyang bayaw na nagtaas baba sa alaga nito. Noon pa man ay crush na ni Veronica, si Richard. Pero hanggang crush lang dahil asawa na ito ng kanyang Ate Vanessa. Ayaw naman niya na paalam sa kanyang bayaw na nasa kusina siya baka kung ano pang mangyari. Nataranta siya ng mapansin niyang papunta ang bayaw niya sa kusina kaya naman nagtago siya sa ilalim ng lamesa.  "Ang init-init talaga dito pinas! Nakailang paligo na ako" inis na sabi ni Richard, kumuha siya ng tubig sa loob ng ref. Nauuhaw siya. Samantala…  Sa ilalim ng lamesa kung saan nagtatago si Veronica, ay rinig na rinig niya ang sinabi ng kanyang bayaw. Tama naman ito dahil sobrang init sa Pilipinas. Dahan-dahan siyang sumilip at nagulat siya dahil sobrang lapit at kitang-kita niya ang alaga ng kanyang bayaw. Kahit madilim sa kusina ay nakapag-adjust naman ang kanyang mata sa dilim. Habang nakatingin siya sa malaking alaga ng kanyang bayaw ay naalala niya ang alaga ng special na lalaki sa buhay niya. Malaki rin kasi ang alaga nito at tulad sa kanyang bayaw ay bagay na bagay sa magandang katawan at gwapong mukha ang alaga nito. Napatakip na lang ng bibig si Veronica, ng makarinig siya ng mahina ungol galing sa kanyang bayaw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD