Just Another Woman Chapter 46 "Rv, kamusta ka na? Tagal mo 'di nagparamdam ah?" hindi alam ni Veronica, kung magiging masaya ba siya dahil tumawag ngayon si Rv, sa kanya. "Pasensya ka na Veronica, kung ngayon lang ako nakatawag sa'yo. Napag-alaman ko ang nangyari sa kapatid mo na si Vincent. Kamusta na siya?" _Rv "Heto ok naman siya kumpara kahapon na sobrang kinabahan kami sa nangyari sa kanya. Hmm… Mukhang hindi na matutuloy ang pag-alis natin?" umaasa si Veronica, na gagawa ng paraan si Rv, para matuloy sa ibang araw ang usapan nilang lalabas silang dalawa. Nanghihinayang siya ngunit mas mahalaga ang kanyang kapatid na si Vincent. "Gagawa ako ng paraan upang matuloy sa ibang araw ang pag-alis natin. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang kapatid mo." _Rv "I love you and I miss you

