Just Another Woman Chapter 45 "Kamusta ka na dito Veronica? Kamusta na si Vincent? Buti na lang ay sinamahan ka ngayon ni Matteo." sabi ni Vanessa, kararating lang nila dito sa hospital kasama niya ang kanyang asawa na si Richard. Kanina lang nila nakuha ang kotse nila sa bahay nila Monica. Kaya natagalan sila bumalik sa hospital. "Ok lang ako dito Ate Vanessa, wag kang mag-alala sa akin lalo na kay Vincent. Buti na lang naisipan ni Matteo, na samahan ako ngayong gabi na magbantay." ngiting sabi ni Veronica, inaayos niya ang mga dalang pagkain nila Ate Vanessa, niya at nagdala rin pala ng pagkain si Matteo. Ngayon ay natutulog ang nakakabatang kapatid niya na si Vincent, dahil siguro sa gamot na binigay ng nurse kanina. "Ate Vanessa, tungkol pala sa bayad dito sa hospital wag na tay

