Just Another Woman Chapter 44 "Mukhang meron hindi sinasabi si Vincent." sabi ni Darion, nasa labas na sila ng kuwarto dahil ayaw niyang marinig ni Vincent, ang usapan nila ng Ate Veronica, nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" pag-aalalang tanong ni Veronica. "Hindi ko pa makumpirma pero sana ay pagkatiwalaan mo ako. Babalik ako sa loob para kausapin ulit ang kapatid mo pero ako lang ang papasok." sabi ni Darion, napansin niya kanina kay Vincent, na para bang nahihiya itong magsalita dahil kasama nila sa loob ang Ate Veronica, nito. "Ah? T-teka baka kailangan ako ng kapatid ko sa loob." tutol si Veronica, sa gustong mangyari ni Darion. Naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa balikat ni Darion. "Kailangan mong magtiwala sa akin. Please Veronica, para matapos na ito." pakiusap ni

