Just Another Woman Chapter 43 "Darion, may nalaman ka pa bang ibang impormasyon tungkol sa nangyari sa kapatid kong si Vincent." pag-aalalang tanong ni Veronica, nasa labas siya kasama si Darion, dahil natutulog pa si Vincent, baka magising ito kapag doon sila sa loon ng kuwarto nag-usap. Kakauwi lang nila Matteo, at Ninong Mathias, niya sinabihan siya ni Matteo, na babalik siya mamaya para dito magpapalipas ng gabi. Ang Ate Vanessa, niya at asawa nitong si Kuya Richard, ay papunta na mga ito dito sa hospital. "Nagtanong-tanong kami sa ng team ko sa paligid ng convient store kung saan huling nakita si Vincent, bago nangyari ito. May mga nakausap kami na taga roon na may nakita silang itim na kotse at sabi nila ay sumakay daw doon si Vincent." pagsasalaysay ni Darion, ginabi na siya sa p

