Just Another Woman Chapter 37 "Hatid ko na lang kayo kapag hindi kaya ni Richard, na magdrive." ngiting sabi ni Rayford, narinig niya ang usapan ng magkapatid. "S-sir Rayford, wag na po nakakahiya po." nahihiyang sabi ni Veronica. "Ok lang naman sa akin. Sabihin niyo lang sa akin kung anong oras." sabi ni Rayford, kakatapos lang niyang kumain at magsisimula na silang mag-inuman. Gusto niya kausapin si Veronica, kaso masyado maraming tao ngayon. Gusto lang niya ay silang dalawa lang. Hindi nga lang niya alam kung paano niya magagawang makapagsolong silang dalawa. "Sir Rayford, kuha ko pa ba kayo ng pagkain? May dessert pa po." natuwa naman si Monica, dahil naubos talaga ang pagkain sa plato ng boss niya. "Hindi na busog na ako. Salamat sa pagkain." ngiting sabi ni Rayford. Nagsimu

