Just Another Woman Chapter 38 "Salamat po Sir Rayford, sa paghatid sa amin." ngiting sabi ni Veronica, nakauwi na sila sa bahay hinatid sila ni Rayford, dahil hindi na kaya ng kanyang bayaw na lalaki na si Richard, na magdrive dahil na rin naparami ito ng inom. "Walang anuman Veronica." sabi ni Rayford, nasa loob siya ng bahay ni Veronica, sa may sala. Tinulungan pa kasi niya si Richard, na pumasok sa bahay dahil sa sobrang kalasingan nito. Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi sumuka sa loob ng kotse niya si Richard. Nakita niyang lumabas sa kuwarto si Vanessa, at nagpasalamat ito sa kanya. "Salamat Sir Rayford, humanda talaga yang si Richard, bukas lakas makipagsabay na makipag-inuman sa mga pinsan ni Monica. Ang lalakas uminom ng mga iyon. Salamat po talaga Sir Rayford. Aasikasu

