Just Another Woman Chapter 39 "Matteo, salamat talaga." hindi na naman napigilan ni Veronica, na hindi mapaiyak dahil sa nanagyari sa kanyang bunsong kapatid. Nagpapasalamat siya na agad na dumating si Matteo, sa bahay nila kanina. Hindi na siya nakapagpalit ng damit dahil na rin sa taranta at takot sa nangyari kay Vincent. Suot niya ang isang puting t-shirt at isang maikling short. "Walang anuman iyon Veronica, ano bang nangyari kay Vincent?" tanong ni Matteo, kakauwi lang niya sa bahay kakatapos lang niya magjogging noong tumawag sa kanya si Veronica. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit suot niya pa rin ang isang puting sando at gray jogging pants. Agad na siya sumakay ng kotse niya at pumunta sa bahay ng magandang binibining katabi niya ngayon sa upuan. Sinamahan niya ito

