Just Another Woman Chapter 40 "Wala ka na bang naiwan Veronica?" tanong ni Matteo, habang inilalagay niya sa kotse ang mga gamit na dadalhin ni Veronica, sa hospital. "Hmm… H-hindi ko alam Matteo, siguro ay ok na muna yan. Balik na lang kami dito sa bahay kapag may kulang." sabi ni Veronica, hindi siya makapag-isip ng maayos dahil iniisip niya ang bunsong kapatid niya na nasa hospital. Nakita ni Matteo, na naiiyak na naman si Veronica, kaya nilapitan niya ito para siguraduhin na magiging ok ang lahat. Sisiguraduhin niyang hindi siya mawawala sa tabi ni Veronica. "Veronica, nandito lang ako. Tutulungan ko kayo." paninigurado ni Matteo. "Salamat talaga Matteo, sa pagtulong mo sa amin." tumingin si Veronica, sa guwapong mukha ni Matteo, malaki ang pasasalamat niya dito dahil kahit s

