Just Another Woman Chapter 41 Hindi makapaniwala si Vanessa, na kaharap niya ngayon ang guwapong boss niya na si Rayfield. Kararating lang nila sa hospital at ngayon ay kasama nga niya ang kanyang boss nasa may tabi sila ng hallway ng hospital sa labas ng kuwarto kung saan nandoon sa loob sila Matteo, Darion at Ate Vanessa, niya pati asawa nitong si Richard, nasa loob din si Geron, ang personal driver ni Rayfield, na kaibigan na pala ito ng kapatid niya. Kaya pala tumawag ang Ate Vanessa, niya kanina ay upang ipaalam nito sa kanya na dumating ang guwapong boss niya. Sinabi rin niya na napaCT Scan na rin si Vincent, sa awa ng diyos ay wala naman dugong namuo sa ulo ni Vincent, at wala silang nakitang naumang komplikasyon. "S-sir Rayfield, salamat po sa pagpunta ninyo dito." nahihiyang

