The Powerful Princess Chapter 50: Red Magicians ____________________________________ Third person POV Tahimik at madilim ang paligid. Nakatingin lamang ang dalawa sa portal hanggang sa hindi nila namalayang dumating si Ella. "Ate Anica! Cassandra" Napatingin ang dalawa kay Ella. "Mabuti na lang po at nakapunta po kayo dito, ate Ella" sabi ni Cassandra "Napansin ko kasi ang pagdilim ng paligid at langit kaya sinundan ko ang itim na hangin at dito nya ako dinala" sabi ni Ella. Gaya nila Anica at Ella, nasa Mortal World din si Ella. Kahit hindi niya tunay na mga magulang ang kasama niya ay uuwi pa rin naman siya. Tumingin si Ella sa portal dahilan tumingin muli ang dalawa. Hanggang ngayon, wala pa ring mga nilalang na lumalabas. May mga white magicians din ang nasa Mortal World. At

