Chapter 49

886 Words

The Powerful Princess Chapter 49: Beauty Pageant ____________________________________ Anica POV Ilang linggo na ang lumipas at ngayong friday ay may magaganap na event at iyon ay ang Beauty Pageant. Ngayon na ang araw na balak namin magpakilala ni Cassandra. Tapos na kaming mag-ayos at simple lang naman ang aming suot. "Tara na?" pag-aya ni Cassandra. Tumango ako sa kanya at kinuha na ang aking itim na shoulderbag. For now, kulay itim muna. Pumunta na kami ng parking lot at sumakay na sa aking kotse. Agad ko naman ito pinaandar at mabilis kaming nakarating sa school. Masyado pa kaming maaga bago magsimula ang Beauty Pageant. Tiningnan ko ang gate at mukhang kanina pa ito bukas dahil marami rami narin ang narito. Open kasi ito sa lahat. Kaya kahit outsider ka, pwede kang pumasok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD