" Sir Nikko! Im here!" tawag ni Margot sa assistant ni Axel. Nakita naman agad siya ni Nikko.
" Yan na ba lahat ng gamit mo?" tanong nito sa kanya.
" Yes po!"
" Good, halika na ilagay ko muna yan sa trunk, sumakay ka na." sumunod naman siya dito.
Dahil nanibago sa braces niya, kaya hindi gaanong nagsasalita si Margot. Hindi naman kalayuan ang kanilang nilakbay dahil maya-maya pumarada na ang sasakyan sa elegante at pinakasikat na condominium building sa siyudad ng Manila. Siyempre alam ni Margot kung saan ito nakatira dahil mula noon pa ini-stalk na niya ito.
Habang papaaakyat sila sa 15th floor hindi maiwasan ni Margot ang kabahan. Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Buti na lamang at mahaba ang paldang suot niya kung hindi makikita ang nanginginig niyang mga tuhod.
" We are here,"
" Si-sir, hindi ba nakakahiya?" nag-aatubiling tanong niya kay Nikko.
" Bakit ka naman mahihiya?"
" Kasi naman sikat po si Sir, tapos ano yung...." wala siyang maisip na isagot.
" See? Hindi mo alam ang isasagot, kung wala ka man lang ginagawang masama bakit ka mahihiya?" saad nito sa kanya.
Hinila nito ang bag niya saka binuksan ang pinto. Walang magawa si Margot, nagsisisi man huli na ang lahat.
" Welcome sa bago mong bahay. " wika ng lalaki.
Pagpasok nila narinig niya ang tunog ng television sa sala ngunit walang tao.
" Saglit lang ha, baka nasa banyo si boss." tumango lang siya bilang sagot, saka nagtungo ito sa kusina upang kumuha ng tubig.
Pagkatapos naligo nagsuot na ng pajama si Axel upang magtungo sa library. Paglabas niya ng kwarto, nakita niya si Nikko sa kusina may bitbit itong tubig sa baso.
" Sir good evening!" bati nito sa kanya.
" Good evening, kanina ka pa?" tanong niya.
" Hindi naman po sir, bibigyan ko po sana ng maiinom si Margot habang naghihintay.
" Margot? " biglang napatingin siya sa assistant niya.
" Yun po ang pangalan niya, kaso ibang tao po siya. " paliwanag nito sa kanya.
" Okay, " puno nang panghihinayang na sagot niya rito.
Pagdating niya sa sala, nagulat siya sa nakita niya. Nakasalamin ito, may bangs, mahaba ang paldang suot. Uso pa ba ang ganitong fashion ngayon? Tanong niya sa sarili saka napatingin sa assistant niya, ang sarap nitong kutusan. Nagmamay-ari ng sikat na clothing brand yung amo niya tapos ganito ang hitsura ng katulong niya?
"Nik!" tawag niya rito. Napalingon ito sa kanya. " Baka pati social media, hindi rin yan updated?" sabi niya rito. Napatawa itong bigla sa tinuran niya.
" Baka nga po sir hahaha, wag ka pong ano d'yan pagtitigan mo yan mukhang may ganda pong nakatago diyan sa likod ng salamin." nagulat siya sa sinabi nito.
Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang tao, nagulat lang siya dahil nasa modern world na tayo ngayon tapos mayroon pa palang nagdadamit ng ganyan ngayon? Pakiramdam niya takot itong mainitan!
Nilapitan niya ang babae na nakatayo sa tabi ng sofa. " Hi! Welcome to my home, by the way I'm Axel Soriano." saad niya sabay lahad sa kamay. Tinanggap naman ito ng dalaga, ngunit ng magkadaop na ang kanilang mga palad, nagulat siya dahil parang pamilyar sa kanya ang mga kamay na yun! Bigla nitong hinila ang kamay.
" Hello sir, maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin!" saad nito at bahagyang yumuko.
Binalingan niya si Nikko. " Nik, pinaliwanag mo ba sa kanya ang gagawin niya?"
" Yes Sir, huwag po kayong mag-alala mukhang masipag naman po yan." sagot nito.
" Okay, ikaw na bahala d'yan pupunta na ako sa library." iniwanan na niya ang mga ito. Hindi mawala sa isip niya ang mga kamay na yun, o baka imagination lang dahil sa paghahanap niya kay Margot. Coincidence nga lang ba ang pagkapareho nila ng kamay at pangalan?
Napatitig si Margot sa kisame habang nakahiga sa kama. Naisip niya tama ba ang naging desisyon niya? Paano kung malaman nito na nagpapanggap lang siya? Bumangon siya at nagtungo sa banyo. Napakaganda ng bahay nito, kahit ang kwarto na ginagamit niya ay napakalawak. Lahat ng gamit dito ay halatang mamahalin. Nasa harap siya nang malaking salamin, " Inumpisahan mo 'yan, kaya tapusin mo!" aniya sa sarili.
Kinabukasan maaga siyang gumising upang ipaghanda ang amo ng agahan. Inayos niya muna ang sarili at nagsuot ng wig saka nagtungo sa kusina. Sinunod niya ang bilin ni Nikko, kaya bago siya naghanda siniguro niya muna na tama ang mga kasangkapan na kanyang inilabas. Nag-cut siya ng sari-saring prutas at gulay na paborito nito saka gumawa ng orange juice. Ihihanda niya ito sa mesa kasama ang hinati niyang slice bread. "Napaka-vegetarian ng lalaking 'to!" bulong niya sa sarili. Pagkatapos niyang naihanda ang mesa pinuntahan niya ang sapatos nito kung malinis ba o hindi.
Nagising si Axel dahil sa tawag mula sa kanyang ina.
" Mom! Ang aga mo naman atang napatawag? " bungad niya sa ina.
" Son! May nakita na akong maka-blind date mo, ang ganda niya anak at mabait pa!" excited na balita nito sa kanya.
" So, ginising mo ako dahil dito?" naiiritang tanong niya.
" Ano ka ba! Ginagawa ko ito para saiyo anak, kailan mo pa ba maisipang mag-asawa pagwala na kami ng Daddy mo? At saka gusto na namin magkaapo, panigurado magaganda ang magiging lahi niyo!" napakamot si Axel sa ulo, bigla siyang bumangon sa higaan at nagtungo sa banyo.
" Gusto niyo talaga ng apo? " tanong niya sa ina.
" Of course son, bago man lang kami mawala sa mundong ito, mahawakan man lang namin ang aming apo! " saad nito sa kabilang linya.
" Okay Mom!"
Pagkatapos niyang makausap ang ina, tumungo na siya sa shower at doon nagbabad. Hindi niya alam kung bakit mukha ni Margot ang laging lumilitaw sa isipan niya. Ang malambing nitong boses habang kausap niya ito. " Damn!" napamura siya dahil sa naiisip.
Paglabas niya ng banyo dumiretso siya sa kanyang dressing room at pumili ng maisuot. Habang naglalagay ng relo sa kamay, naalala niya na may kasama na pala siya dito sa bahay.
Naabutan niya si Margot na nagpupunas ng mga salamin na kabinet sa sala tumayo ito ng makita siyang lumabas sa kanyang kwarto.
" Good morning Sir Axel! Handa na po ang breakfast niyo." bati nito sa kanya.
Napansin niya ang suot nito na t-shirt at pajama.
" Thank you, what time did you wake-up?" tanong niya rito.
" Five o'clock po sir!" nagulat siya sa sinabi nito.
" Ang aga naman ata, ok na kahit alas sais, kasi alas otso pa ako aalis. Thirty minutes lang naman ang biyahe papuntang opisina ko." paliwanag niya sa dalaga. Nakita niyang nakahanda na ang mesa, nakapalinis nang pagka ayos ng mga pagkain. Hindi niya maintindihan kung bakit parang magaan ang loob niya sa kanyang bagong kasambahay.
Naubos niya ang inihanda nitong agahan.
" Thank you for the breakfast Margot. Make sure na huwag kang basta-basta magbukas ng pinto kung may mag doorbell na hindi mo kilala okay?" bilin niya rito, saka siya lumakad.