Chapter 4

1309 Words
Maagang gumising si Margot upang pumunta sa Dental Clinic. Nais n'yang magpalagay ng braces upang maisagawa ang binabalak. Pagkatapos n'yang masukatan, kailangan niya pang bumalik kinabukasan para sa paglagay nito. Dumeretso na siya sa kompanya upang magpaalam sa manager, pagkalabas galing sa clinic. Pagbaba niya ng traysikel dumiretso na siya sa opisina ng kanilang manager upang ibigay ang resignation letter niya. " Margot, pwede ba na pag-isipan mo muna nang ilang beses ang desisyon mo? Sayang ang trabaho mo rito, puring-puri ka nga ng mga staff maging ang photograper." malungkot na wika ng manager. " I'm sorry ma'am, kailangan ko po kasi talagang huminto muna." nako-konsensya man ngunit buo na ang desisyon niya. " Okay, ikaw ang bahala, welcome ka pa rin kung nais mong bumalik dito." sagot nito sa kanya, saka binigyan siya ng mahigpit na yakap. " Thank you ma'am." magaan ang pakiramdam ni Margot nang lisanin niya ang A&S Company. Hindi na niya magawang magpaaalam sa mga kasamahan, dahil alam niyang pipigilan lang siya ng mga ito. Matapos ang meeting ni Axel, naisipan niyang bumaba upang silipin ang photo shot, s'yempre rason niya lang iyon upang makita ang dalaga. Sumunod sa kanya ang assistant niyang si Nikko. Nag-ikot sila sa lahat ng departments, nagulat naman ang ibang empleyado dahil sa biglaang pag-ikot niya. Dumiretso siya sa studio, katulad ng iba, nagulat sila sa pagbisita niya, sinabihan naman niya na magpatuloy ang mga ito sa kanilang ginagawa. " Ang gwapo talaga ni boss," narinig niyang nag-uusap ang dalawang staff ,kaya sinulyapan niya ang mga ito sabay ngiti. Napatili naman ang mga ito sa kilig. Lumapit siya sa Director, " Where is Margot Alcantara?" tanong niya rito. " Miss Sopia said earlier, nag resign na daw po si Margot kani-kanina lang sir." laking gulat niya sa narinig. " What? Are you serious?" " Yes sir, hindi nga po siya nagpakita sa amin bago umalis." sagot nito sa kanya. Kinuha niya ang cellphone saka tinawagan si Aaron. " Bro, are you busy? " " Not really, why?" sagot nito sa kanya. " May nasabi ba si Trisha sayo, about what happened last night or may naikwento si Margot sa kanya? " " Nope, actually hindi pa sila nagkita dahil nasa bahay ko si Trisha." napakamot siya sa ulo dahil sa narinig. Wala s'yang ibang naisip na rason kung ba't ito nagresign. Hindi niya pinansin ang mga nasa paligid na nakarinig sa lahat ng pinag-usapan nila. " Just go on, I will leave now! " " Okay sir, " sagot ng director. Naging usap-usapan ng mga empleyado ang nangyari. Hindi maiwasan na isipin ng mga ito na may namagitan sa dalawa. Kinabukasan maagang natapos ang appointment ni Margot sa Dental Clinic. Nagpasa siya nang resume sa assistant ni Axel through email. Nakatanggap naman siya ng reply na magkita sila for the interview. Nagsuot siya ng maluwag na damit at naglagay ng wig na may bangs saka sinuot ang salamin sa mata. Sa isang coffee shop nagkita si Margot at Nikko. " Hello po, kayo po ba si sir Nikko?" bati niya sa nakaupong assistant ni Axel. " Ahhh yes, you're here! Please sit down Miss Galve." turo nito sa upuan. Galve ang ginamit niya, apelyedo ito ng kanyang yumaong ina. " Thank you sir!" wika niya. "Alam mo bang ka-pangalan mo ang isang model namin sa kompanya?" biglang kinabahan ni Margot sa narinig. " Ha! Ahhh-ehh common nga po siguro ang pangalan ko sir." kinabahang sagot niya rito, habang inaayos ang salamin sa mata, nagkibit-balikat lang ang lalaki sa sinabi niya. " Okay, we will begin kasi kailangan kong bumalik kaagad kasi wala sa mood si boss." saad nito. Hindi matumbasan ang kaligayahan ni Margot ng matanggap bilang kasambahay ni Axel. Makakasama na niya ang lalaki palagi. Ang problema nalang niya ay kung paano sasabihin sa kaibigan, dahil siguradong sasalungat ito sa desisyon niya. Pagdating niya sa apartment, naabutan niya itong kumakain ng chips habang nanonood ng television. " Bes," bati niya dito sabay yakap. " Ano na naman ang ginawa mo Margot Alcantara?" kilala siya nito, kahit sa maliitang bagay sa buhay niya. " Don't be angry okay! Promise me, hmmm." " Tell me, wag ka nang pabitin d'yan. " sagot nito, palagay niya may alam na ito sa ginawa niya. " Bes, nag-resign ako at nag-apply bilang kasambahay ni Axel!" diretsong wika niya rito na ikinagulat nito. " Kung nagbibiro ka ayusin mo dahil hindi ako natutuwa. " galit ang rumehistro sa mukha nito. Niyakap niya ang kaibigan, ngunit lumayo ito sa kanya. " Bes, I'm sorry, please wag ka ng magalit. " " Marg, sobra na kasi yang kabaliwan mo sa kanya, pati career makaya mong i-give up para sa kanya, habang-buhay mo nalang ba 'yang gagawin?" naiintindihan niya ang nararamdaman nito, dahil ito ang nakakaalam sa lahat ng kabaliwan niya. " Promise last na'to bes," itinaas niya ang kanang kamay, saka ngumiti rito. " Hindi ko na alam ano ang gagawin ko sa'yo bes, halos kinalimutan mo na ang future mo para sa kanya." malungkot na saad nito. Mahal na mahal ni Margot ang kaibigan dahil ito ang bukod tanging nagmamalasakit sa kanya, hindi lang bilang kaibigan kundi kapamilya na rin. " Alam ba niya ito? " tanong ni Trisha sa kanya. " Nope," " What do you mean, mag-disguise ka?" tumango-tango siya bilang sagot dito. " Oh my goodness, hindi ko inaasahan na ganito kalala ang kabaliwan mo bes!" " Hindi naman kunti lang." biro niya rito." I love you to the moon and back." " Tseehhh, lumayas ka na! " sagot nito saka inirapan siya. Nag-impake siya kaagad nang hapon na 'yon, dahil magkikita sila ni Nikko sa gabi upang maihatid siya nito sa bahay ni Axel. " Really?" natuwa si Axel dahil sa wakas nakahanap na rin si Nikko ng kasambahay niya. " Dadalhin ko siya mamayang alas siyete sa bahay mo." saad ni Nikko. " Okay," Alas singko pa lang nakaalis na si Axel sa kompanya, upang bisitahin ang mga magulang saka uuwi sa condo niya. Habang nasa daan sumagi sa isip niya si Margot. Hindi niya inaasahan ang biglaang pag-alis nito sa kompanya. Pagdating niya sa bahay ng mga magulang, sinalubong siya ng ina, tuwang-tuwa ito ng makita siya. " Son, I'm so happy to see you!" niyakap siya ng mahigpit. " I miss you too Mom," wika niya saka umupo sa sala. " You look so tired son, siguro pumunta ka na naman sa club kagabi." napangiti nalang si Axel sa tinuran ng ina. Malaki ang bahay ng kanyang mga magulang, tatlong palapag at may malawak na garden sa harap at likod, may malaking swimming pool sa may basement area. " Anak, the dinner is ready kumain ka muna bago umuwi." tawag ng kanyang ina. " Okay Mom," saka lumakad patungong dining room. " Where is Dad?" " I'm here son!" biglang bumungad ang ama niya sa dining room. " How are you Dad." " I'm fine son, so how's the company? " tanong nito habang umupo sa dulo ng mesa. Nagkwentuhan sila tungkol sa kompanya, habang kumakain matiyaga namang nakikinig ang kanyang ina. Ngunit hindi niya inaasahan ang biglang tanong ng ama. " So kailan mo balak mag-asawa at ng magka-apo na kami." " Dad, wala pa nga akong balak mag-asawa." sagot niya dito. " Your not getting any younger son, baka gusto mo hanapan ka ng Mommy mo!" tumingin ito sa asawa. "Pwede rin marami akong kakilala, mababait ang mga anak nila siguradong magustuhan mo." dagdag naman ng kanyang ina. " Not now Mom, ako na lang po bahala maghanap okay!" sagot niya. " Hindi ka pa rin ba naka-move on sa babaeng 'yon?" nabigla siya sa sinabi ng ama, kaya hindi naka sagot agad. Hanggang sa natapos ang hapunan, yun pa rin ang isyo nila, kaya minabuti na lang niya na magpa-alam sa mga magulang na uuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD