“Alam mo, Milca masanay ka na sa ugali ng presidente natin. Talagang ganyan lang naman 'yon. Broken kasi, natural magsusungit tayo ang siyang natatamaan ngayon. Pero huwag kang mag-alala. Mabait yan si Sir Anthony..." “Mabait? Saan banda? Nagpapatawa ka ata." aniya ko agad na naibulalas. Mabait? Saan kaya niya nakuha ang salitang mabait? Sakali kung sigawan ako kangina at ibalibag yung... “Bakit?" ”Wala!" sagot ko. Naiiyak talaga ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kangina pagpasok pa lang nito sa kanyang opisina. “Huwag mo nalang siya pansinin. Basta magtrabaho ka lang at kung anong iutos sayo sundin mo. Pwede ka naman magtanong if di mo maintindihan yung instructions sayo. Tuturuan ka naman nun. Huwag mo lang talaga galitin." aniya at pagtatanggol sa boss naming demonyo.

