FLASH BACK “Ano ito? Huh, Milca." Sumisigaw na agad si Anthony sa galit mula sa maling nagawa niya. Hindi siya makasingit upang sana magpaliwanag. Panay lang ito sigaw at galit ang inuuna imbis na pakinggan muna sana siya. Wala naman siyang mali ang sa tingin niya at dahil di pa naman siya ganoon kapamilyar sa trabaho niya. Unang beses sinabon agad siya. Wala siyang kahit anong excuses sana para maipaliwanag rito ang mga tunay na nangyari. Talaga ayaw ni Anthony tumigil. Iyak nalang siya habang sa harap niya ang bagong amo na galit na galit at pinagbababato sa kanya ang mga papers na naipasa niya. Napasinghap nalang siya habang nakatingin sa itsura ni Anthony. Panandalian itong tumahimik na tila ba napagod na rin sa mga pagsasalita. Habang siya naman nakatayo lang at hindi matigil ang

