bc

Transcendental (Until Eternity) #1: Hope From Love's Memories

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
fated
second chance
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
city
mythology
pack
magical world
another world
secrets
superpower
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

【Written in Filipino; Book 1 of "Transcendental: Until Eternity" series】Mula nang makakitaan si Ilsie ng kakaibang kakayahan noong bata pa siya, alam na niyang hindi na magiging normal ang takbo ng buhay na kanyang nakagisnan. Nasiguro niya iyon nang mag-umpisa ang pagsulpot ng kung iba't-ibang imahe sa kanyang isipan nang marating niya ang Shiasena Temple para sa unang combat training niya bilang isang Power Caster. Isang babae at isang lalaking parehong may kakaibang kakayahan ang lagi niyang nakikita sa kanyang isipan at maging sa mga panaginip. 'Di nagtagal ay nalaman din niya ang totoo tungkol sa kuwento ng dalawang iyon, maging ang dahilan kung bakit naputol ang kuwentong nagbibigay pa rin sa kanya ng 'di maipaliwanag na sakit ng kalooban para sa Guardian na si Francis.Buong akala ni Francis Kieran Reyrieth ay nabuhay siya ng mahabang panahon na hindi itinutuon ang sarili sa ibang bagay maliban sa trabaho niya bilang isang Guardian mula sa Osmerth. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. For 400 years, his heart kept on finding the one reason why it felt so empty. Hanggang sa makilala niya sa isang 'di inaasahang laban ang Wind Power Caster na si Ilsie.Kahit sabihin pang tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa, sigurado si Ilsie na wala na siyang dahilan para hilinging may patutunguhan pa ang kalauna'y pagtinging meron siya para kay Francis. Lalo pa't hawak niya ang dalawang sikretong nagsilbing dahilan kung bakit binura ni Elysriel noon ang alaala ng leader ng mga Guardians. Hinding-hindi siya mapapatawad ni Francis kapag nalaman nito ang totoo.

chap-preview
Free preview
prologue
KATATAPOS lang ng kauna-unahang combat training ni Ilsie. Pero hindi pa rin siya makapaniwala na naroon na nga siya sa Shiasena Temple at nagsasanay kasama ng mga pinsan at iba pang kasamahang napili rin para magsimula sa opisyal na combat training ng mga nilalang na katulad niya. Ang combat training nilang mga magiging active members ng Power Casters. Bagaman kinakitaan na si Ilsie noon ng kakaibang kakayahan, hindi pa rin niya inakala na mapapabilang siya sa pagsasanay para maging isang active Power Caster. Kadalasan kasi ay iilan lang talaga ang nakakatagal sa training, lalo na kung combat training bilang paghahanda sa pakikipaglaban sa mga Draohin ang pag-uusapan. Pero hindi pinanghinaan ng loob ang kanyang mga magulang at ang kuya niya na mapapabilang rin siya. At narito na nga siya. Malaya siyang nakakapaglibot sa loob ng templo nang mga sandaling iyon dahil na rin sa permisong ibinigay sa kanya ng tagapagbantay ng lugar na iyon. Masaya siya dahil binigyan din siya ng permiso na pasukin ang grand hall kung saan naroon ang isang hinahanap niyang larawan. "Ilsie, I didn't know you're here." Bagaman nagulat, hindi naman nagtagal iyon dahil nakilala niya kaagad kung sino ang nagsalita. Ilsie's expression brightened once she recognized who owned that voice. "Lola Danica!" Agad siyang lumapit sa matanda at nagbigay-galang dito sabay yakap na rin. "Mukhang na-miss ako ng apo ko, ah," natatawang wika ni Lola Danica habang ginagantihan ang yakap niya. Nakangusong humarap siya dito nang bahagyang dumistansya. "Ang tagal n'yo na po kasing hindi bumibisita, eh." "Alam mo namang ayaw akong pakawalan ng lolo mo, 'di ba?" "Ah, siyanga po pala. Nasaan po si Lolo? Kasama n'yo po ba?" Tumango si Lola Danica at iginiya siyang maupo sila sa isang bakanteng marble bench sa gilid. "Kasama niya ngayon ang head combat instructor at may kailangan lang sabihin dito. Bago ko nga pala makalimutan." May kinuha ito sa bulsa ng dalang shoulder bag at iniabot sa kanya ang isang itim na kahon. Rectangle iyon at nakaukit ang flower crest ng Treharne clanーang white rose. Nagtatakang napatingin si Ilsie sa kanyang lola. "Ano po 'to?" "Buksan mo nang malaman mo. Ipinabibigay sa 'yo 'yan ng lolo mo." Ginawa niya ang iniutos nito kahit nagtataka pa rin. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang isang ore sa loob niyon. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Lola Danica. "T-this isー" Tumango ito at proud na nginitian siya. "Yes, it's what you think it is. A Power Caster Ore. Ipinabibigay 'yan sa 'yo ng Lolo Hillson mo bilang regalo sa umpisa ng opisyal na pagsasanay mo. Once you've found or created a weapon that will suit your combat prowess, use the power of that ore to complete its functions." "Pero... 'di po ba masyado pang maaga para bigyan ako ni Lolo ng ganito? I mean, it's only my first day. Marami pa pong puwedeng magbago." "Hindi iyon ang nakikita ng Lolo mo. In fact, even Lord Nigel thought of the same thing as your grandfather," ani Lola Danica na ang tinutukoy ay ang dating leader ng Treharne clan kung saan kabilang ang pamilya niya. Hinaplos pa ng matanda ang buhok niya. "By the way, what made you decide to go here?" Patuloy pa ring nakakaramdam ng pag-aalangan si Ilsie pero isinantabi muna iyon at sinagot ang tanong ng lola niya. "Ah, titingnan ko po sana 'yong painting na kinukuwento sa akin ni Papa. 'Yong naging basehan niya para maisulat ang kantang iniregalo niya para kay Mama noon." Pero hindi niya maintindihan kung bakit kinakitaan niya ng kalungkutan ang mga mata ng matanda. "Lola? Okay lang po ba kayo?" "Did your father mention the story of the painting you're looking for?" her grandfather asked back instead. Umiling siya. "Ang sabi niya lang po sa akin, naging basehan niya ang painting na iyon dahil sa malungkot na kuwento n'on. Na 'yong lungkot na parehong nakita sa mga mata ng dalawang taong iyon ang nag-udyok sa kanya na alagaan nang husto ang pag-ibig na ibinigay sa kanya ni Mama." Ngumiti si Lola Danica at tumayo mula sa kinauupuan nito. "Halika. Sasamahan kita kung saan naroon ang painting." Excited na sumunod si Ilsie sa lola niya at dinala siya nito sa isang silid sa dulo ng grand hall. Hindi nga lang niya napigilang pangunutan ng noo dahil sa pagtataka. Bakit nasa loob ng silid na iyon ang painting na hinahanap niya? "Isa ang painting na iyon sa nilikha ni Lady Heidi bago siya magpakasal. Pero iyon din ang painting na hindi namin nagawang hanapan ng kahulugan... hanggang sa ipinanangak ka." Noon unti-unting nawala ang ngiting kanina lang ay nasa labi niya. Aware siya sa tinutukoy ni Lola Danica, maging ang pangalan na binanggit nito. Si Lady Heidi na dating leader ng isa pang angkan ng mga Power Casters tulad ng Treharne clanーang Terradenio clan. At mas lalong aware siya sa kakayahan ng dating Terradenio clan leader bilang isang Power Caster. Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ni Ilsie nang tumambad na sa kanya ang pakay na painting. Indeed, it was the same painting that her father described to her. A man and a woman, both dressed in modern clothing, were facing each other. One had a stream of water surrounding him while the other had her hand surrounded in a gust of wind forming a helix. But the most notable feature she noticed from that painting were the sad smiles on their faces. It was as if... these two were about to part forever. At iyon ang nagbigay ng kuryosidad kay Ilsie nang mga sandaling iyon. Lalo na't may isang bagay siyang nasiguro nang makita iyon. She was seeing an older version of her on that painting. Paano nangyari iyon? Agad niyang hinarap si Lola Danica na hindi naaalis ang pagtataka sa mukha niya. "L-Lola, a-ano pong ibig sabihin nito?" "Kahit kami ay nagtataka sa bagay na iyan, Ilsie. Hanggang ngayon, pilit pa rin naming hinahanapan ng kasagutan iyan. But the only thing I can tell you is... it's something that will surely happen when you're older. The guy in the painting... is someone that Lady Heidi described once as a person who has the other end of the red thread connecting you to him even in the ancient past." Okay, mukhang lalong gumulo ang lahat para kay Ilsie sa paliwanag na iyon ng lola niya. Pero bago pa siya makapagtanong ng iba pa, nagulat siya nang magliwanag ang painting na tinitingnan niya. Kasabay niyon ay isang tinig ang umalingawngaw sa kanyang isipan. "I told you I'll find you. Now it's about time you try to find me... Please..." 'What the--?' At sa patuloy na pagliwanag ng nasabing painting, mistulang pelikulang nagpakita sa kanyang isipan ang napakaraming eksenang sigurado siya na hindi pa niya nararanasan. "Elysriel..." Iyon ang huling narinig ni Ilsie bago siya tuluyang mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook