CHAPTER 29

2915 Words

Mabigat ang aking kalooban nang gumising. Basa pa rin ang aking unan na tanging saksi sa sakit ng kalooban na aking nadarama. Akala ko ay sapat na ang pagmamahal namin sa isa't isa ngunit hindi ko akalaing magkakaganito ang aming relasyon. Tila may nakatarak sa aking dibdib lalo na sa tuwing naaalala ko ang aming pagtatalo kagabi. Siguro nga ay hindi kami nararapat sa isa't isa. Sa lahat ng aspeto ay mas bagay sila ni Charlotte. Pareho silang galing sa mayamang pamilya, mataas ang pinag aralan, at matagumpay sa kanilang karera. Iba ang kinalakihan nila kumpara sa akin. Pilit man akong maging maunawain ay hindi ako naaangkop sa mundong kanilang kinagagalawan. Sa kanilang mundo, walang halaga kung masaktan man ang tulad ko. Dahil maliit lang ang tingin nila sa akin. Sinabayan ng pagbagsak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD