Unti unti kong minulat ang aking mga mata habang bumabati sa akin ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana. Kinusot ko ang mga ito at inilibot ang paningin. Napagtanto kong ako'y nasa sariling kwarto. Tiningnan ko rin ang aking damit at nakasuot na ako ng pantulog. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kagabi at kung paano ako nakauwi sa aming bahay. "Chairman," sambit ko nang maalala ang aking pagiyak habang kasama sya sa playground. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi ngunit sya marahil ang naghatid sa akin dito sa bahay. Sabado ngayon at sa liwanag ng araw ay tiyak tinanghali na ako ng gising. Tiyak ay nakaalis na si Mama papuntang tindahan at dapat na akong bumangon upang ihanda ang almusal namin ni Ading at pati na ang aming babauning tanghalian. Agad akong buma

