Bumati sa akin ang malamig na simoy ng hangin habang unti unting iminulat ang aking mga mata. Mula sa bintana ay tanaw ang bukang liwayway sa gitna ng mga ulap at asul na kalangitan. Napangiti ako nang makita si Matt na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Sa loob ng ilang taon ay ngayon ko lamang naramdaman ulit ang saya ng aking puso. Banayad ko syang hinalikan sa labi at dahan dahang bumangon. Matapos magsipilyo at maghilamos ng mukha ay agad akong dumiretso sa kusina upang ihanda ang aming almusal. "Good morning Ma'am, ang aga nyo po," bati sa akin ni Manang. Halos magkasabay lang kaming dumating dito sa kusina Sya ang dating yaya ni Matt. Nagkita na kami dati sa bahay ng Lola ni Matt kaya kilala na namin ang isa't isa. Mabait at maasikaso ito. Simula ng magkasakit si Matt ay sya

