"By the way, congratulations Elle," bati sa akin ni Caleb "Salamat," Kasalukyan kaming kumakain dito sa restaurant ni Berna. Mabilis naming naubos ang pagkain dahil na rin sa pagod at gutom, habang si Caleb naman ay hindi halos nagalaw ang kanyang pagkain. Ang kasama naman nito ay tahimik lamang na umiinom ng tsaa "Hindi ba masarap ang pagkain, Sir Caleb?" tanong ni Berna "Uh, masarap sya. Pasensya na, marami lang siguro akong iniisip kaya wala akong masyadong ganang kumain. Ipapatake out ko na lang," Tumango naman si Berna at tinawag ang isang waiter upang ibalot ang pagkain ni Caleb. "Sya nga pala Elle, tungkol sa kalagayan ni Chairman. May malubha syang sakit at sa katunayan, nag agaw buhay sya noong isang araw. Sa awa ng Diyos ay naka survive sya, lumalaban sya para makita ka sa

