Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan bitbit ang aking bag upang makalabas na ng aming silid aralan tulad ng aking mga banyagang kaklase na kapwa ring masaya at excited nang umuwi. Kailangan kong magmadali dahil nasasabik akong makita ang espesyal na mga taong naghihintay sa akin. Halos siksikan na kami ng aking mga kaklase sa paglabas sa pintuan. Natatawa na lang kami sa isa't isa dahil pare pareho kaming masasaya at naipasa namin ang aming kurso at gagraduate na kami sa mga susunod na araw. "Congratulations Elle, very impressive! I hope we can work together in the future," bati ng isa sa aking mga kaklase Ngumiti ako, "Thank you! Let's keep in touch, I'll definitely want to work with you too," Naglalakad na ako sa koridor ng eskwelahan kasabay ang ibang mga estudyante nang may t

