Tila naestatwa ako dahil sa halu halong emosyon na aking nararamdaman. Unti unti akong naglakad palapit sa kanya at binukas ang screen door upang papasukin sya Bahagyang pumayat ang kanyang pangangatawan. May mga tumutubong balbas na rin sa kanyang mukha. Halata sa kanyang mga nangungusap na mata ang pagod. Tulad ko ay hindi ko rin mawari ang magkahalong emosyong nakapaloob sa mga ito. Tila magkahalong pag aalala, pagod, at hindi ko maintindihang distansyang nararamdaman. "Elle, pwede ba tayong mag usa--" Hindi na ako nakatiis pa at niyakap sya nang buong higpit. Isiniksik ko ang aking sarili at tahimik na humikbi sa kanyang dibdib. Bahagya pa itong natigilan ngunit nakabawi din at ikinulong ako sa kanyang mga bisig "Bakit ngayon ka lang dumating?" hirap akong magsalita dahil sa patulo

