Habang kami'y nasa hapag kainan ay inabot ko ang aking regalo para kay Matt. Bahagya pa itong natigilan at nakatitig lamang sa akin na tila nabigla sa aking ginawa. "Open it," nakangiti kong sambit sa kanya. Sa totoo lang ay kinakabhan ako kung magugustuhan nya ito. Binuksan nga nya ang aking regalo at kinuha ang laman nito sa loob. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang scarf. For the first time, I saw him giggle in delight "Si Sir Matt kinikilig!" tili ni Berna "Oo nga! Pulang pula na si Sir Matt!" segunda ni Petra Tila umurong ang dila ni Matt at tanging masayang ngiti lamang ang mababanaag sa kanya. Malayo sa pagiging suplado at strikto nito, tila naging isang binatang mahiyain ang kanyang naging asta "Sana nagustuhan mo," sambit ko "Oo, I liked it so

