Maaga kaming gumayak ni Matt upang maihatid ako sa bahay. Nais kong makatulong agad kay Mama sa paghahanda ng almusal at pag aasikaso sa bahay. Tulog pa ang mga tao sa bahay nang dumating kami. Pumunta na ako sa kusina upang magsimulang magluto ng agahan. Pinagtimpla ko na muna sya ng kape habang sa akin naman ay tsokolate. Tila naging assistant chef si Matt habang tinutulungan nya ako sa pagluluto. Tulad ng dati ay kinukulit pa rin ako nito kaya naman palagi ko rin itong sinasaway. "Anak, Matt, nandito na pala kayo," dahil sa kakulitan nitong si Matt ay hindi ko namalayang nasa baba na pala si Mama. "Ma, gising na po pala kayo. Kain na po, malapit na itong maluto," "Good morning po, Ma," nilubayan muna ako ni Matt at sya na ang naghain sa mesa. Pinagtimpla nya rin si Mama ng kape "

