“MISS mo na, ‘no?” Tamad na nilingon ni Loui ang kaibigang si Cyril dahil nahuli na naman siyang nakatunganga sa station niya. Dalawang linggo na magbuhat nang nag-resign si Benjie at hindi pa siya sanay na hindi kasama ang binata. Ang ngising nakita niya sa mukha nito ay sapat na para sabihing sigurado siyang pang-aasar na naman ang aanihin niya rito. Kaya nang nakita ni Cyril ang nakasimangot niyang mukha ay inabot nito ang kanyang buhok at ginulo iyon. “Huwag ka nang sumimangot diyan. Miss ka na rin no’n.” “Paano mo naman nalaman na may nami-miss nga ako at kung sino ang tinutukoy ko?” aniya. “Girrrrl, the look on your face says everything,” pambubuska sa kanya ni Jaycee, saka ngumiti nang nakakaloko. Hindi na talaga ako nakapagpahinga sa pang-aalaska ng mga magagaling kong kaibigan

