SINILIP ni Loui ang relo sa palapulsuhan at nakitang pasado alas-dose na ng tanghali. Nag-usap sila ni Benjie na magkasama silang magsisimba sa church na iyon. "Wala pa rin siya, darating kaya 'yon?" Bulong niya habang hinihintay ang binata. Muli ay inilibot niya ang paningin sa paligid at nang hindi pa rin nakikita si Benjie ay dinukot niya ang cellphone sa bulsa. Ngunit bago pa siya makapagtipa ng message para kay Benjie ay narinig na niya ang pamilyar na baritonong boses nito. "Sorry, naghintay ka ba ng matagal?" tanong sa kanya ni Benjie, dahilan para lumingon siya rito. His smile reached his eyes, enough for her heart to beat wildly - na laging nangyayari kapag nakikita niya ang ngiti nito. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang mga mata sa pagt

