“KAILANGAN mo ng kausap?” bungad ng Mama ni Loui sa kanya nang makita ang kapaguran sa kanyang hitsura. Sa malalaking hakbang ay nilapitan niya ang kanyang ina at sinalubong ito ng mahigpit na yakap, kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, at litong-lito ang puso niya sa kung anong dapat niyang gawin. Walang salitang hinagod ng Mama niya ang kanyang likod, at hinayaan siya nitong umiyak. Nang kumalma siya ay iginiya siya ng ina sa veranda at naupo roon. Pumailanlang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at tiningnan siya nito ng mataman na waring hinihintay siyang magsalita. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, saka ikinuwento rito ang naging pagkikita nila ni Benjie sa reunion nilang magkakaibigan.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


