"CONGRATULATIONS to Loui since she's getting married!" Anunsyo ni Russel habang hawak nito ang isang baso para mag-toast. Tumiim ang bagang ni Benjie sa narinig mula sa kaibigan at ang maipamukha sa kanya iyon ng paulit-ulit ay tila patalim na unti-unting bumabaon sa kanyang puso. Tila ba ang napipintong pagkatali sa iba ng babaeng mahal niya ay isang punyal na itinatarak sa kanyang dibdib. Mahapdi at masakit. "Cheers, salamat Russel," ani Loui kaya naman napalingon siyang muli sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya. Gustong-gusto na niya itong makausap, at hingiin ang pagkakataong mabuo ang pamilya nila. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya, bigyan lang siya nito ng pag-asang maipanalong muli ang pag-ibig nito. Mula sa kanyang kinauupuan ay pinagmasda

