Chapter 23

2719 Words

    NAIA International Departures Area, 8PM     KASALUKUYANG nasa waiting area sa Airport si Benjie para sa kanyang flight pa-Vancouver. Hindi na siya nag-abala pang magpahatid sa pamilya sa kanyang pag-alis, dahil ang katuwiran niya ay isang linggo lang naman ang ilalagi niya roon. Pumayag naman ang mga ito at ibinilin pa sa kanya ng mga magulang na kailangang dala na niya ang kanyang mag-ina, pag-uwi niya rito sa Pilipinas.     Napangiti siya sa naisip at sa hindi mabilang na pagkakataong iyon ay pinagmasdan ang litrato ni Loui at Theo sa kanyang cellphone. Kaunting oras na lang at makikita na niya ang kanyang mag-ina. Kaunti na lang, makakasama na niya ang pamilyang matagal na nawalay sa kanya.     “Papa will see you very soon, anak. Hintayin mo lang ako kasama ang Mama mo,” anas niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD